Libro

936 12 1
                                    


Libro
By: jollianrosegarcia

Sa lugar na lahat ay hindi totoo
Sa lugar na lahat ay gawa gawa at imbento
Sa lugar na walang gulo
Pero hindi nageexist sa mundong ito

Tinatawag itong Libro
Kung saan lahat lamang ay kwento
Lahat ay hindi totoo
Librong maituturing kong paraiso

Paraiso kung saan malaya ka
Kung saan lahat ay pwede mong magawa
Pwede kang magmahal ng walang kontrabida
Lugar kung saan lahat may happy ending kaya masaya

Pero, dapat tayong gumising sa katotohanan
Na ang laman ng libro ay kwento lamang
Lahat ay walang katotohanan at imbento lamang
Walang happy ending dahil lahat ay may hanganan

Walang paraiso
Walang lugar na hindi magulo
Sa pagmamahal palaging may sagabal
Walang lugar na paraiso dahil hindi ito totoo

SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now