Chapter 10

18 1 0
                                    

PRINCE PERI'S POV

"Mahal na Prinsipe, tadaa!" Natawa nalang ako ng marahan ng makita ko si Fu habang may hawak siyang isang bote.

"Gusto niyo pong matikman?" Agad akong tumango at agad din niyang hinanda ang kaniyang dala.

"Alam niyo po ba Mahal na Prinsipe ang wine nato ay mula pa sa bundok at kinatas saka itinago sa isang kweba at doon pinahinog hanggang sa sumarap ito pagkalipas ng taon?" Napailing nalang ako saka kinuha ang tasa.

"Ilang taon na ba ito?" Tanong ko at saka uminom.

"Mag-iisang daang taon na po yan bukas, Mahal na Prinsipe" Sabi ni Fu, muntikan pa akong masamid dahil sa aking narinig.

"Hahahahaha" Magtatanong sana ako ng marinig ko ang mahinang tawa ni Fu saka marahang hinihimas ang likod ko. At ayun naman ang kakaibang pakiramdam ko.

"Ginawa ang alak na iyan ng ama ng lolo ko" Sabi niya saka sinalinan ako.

"Bakit mo naman ibinigay sa akin to? Kung gayung mahalaga pala ito sa inyo?" Umiling lang siya saka dinaluhan ako sa pag-inom.

"Wala po kasi akong pera pambili ng mamahaling alak sa inyo at dahil nga gusto niyong maranasang uminom ng alak napag-isipan ko nalang na kunin nalang ang itinagong alak namin, kaya karangalan sa akin ng ininom mo ang alak na mula sa pamilya ko Mahal na Prinsipe, sulit ang pagakyat ko sa bundok" Natawa siya ng marahan saka uminom din habang ako naman ay dahang-dahang inilapag sa mesa ang tasang ininuman ko. Kaya ba wala siya kahapon? Pero paano na siya nakalabas dito sa kaharian?

"Paano ka naman nakalabas sa kaharian?" Tanong ko at umayos ng upo.

"Ah yun po ba? Simple lang po inakyat ko po ang pader, tinakbo ang bundok kaya nga kaninang madaling araw lang ako nakabalik. Ito nga po oh ibedinsiya" Paliwanag ni Fu sabay pakita ng kamay niyang maraming galos.

"Bakit ang dami mo namang galos Fu?" Nag-alalang tanong ko.

"Edi po ba tinakbo ko ang bukid? Eh sa minsan hindi ko nakikita yung nadadaanan ko dahil sa pagmamadali kaya ayun palaging nadadapa pero ayus lang po dahil nagustuhan niyo naman po ang handog ko Mahalna Prinsipe, di po ba?" Napangiti ako sa kanyang tinuran.

"Hmm, masarap nga" At sabay naming ininom ni Fu ang dala niyang bote ng alak hanggang sa nakatulog na siya, ako naman ay nanatiling naka-upo. Masarap at matapang ang alak na dala niya pero dahil nga isa akong maharlika na sanay na rin siguro ako sa mga mas matatapang na alak.

Habang nakayuko si Fu sa lamesa hawak parin ang pinag-inuman niya na tasa, hindi ko maiwasang pagmasdan siya. Inilapit ko pa ng kaunti ang aking upuan sa harap niya saka yumuko din kagaya ng kanya at walang sawang pinagmamasdan ang kaniyang mukha.

Masaya ako at nakilala ko din si Fu ngayon lalo'y ilang buwan ko na ring hindi nakikita si Lu, palihimko din siyang hinanahanap pero sa bawat araw na nagdaan ay nabigo lang ako.

Marahan kong hinaplos ang ulo ni Fu habang pinagmamasdan parin siyang natutulog.

"Sana ay palagi ka lang na ng didiyan sa aking tabi Fu, dahil hindi ko kayang makawala sa mga hawlang ito ko wala akong pinagkukunan ng lakas, at ikaw yun" Bulong ko sa kanya saka ako lumapit at marahang hinalikan ang kaniyang sintido.

Ngayon alam ko na kung ano itong kakaibang nararamdaman kong saya sa tuwing kapiling ko siya. Siya lang din kasi ang natatanging kaibigan ko na babae sa kahariang ito.

"At ipinapangako kong gagawin ko ang lahat upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kahariang ito. At gusto ko na nasa tabi parin kita nun" Bulong ko ulit sa kanya saka ako lumabas, hindi nila pwedeng makita si Fu kaya ako nalang ang lalayo muna sa kanila dito sa loob ng palasyo.

Habang naglalakad ako sa kaharian may napansin akong mga gwardiyang nagkakagulo, lalapitan ko na sana sila pero agad nila akong hinarangan.

"Mahal na Prinsipe, mabuti pa po't bumalik nalamang muna kayo sa inyong Palasyo lalo't may nakapasok ditong rebelde" Rinig kong sabi ng Heneral sa aking harapan. Rebelde?

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now