Malabo

832 4 0
                                    

Malabo
By: Jollianrosegarcia

Unti unti ko nang natatangap
Na lahat ng meron satin ay pagpapangap
Na kahit kelan walang masasabing tayo
Walang tayo dahil ito'y malabo

Malabo, gaya ng mata mo
Malabo, gaya ng Tayo
Malabo, gaya ng feelings mo
Malabo dahil siya lang nakikita mo


Siya palagi nakikita mo
Samantalang ako yung nandito
Siya yung hinihintay mo
Samantalang ikaw naman hinihintay ko

Ang daya ng tadhana no?
Kung sino pa yung nagseseryoso
Siya pa yung niloloko
Siya pa yung paulit ulit na ginagago


Napapagod din naman ako
Pero, nakita mo ba akong sumuko
Nakita mo ba akong lumayo sayo
Nakita mo bang nagloko ako?

Hindi diba?
Kasi may nakabara sayong mata
Mukha ng babaeng iyong sinisinta
Wala kang ibang nakikita kundi siya


Gumising ka nga sa katotohanan
Sa katotohanang hindi ka niya mahal
Gaya ng pinaparamdam ko sayong pagmamahal
Bakit ba puso mo lagi ang pinapairal?

SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now