Chapter 20

16 2 0
                                    

NARRATOR'S POV

Galit na pinagbabato ni Lady Sue ang mga gamit niya habang sa trono niya ay tahimik na sumisimsim ng kape ang Mahal na Reyna.

"Mga inutil simpleng trabaho hindi pa nagagawa ng tama!" Galit na sigaw niya saka nagpatuloy sa pagwawala ng galit niya.

"Lady Sue, ang pugitang may maraming galamay ay patuloy na mabubuhay kahit ubusin mo pa ang galamay nito, pero ramdam nitong wala na siyang silbe kong wala na nga siyang galamay. Sa mundong ito pinakamakapangyarihan ang pagmamahal, at ang taong mawawalan ng minamahal ay masisira pero patuloy parin sa paghinga kahit ang loob-loob nito ay patay na. Ano sa tingin mo ang mabisang paraang upang mapahina at mawalan ng pag-asa ang isang ibon na pilit kumakawala sa hawla niya?" Makahulugang sabi ng Mahal na Reyna kay Lady Sue.

"Kung ano ang nagbibigay lakas nito?" Panghuhula ni Lady Sue sa matalinghagang sabi ng Mahal na Reyna.

"At ano ang lakas nito?" Tanong ng Mahal na Reyna.

"Ang taong tanging pinaghuhugutan niya ng lakas at saya" May diing sabi ni Lady Sue ng maunawaan na niya kong anong ibig sabihin ng Mahal na Reyna.

"Kung gayon ang sagabal sa daan ay dapat mawala" Sabi ng Mahal na Reyna saka siya umalis sa Palasyo ni Lady Sue at tinahak ang daan pabalik sa sarili nitong Palasyo.

Ilang araw ang nakaraan.

Mabilis na pumasok ang Heneral ng sandatahang lakas sa Palasyo ni Fu at pinadadakip ito. Si Fu naman ay nagtatakang napasunod nalang sa mga gwardiyang marahas siyang pinadakip. Sa kabilang banda naman ay mabilis na naglakad si Prinsipe Peri dahil sa balitang kaniyang natanggap.

FU'S POV

Nagtaka ako ng bigla nalang akong dalhin ng mga gwardiya sa kaharian patungo sa palasyo ng Mahal na Hari. At kung hindi ako nagkakamali ito ang unang beses na makaharap ko siya. Pagkarating ko doon ay agad akong pinaluhod sa harapan ng Mahal na Hari't Reyana habang sa magkabilang gilid ko ay ang ilang mga asawa ng Mahal na Hari na nadidismayang tinitignan ako.

"Lady Fu" Napaangat ang aking tingin ng tawagin ako ng Mahal na Reyna.

"Ano sa tingin mo ang dahilan kong bakit ka pinapatawag rito?" Tanong niya, agad naman akong nagisip pero wala talaga akong naisip na kahit anong nilabag ko.

"Hindi ko po alam Mahal na Reyna" Sabi ko at napayuko, hindi naman siya nagsalita. Nagulat nalang ako ng makita kong inihagis ng isang tagasilbe ang isang supot at damit panlalaki na alam na alam ko kung kanino ito.

"Ipaliwanag mo ang mga iyan" Sabi pa ng Mahal na Reyna saka inilabas ng tagasilbe ang laman ng supot na dala ko nung araw na dinala ko sa labas ng kaharian ang Mahal na Prinsipe.

"Mga gamit ko po yan Mahal na Reyna" Pagsasabi ko ng totoo.

"Totoo bang inilabas mo sa kahariang ito ang Mahal na Prinsipe?" Tanong ni Lady Sue na nakaupo sa unahang upuan kasama ang iba pang mga babae. Hindi ko manginig sa kaba ng dahil sa tanong niya. Sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Peri sabay yuko sa unahan ko.

"Mahal na Hari. Mahal na Reyna. Nakikiusap akong pakawalan niyo po si Lady Fu" Nakayukong sabi ni Peri pero tinawanan lang siya ng Mahal na Reyna.

"Bakit mo papakawalan ang isang taksil at nagrerebelde laban sa ating kaharian?!" Biglang galit na sigaw nito kaya napatingin sa kanya si Peri.

"Taksil? Nagrerebelde?" Takang tanong niya. Inihagis naman ng isang gwardiya ang palasong tumama sa likuran ko noong nakaraang araw.

"Napagalaman namin na ang may ari ng palasong iyan ay pamilya ni Lady Fu" Sabi ni Lady Sue na aking ikinagulat.

"Di ba't ikaw si Fu Ongsaeng na anak ni Mifulo Ongsaeng? Ang pinuno ng mga rebelde na siyang pumatay sa dating reyna?" Sabi ng Mahal na Reyna na siyang mas ikinagulat ko at nagpatigil sa akin. Pinuno ng mga rebelde? Si Ama? Paanong?

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now