Maling Lalake

1.9K 15 0
                                    

By: jollianrosegarcia

Manliligaw kong akala ko'y seryoso
Pero nagkamali pala ako
Siya'y pinagkatiwalaan ko
Pinaglaanan lahat nang oras ko

Isang maling lalake ang minahal ko
Isang maling lalake ang pinagkatiwalaan ko
Isang maling lalake ang aking sineryoso
Kaya nga ako'y nasaktan nang husto

Nung nanliligaw ka palang
Sinabi mong ako lang
Pero bat ganun sandali lang akong nawala
Pagbalik ko kayo na pala

Sana nung una palang sinabi mo na
Sinabi mo na sana na mahal mo pa siya
Para hindi na ako umasa
Para hindi na ako nagpakatanga

Pinaniwala mo ako
Pinaniwala mo ako na sakin ika'y seryoso
Pinaniwala mo ako na hindi mo na mahal ex mo
Pinaniwala mo ako na wala na siya sa puso mo

Pero bat ganun
Nandito naman ako pero siya parin hanap mo
Siya parin bukam bibig mo
Siya parin hanap mo
Na siya parin pala hangang dulo

Hangang sa aking nalaman
Kayo na pala'y nagkabalikan
Paano na yung tayo?
Paano na ako?

Hindi mo na lang sana ako niligawan
Kung may balak ka palng siya'y balikan
Hindi mo na lang sana ako pinaniwala
Hindi mo na lang sana ako pinaasa

~YY❤

SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now