Chapter 17

12 1 0
                                    

NARRATOR'S POV

"Ihanda niyo ang unang pagatake niyo. Siguraduhin niyong ang Prinsipe ang matatamaan" Sabi ng babaeng nakaitim at nakatalikod sa mga taong nakaitim din.

"Masusunod kamahalan" Sabay-sabay na sabi ng mga lalaking nakaitim at agad naman silang nagsialisan.

PRINCE PERI'S POV

Pagkatapos ng munting kasiyahan namin ni Fu malapit sa tabing dagat ay bumalik na kami sa pader kung saan kami umakyat at tahimik na nakapasok ulit ng walang nakapansin. Magkahawak kamay sin kaming naglalakad pabalik sa aking Palasyo dahil doon na din niya nais na magpalit ng damit bago siya tuluyang bumalik sa kaniyang Palasyo.

"Maraming salamat talaga Fu" Nakangiti kong sabi saka marahang pinisil ang hawak kung kamay niya.

"Wala yun at ikinagagalak kong napasaya kita" Sabi ni Fu saka pumunta sa aking harapan.

"Sobra. Sobra na ang pagpapasaya mo sa akin" Nakangiti ko paring sabi at gayun din siya.

"Ah! May regalo pala ako sayo, teka lang" Mabilis niya kinalkal ang dala niyang supot saka may binunot.

"Tadaa!" Nakangiti niyang sabi sabay pakita sa aking ng dalawang kwentas na magkapareho ang disenyo.

"Para sa akin yan?" Gulat kong tanong agad naman siyang tumango saka tumingkayad para isuot sana sa akin ang kwentas pero dahil sa taas ko nahihirapan parin siyang abutin ako kaya bahagya akong yumuko at muntikan ng magkasalubong ang mga labi naming dalawa. Habang nakatingin sa aking mga mata ay ang pagsuot din niya sa kwentas saka siya ngumiti sa akin.

"Maligayang bagong taon Peri" Tumango ako at niyakap siya. Hindi ko talaga lobos maisip na sa piling lang pala ni Fu mararamdaman ko ang hindi maipaliwanag na kasiyahan sa aking puso. Mahal na kaya kita?

Agad din akong napalayo kay Fu ng maisip ko iyon. Pinagmasdan ko pa siya ng isinuot din niya ang kwentas saka kami sabay na naglakad patungo sa palasyo ko.

"Mahal na Prinsipe!" Sabay-sabay na nagsiyukuan ang mga gwardiya at mga tagasilbe ng makapasok ako.

"Kukunin ko lang ang damit ko" Pagpapaalam niya pero agad ko siyang hinawakan sa balikat.

"Maari bang dumito ka muna?" Sabi ko sasagot pa sana si Fu ng biglang nanlaki ang mata ni Fu at niyakap ako saka niya ipinagpalit ang posisyon namin.

"Fu?" Nagtataka kong tanong sa kanya sabay yakap din pero natigilan ako ng may nahawakan akong basa sa likuran. Kinapa ko pa ito at nahawakan ang isang palaso.

"Mahal na Prinsipe!" Narinig kong ingay sa aking paligid at dahan-dahan silang nagsilapitan sa amin pero hindi ko magawang kumilos.

"Fu" Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya habang dahan-dahan kaming napaupo dalawa sa lupa.

"Hulihin niyo yun!" Rinig kong sigaw ni Luwen pero na kay Fu parin ang paningin ko.

"Fu" Nanginginig ang kamay ko habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Fu wag kang pumikit dadating na ang doktor" Natatarantang sabi ko.

"Tawagin niyo ang doktor! Humingi kayong ng tulong!" Sigaw ko at agad namang nagsiyukuan ang lahat at sumunod.

"Fu parang awa mo na" Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mata habang pinagmamasdan ang nasasaktang mukha niya.

"F-u" Naiiyak kong sabi saka siya niyakap.

"Shh...hi-ndi mo ka-sala-nan yun Ma-hal na Prinsipe, hin-di mo kasalanan yun Mahal k-o" Nahihirapang sabi niya na ikinatigil ko at agad siyang tinignan. Ng hihina naman niyang hinawakan ang pisngi ko kaya ako na mismo ang lumapit sa kanya at hinawakan din ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko.

"Ma-hal kita" Nakangiting sabi ni Fu kahit nananghihina siya. Hindi ko naman maiwasang maluha na talaga at hinalikan siya.

"Mahal din kita. Mahal na mahal kita" Lumuluhang sabi ko at pinunasan ang mata niyang lumuluha na din pala.

"Mahal kita at patawad mahal ko" Mahinang sabi ni Fu at may lumabas na dugo sa bibig niya habang dahan-dahan siyang pumipikit.

"Hindi" Natigilan ako ng tuluyan ng pumikit ang mga mata niya.

"Hindi, hindi Fu gumising ka!" Mahinang sigaw ko habang niyugyog siya ng marahan, pero wala akong natamong sagot. At tuluyan na ngang gumuho ang mundo ko ng maramdamang unti-unti ng dumaodos ang kamay niyang nakahawak sa pisngi ko na siyang hawak ko rin. Hindi, hindi maari to!

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now