Chapter 15

18 1 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

"Hahaha ang saya nun!" Nakangiti kong sabi saka uminom sa bote ng tubig na dala ni Fu.

"Napasaya ba kita Mahal na Prinsipe?" Nakangiti ding tanong sa akin ni Fu, mabilis naman ang ginawa kong pagtango sa kanya.

"Sobra!" Sagot ko at kumuha ng isang isaw na hawak-hawak niya.

"Saan tayo pupunta ngayon Fu?" Nakangit kong tanong saka kumagat ng isaw.

"Sa pamilya ko" Mahinang bulong niya habang nakatingin lamang sa unahan, habang ako naman ay nakaramdam ng lungkot dahil sa malungkot ring pagkakasabi niya.

"Hinahanap-hanap mo ba sila?" Malumanay kong sagot saka ko hinawakan ang kamay niya at marahan itong pinisil.

"Palagi ko naman silang hinahanap at iniisip. Ako lang kasi ang maasahan nila Ina sa mga mabibigat na gawain at ngayong wala ako sa bahay naiisip kong nakakain pa kaya sila? Sino nalang ang maghahanap ng ulam? Sino ang tutulong kay Ina at Ate Mi sa paglalaba, pagpapakain ng mga kabayo, magsibak ng kahoy at marami pang-iba" Sabi ni Fu. Napatango-tango naman ako habang namamangha. Hindi tulad ko maraming tagasilbe ang gumagawa para sa akin maliban lamang sa mga tungkulin ko. Hindi tulad ng mga ginagawa ni Fu ang mga ginagawa ko lang ay mga simple at magagaang gawain.

"Napakasipag mo" Napangit ako sa aking sinabi at rinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Kailangan dahil kong hindi ako gagawa wala kaming makakain at ako nalang ang maasahan sa amin. Kaya sa murang edad natuto rin akong mangaso, alam mo ba na ang unang nahuli kong hayop ay batang usa? Napana ko lang yun pero ang totoong nakadakip noon ay si Ama, dahil sa bata pa nga ako hindi ko pa kayang hulihin yung batang usa" Mas lumawak ngiti ko.

"Kaya gustong-gusto kita dahil sa mga kakaibang katangian mo" Hindi siya sumagot dahil tumigil na kami.

"Ng dito na tayo?" Takang tanong ko habang nakatingin sa isang kubo sa di kalayuan, hindi tulad ng ibang mga tahanan. Malayo-layo ito at may mga hayop at muntik hardin na may mga gulay at prutas na aking nakikita.

"Ayun si Ina" Nakangiting turo ni Fu sa isang babaeng nagdidilig.

"Bakit hindi mo sila lapitan Fu?" Tanong ko at tinignan siya.

"Hindi maari dahil kapag nakita nila ako, kakalat at malalaman ng mga taga-palasyo baka bibitayin pa ako kung nagkataon" Natatawang sabi niya saka pinagmasdan nalang mula sa kalayuan ang sinasabi ni Fu na kanyang Ina.

"Ayun naman si Ate Mi" Turo niya ulit sa isa pang babae na nagpapakain sa mga manok.

"Ayus lang naman sigurong lalapitan mo sila Fu" Sabi ko at hinawakan siya sa balikat.

"Wag na baka mapahamak pa tayo" At sa huling beses ay pinagmasdan ni Fu ang kaniyang Ina at kapatid gayun din ako bago niya hinawakan ang kamay ko at sabay kaming tumalikod.

"Magtatanghali na" Sabi ko habang nakatingin sa kalangitan. Naglalakad pa din kami ni Fu at ngayon ay patungo kami sa kakahuyan.

"Mabilis lang ito may babatiin lang ako" Sabi ni Fu, hindi naman ako sumagot pa at sumunod nalang. Maya-maya lang ay nakarating kami sa bahaging maraming kawayan at ilang dipa mula sa aking kinatatayuaan ay isang malaking bato na may nakaukit.

"Maligayang bagong taon Ama" Sabi ni Fu at may kinuha siya sa dala niyang supot na isang tangkay ng bulaklak na mula sa Palasyo.

"Pasensya na kayo Ama kong ngayon ko nalang kayo nabisita ulit" Sabi ni Fu at nagdasal ng tahimik para sa kanyang Ama. Tahimik lang akong nakatayo sa tabi ni Fu habang nagdadasal siya, habang ginagawa niya ang pagdadasal ay nanatilling nakatingin lang ako sa kanya. Masaya ako ngayon Fu dahil sa mga bagay na una kong naranasan at ang mas ikinasaya ko ay ang kadahilanang ikaw ang kasama ko sa mga pagkakataong iyon.

"Hmm, Gutom ka na ba Mahal na Prinsipe?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng marinig ko ang boses ni Fu"

"Peri, Peri ang pangalan ko Fu at yun ang nais kong itawag mo sa akin simula sa araw nato" Sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Peri" Mahinang bulas ni Fu at ramdam ko ang kakaibang saya ng sa unang pagkakaton ay tinawag niya ako sa aking tunay na pangalan. 

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now