Pagkabigo

910 5 0
                                    

Pagkabigo
By: Jollianrosegarcia


Ako'y pumikit ng matapos ang labanan
Sa pagitan ko at sa mahal mo na mula pa sa nakaraan
Ako'y nabigo at umuwing luhaan
Sa katotohanang ako'y dimo na babalikan

Saksi ang ulan
Sa sakit na aking nararamdaman
Ramdam ng hangin
Ang aking kalungkutan

Sa pagkasawi ko ako'y may natutunan
Leksyon na hindi ko kakalimutan
Itong sakit na dinulot mo ang gagawin kong daan
Para makabangon sa masalimoot na nagdaan


Sa pagkadurog ng aking puso
Ako'y mangangako
Hinding hindi na ako magpapaloko
Buburahin na lahat ng alaala mo








SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now