Chapter 6

23 1 0
                                    

LU'S POV

Bahagya akong napabahing habang pumapasok ako sa isang lumang palasyo dito. Naisipan kong dito nalang dalhin si Fu dahil sigurado akong tatanungin ako ulit ng Mahal na Prinsipe tungkol sa damang naparusahan dahil sa kanya. Mabilis ko namang nilinis ang loob saka ko ipinasok si Fu. 

Agad akong kumuha ng damit ko na ng dito lang sa lumang palasyo na ito saka agad na binihisan si Fu. Itinira ko lang ang kanyang huling damit panloob bago ko ipasuot sa kanya ang damit ko. Inayos ko din siya sandali sa lapag at kinumutan saka ako lumabas para maghanap ng halamang gamot at pagkain. Hindi naman ako nahirapan dahil kaibigan ko ang namumuno sa pagluluto at humingi na din ako sa kanya ng gamot saka ako mabilis na bumalik sa lumang Palasyo na aking tinitirhan. Mabilis kong nilapatan ng gamot ang sugat ni Fu sa kanyang hita na hanggang ngayon ay may bakas pa din ng latigo at siguro dahil sa sakit ay nagising si Fu. Agad na namang namuo ang aking mga luha ng sa wakas ay nagmulat na si Fu.

"Fu ayus na ba ang pakiramdama mo?" Agad kong tanong. Agad naman siyang tumingin sa akin saka bahagyang kumunot ang noo niya.

"S-sino ka a-at na-sa-an a-ko?" Nanghihina niyang tanong. Sandali akong natigilan dahil sa tanong niya at hindi ko rin maiwasang masaktan. Sinabi ko sa kanya ang palaging itinatawag ko sa kanya.

"Ang napakagandang makulit at mabait na pinakamamahal kung bubwit na bunsong kapatid" Sabi ko. Nakita kong ng laki ang kaniyang mga mata saka siya naiyak at ganun na din ako.

"K-kuya?" Napatango-tango ako habang umiiyak saka siya niyakap ng mahigpit.

"K-kuya" Tawag ulit sa akin ni Fu habang mahigpit na nakayakap sa akin kahit na nahihirapan pa siyang umupo dahil sa tinamo niyang sugat sa hita.

"Kuya, saan ka ba galing?" Umiiyak paring sabi ni Fu. Napapikit naman ako saka hinahaplos ang ulo niya.

"Ng dito na si Kuya, bunso kaya wag na maiyak hah? Sige ka magagalit sa akin si Ate Mi dahil papangit ka raw" Pagbibiro ko sa kanya pero imbes na matawa siya ay mas lalo pa siyang naiyak.

"Kuya, hinanap ka namin. Hinahanap kita" Naiiyak parin niyang sabi at hindi naman ako umimik habang patuloy ko parin hinahaplos ang ulo a likod niya. Maya-maya lang ay tumahan na din si Fu.

"Kuya saan ka ba galing? Bakit hindi ka na umuuwi sa atin?" Pinunasan ko muna ang mga tumatakas na luha niya saka inilahad ang nangyari.

Ako ang naatasan ni Ama noon na maghanap ng pagkain kaya agad akong lumisan sa bahay hindi pa man sumisikat ang araw. Nagpunta ako sa kagubatan nun. Ilang minuto rin akong naglibot-libot sa kagubatan hanggang sa may nakita akong usa, hindi naman ako nahirapang hulihin yun dahil sana'y na din ako sa pangangaso. Ng maitali ko na ang usa saka ko ito binitbit sa aking likuran. Nasa daan na ako nun pauwi ng aksidente kong nakaharap ang kalesa ng isa sa mga maharlika na ngayon ay nakilala kung na ang Mahal na Prinsipe pala. Papaslangin sana ako ng isa sa mga gwardiya noon ng pinakiusapan siya ng Mahal na Prinsipe at ipinasok nalang sa Palasyo. Ilang araw na ako nun sa loob ng palasyo ng malaman ng isa sa mga maharlika ang tungkol sa akin saka ako ipinapatay pero sa pangalawang beses ay sinagip muli ako ng Mahal na Prinsipe at simula noon ay inilihim naming dalawa ang tungkol sa aming pagiging magkaibigan namn. Simula din noon ay hindi na ako nakalabas pa sa palasyo at yun ay nangyari siyam na  taon  ang nakaraan.

"Kuya, wala na pala si Ama" Malungkot na sabi ni Fu na aking ikinagulat at ikinatigil ng aking mundo.

"Wala na si Ama?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot habang nakayuko siya at kinukotkutkot ang mga daliri niya.

"Pa-paanong?" Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala.

"Isang taon ka naming hinahanap noon ni Ama hanggang sa nagkasakit siya at yun din ang ikinamatay niya. Nagpatuloy pa ako sa paghahanap sayo Kuya pero ni bakas mo wala kaming nakita hanggang sa noong nakaraang taon lang tumigil ako sa paghahanap pero sina Ina at Ate Mi ay patuloy parin sa pagkausap ng mg tao sa paligid tungkol sayo. Noong nakaraang buwan nga lang ay pinipilit nilang ipasok si Ate Mi bilang tagapagsilbe pero hindi ko hinayaan ayaw ko kasing may mangyaring masama sa kanya" Nakayukong sabi ni Fu. Ako naman ay hindi maiwasang mamangha sa aking bunsong kapatid. Bata pa siya ng mawala ako pero siya pa itong tumatayong haligi ng tahanan namin.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now