Ilang Beses

1.3K 9 0
                                    

By: jollianrosegarcia

Ilang beses mo pa ba akong lolokohin
Ilang beses mo pa ba akong papaasahin
Ilang beses pa ba kitang papatawarin
Ilang beses pa ba kitang paulit ulit na tatangapin

Na sa kabila lahat nang lahat nang kasalanan mo
Tinangap parin kita nang buong buo
Na sa kabila nang lahat nang pagkukulang mo
Patuloy parin akong nandito

Bilangin natin kung ilang beses mo na akong niloko
Kung ilang beses mo akong ginagago
Kung ilang beses kang humingi nang tawad
Kung ilang beses kitang pinatawad

Ilang beses kang umulit
Ilang beses kitang tinangap ulit
Kahit sobra nang sakit
Tinangap ko parin kahit gaano kapait

Isa Dalawa Tatlo
Itigil na natin to
Wakasan na natin kung anong meron tayo
Dahil wasak na wasak na ang puso ko sa mga sakit na idinulot mo

~YY❤

SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now