Tayo

605 10 0
                                    

TAYO
By: Jollianrosegarcia
Dedicated to: KJGutierez

Habang tinititigan ko ang iyong mukha
Hindi ko maiwasang hindi matulala
Sapagkat nakakaakit ka talaga
Sa bawat detalye ng iyong mukha
Ito'y kabisado ko na talaga
Pati na ang kulay mong mala porselana

Oo, gusto kita halata naman diba
Pero ayokong umasa
Dahil alam kong may gusto kang iba
Alam kong mahal na mahal mo siya
Kaya titigil nako sa kakapantasya

Gwapo ka
Kaya nababagay ka sa maganda
At alam kung hindi tayo pwedeng dalawa
Dahil ako'y lupa lang langit ka

Gusto kong malaman mo
Na kahit sa maiksing panahon na nagka gusto ako sayo
Minahal na kita ng lubos at todo
Salamat dahil ika'y nakilala ko
At kung hindi dahil sayo hindi ko sana napagtanto
Na ang ikaw at ako
Kaylan ma’y di magkakaroon ng salitang TAYO

SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now