Chapter 27

14 2 0
                                    

FU'S POV

Sumapit na ang gabi at gaya ng sinabi ng Mahal na Hari may mga gwardiya ngang pumasok dala-dala ang mga sulo na gagamitin siguro nila para sunugin kami dito. May isang gwardiya ang pumasok sa selda ko saka ngingiting tinitignan ako. Ano kaya iniisip nito?

"Hayaan mong dalhin muna kita sa langit binibini bago ka masunog sa impyerno" Nakangiting aso na sabi niya na ikinalaki ng aking mga mata.

"Aba't bastos ka ah!" Galit na sigaw ko saka siya tinadyakan sa tiyan hudyat na din upang kumilos na ang ibang mga kasamahan ko rin na binubogbog na ang mga gwardiya.

"Magmadali" Sabi ni Mang Merlan kaya agad kaming sumunod saka ipinagpasok lahat ng gwardiya sa mga selda namin saka namin kinuha ang mga damit nila at ipinalit sa amin.

"Tapos na ba kayo?" Napatango lang ako sa sinabi ni Mang Kiko.

"Tayo na" Agad kaming pumila saka namin sinunog ang bawat selda.

"Bilisan natin!" Napatakbo na kami sa sinabi ni Mang Merlan. Ng makalabas kami ay agad kaming binati ng mga tauhan ng Reyna at ng doon din si Lady Sue kaya agad akong napayuko.

"Nagawa niyo na ba?" Napatango lang kami saka lumuhod. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Lady Sue bago sila magsialisan.

Ng makaalis na sila Lady Sue ay siyang paglaki naman ng apoy sa aming likran.

"Umalis na tayo dito, may alam akong daan" Sabi ko saka sila sumunod sa akin. Tinahak ko yung daan na ginamit namin ni Peri ng pinatakas ko siya. Agad namin itong inakyat at bago ako bumaba sa kabilang bahagai ay napatingin ako sa Palasyo ni Peri.

Mahal ko, hinitayin mo ako.

PRINCE PERI'S POV

"Ano?!" Napatayo ako dahil sa gulat. Hindi maari toh! Hindi!

Mabilis akong naglakad palabas pero agad akong hinarang ng mga tao ng Mahal na Reyna.

"Padaanin niyo ako" Tiim bagang kong sabi saka nagtangkang maglakad ulit pero hinarang parin nila ako kaya sinuntok ko nalang sila saka ako napatakbo palabas at tinungo ang kulungan.

Pagkarating ko doon, napako sa lupa ang aking mga paa habang ang aking mga mata naman ay tulalang nakatingin sa kulungan na ngayoy kinakain na ng apoy, habang may naririnig pa akong mahihinang sigaw sa loob.

"Fu" Tawag ko at sinubukan kong lumapit sa apoy pero agad na naman akong pinigilan ng mga gwardiya at ibang mga tagasilbe.

"Bitawan niyo ako! Fu! Fu!" Sigaw ko habang hinahawakan nila ako sa magkabilang braso ko.

"Fu!" Nagulat ako ng bigla gumuho ang buong istraktura at kasabay ng paguho nito ay ang pagbagsak rin ng mundo at mga luha ko.

"F-fu" Dahan-dahan akong napaluhod dahil sa panghihina.

Hindi! Hindi ko matatanggap sa sarili ko na wala man lang akong nagawa para sa kanya! Fu mahal ko! Patawarin mo ako.

NARRATOR'S POV

1 buwan ang lumipas.

Naging tahimik na uli ang kaharian isang buwan pagkatapos na umugong ang balita tungkol sa pagsunog ng kulungan. Sa kabilang banda naman, sa labas ng kaharian. Abala sa pagpaplano at pageensayo ang mga kasamahan ni Fu. Muli din niyang naitayo muli ang samahan ng kanilang pamilya at nagulat pa nga siyang halos lahat ng mamayan sa kaharian ay supurtado ang ginagawa nila kahit hindi nila ito kapamilya, masaya naman siyang tinulungan sila nito at sa madaling panahon nalang ay makikita na niya ulit ang kaniyang mahal.

Sa loob ng kaharian naman ay ang walang tigil sa pagdiwang ang Mahal na Reyna at si Lady Sue lalo na't hawak na nila sa leeg ang hari at ang prinsipe.

"Ngayon muling aangat ang pangalang Sue na sinira ng mga hampas lupang iyon!" Nakangiting sabi ng Mahal na Reyna saka sila nagtagay ni Lady Sue ng mamahaling alak.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon