Paglisan

516 3 0
                                    

Paglisan
By: Jollianrosegarcia

Ganun ganun na lang ba?
Ganun na lang ba kadaling kalimutan ka
Kalimutan ang mga pinagsamahan nating dalawa
Ganun na lang kadaling kalimutan ang ating magagandang alala?


Bakit? Bakit mo hinayaang humantong tayo sa ganito?
Diba nga sabi mo magtatagal tayo
Diba nga sabi mo tayo hanggang dulo
Sabi mo hinding hindi mo ako hahayaang masaktan ng ganito?


Pero bakit ngayon?
Paunti unti mo na akong sinasaktan
Puso ko'y tuluyan na ngang nadaganan
Ng mga masasakit na salita na iyong binitawan


Ika'y tuluyan na ngang mawawala sa piling ko
Kasama ang mga pangako mong napako
Mga alaalang magkasama nating binuo
At ang pangakong tayo hangang dulo


Hindi ganun kadaling kalimutan
Ang ilang buwan nating pinagsamahan
Ang mga araw na tayo pa'y nagmamahalan
Ang mga oras na hindi ka pa tuluyang lumisan

SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now