Chapter 22

12 2 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

Tahimik lang akong nakakanig sa kanila. Hindi ko alam kong sino na ba talaga ang nagsasabi ng totoo.

"Paslangin ang babaeng yan!" Malakas na sigaw ni Lady Sue pero agad na itinaas ng Mahal na Hari ang kaniyang kamay dahilan upang tumigila ang lahat.

"Lady Fu. Paano mo nasasabi ang mga yan?" Malumanay na sabi ng Mahal na Hari. Agad namang tumingin sa kaniya si Fu at ngumiti ng matamis.

"Sa mundong ito kasi Mahal na Hari. May naapi, may nang-aapi at may mga maaping tao. Ako ay napabilang sa maapi habang ang anak niyo ay naapi at ang dalawang babaeng nasa harap niyo ay ang nang-aapi. Kahit na nasa mababang antas lamang ako kung sama-sama kaming mahihina ay tiyak na makakagawa kami ng malakas na pwersa na kayang patibagin ang pinakamatibay na pader" Makahulugang sabi ni Fu at nakita ko ang munting ngiti sa mga labi ni Ama na kong titignan mo lang sandali ay hindi halata.

"Kung gayun ay tinatapos ko na ang diskusyong ito at ikaw Lady Fu ay pinapawalang sala ko" Sabi ng Mahal na Hari at umalis, ako naman ay nakahinga ng maluwag at napatingin kay Fu na nakangiting nakatingin saka siya tumingin kay Lady Sue at sa Mahal na Reyna.

"Tandaan niyo mga kamahalan na kahit ang pinakamatibay na bakal ay kayang hilisin ng nagbabagang apoy" Matapang na sabi ni Fu saka tumayo siya at basta nalang akong hinila palabas. Dinala niya ako sa aking palasyo at tahimik lamang ako.

"Fu alam mo bang hindi kagalang-galang ang ginawa mo?" Tanong ko ng makapasok kami sa aking silid-tulugan.

"Bahala na kung anong mangyayari Mahal na Prinsipe lalo't ramdam kong parang may binabalak na naman sila" Nakatingin sa kawalan na sabi ni Fu.

NARRATOR'S POV

"Walang hiya ang babaeng yun! Paano niya nalulusutan lahat ng paratang natin?! At bakit siya kinakampihan ng Hari?!" Naiinis na sabi ng Mahal na Reyna.

"Kumakapal na ang kanilang pag-asa lalo't may asungot na nakikitaan nila ng pag-asa" Galit na sabi ni Lady Sue.

"Dapat isa sa kanilang tatlo ang mapapaalis natin dito" Tiim bagang na sabi ng Mahal na Reyna na agad na sinangayunan ni Lady Sue.

"At nais ko na ang babaeng iyon ang unang mawala" Tiim bagang narin na sabi ni Lady Sue at saka sila nagkatinginan dalawa na para bang sa pamamagitan ng mga tingin nila ay nag-uusap na sila sa mga susunod na hakbang na kanilang gagawin.

4 buwan ang lumipas.

Sa gitna ng gabi may mga kalalakihang tahimik na pinasok ang Palasyo ng Mahal na Prinsipe. Hindi na rin sila nahihirapang makapasok lalo't napalitan nilang lahat ng mga gwardiya ng mga kasamahan nila upang mapagtagumpayan na nila ang kanilang misyon. Tahimik nilang pinasok ang loob ng Palasyo hanggang sa makarating sila sa pintuan ng silid tulugan ng Mahal na Prinsipe.

PRINCE PERI'S POV

Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro ng mapansin kong may naaaninag akong anino sa labas ng pinto ko.

"Sino yan?" Pagtawag ko pero walang sumagot kaya agad akong naalerto at mabilis na kinuha ang espadang nasa likuran ko lamang. Dahan-dahan akong tumayo at lumapit sa pinto saka marahas itong binuksan doon tumambad sa akin ang maraming kalalakihan na nakaitim at nakamaskara ng kalahati ng kanilang mukha habang diretsong nakatingin sa akin.

Dahan-dahan silang pumasok kaya mabilis kong inalis ang takip ng espada ko at itinutok ito sa kanila.

"Sino kayo?!" Tanong ko ulit pero imbes na sagot ang makuha ko ay umatake na sila palapit sa akin.

NARRATOR'S POV

Sa kabilang banda naman habang inaatake ng mga kalalakihan ang Mahal na Prinsipe ay sakto namang namang napadaan ang si Lady Fu sa Palasyo ng Prinsipe dahil kakatapos lamang niyang mag-insayo sa pakikipag-espada ng palihim. Ng makita niyang may kakaiba sa palasyo ng Mahal na Prinsipe hindi na nagdadalawang isip na pumasok rin si Fu sa loob at doon tumambad sa kaniya ang mga nakaitim na kalalakihan.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon