Crush

861 11 0
                                    

Crush
By: Jollianrosegarcia

Ikaw ung lalaking pinapangarap
Yung lalaking gustong mayakap
Ikaw yung lalaking hinahangaan
Yung lalaking nais mahalikan


Pero naalala ko
Hangang pangarap lang pala ako
Pero di naman masama mangarap diba
Lalo na't mahal na atta kita


Sa araw-araw ba naman kitang nakikita
Hindi ko napigilan ang puso ko't nahulog na tlaga
Sinubukan ko namang pigilan
Ngunit tila mas lumalim ang nararamdaman


Nagsimula ako sa paghanga sayo
Diko inaakalang darating pala sa punto
Sa punto na mamahalin pala kita
Mamahalin kita ng sobra pa sa sobra



Ngunit aking naalala
Hangang pangarap lang pala kita
Gusto kita ngunit gusto mo'y iba
Nandito ako pero hanap mo ay siya


Kaya ngayon tatangapin ko na
Na hangang pangarap lang kita
Na kahit kailan walang salitang TAYO
Dahil ang meron lang ay KAYO



SPOKEN POETRY (Tagalog) ON GOINGWhere stories live. Discover now