Chapter 29

12 1 0
                                    

FU'S POV

Kanina pa ako nakahiga rito pero ni limang segundo ay hindi ko magawang maka-idlip. Puno ang aking isipan sa mga maaring mangyayari bukas. Hindi ko inasahang papadaliin ng Mahal na Reyna ang mga binabalak niya, hindi pa kami gaanong handa pero mabuti nalamang na dahil sa pagkakaisa naming lahat ay nagawa naming mapabilis rin ang ibang gawain gaya ng pagkuha ng mga armas at mga karagdagang tao na handang magbulontaryo para sa gagawin namin.

"Fu gising ka pa ba?" Napaupo ako ng marinig ko ang boses ni Ina. Ng dito na rin sila ni Ate Mi upang samahan at paglingkuran din kami ng mga kasamahan ko, sila na ang bahalang naghahanda ng mga pagkain namin at iba pa.

"Opo Ina" Sagot ko saka pumasok sa tolda ko si Ina na may munting ngiti sa kaniyang mga labi saka siya umupo sa aking tabi at hinaplos ang ulo ko.

"Tama nga ang Ama mo" Nakangiti niyang sabi kaya napangiti nalang din ako saka humiga sa mga hita ni Ina saka niya patuloy na hinahaplos ang ulo ko.

"Alam mo ba anak na may apat na uwak ang dumapo sa may bintana natin noon ng ipinanganak kita? Sabi ng Ama mo swerte raw yun. Sabi pa nga niya na ikaw raw ang itinakdang magdadala ng mabuting balita pero hindi mo yun magagawa kong hindi mo matatagpuan ang taong sasamahan mo sa pagkamit ng magandang balita. Siguro tama nga ang Ama mo kayo ang dalawang uwak na nagpapahiwatig ng magandang balita" Mahabang sabi ni Ina, tahimik lamang ako habang iniiintindi ang sinabi niya.

"Ang Mahal na Hari at ang Mahal mong Prinsipe ay mga uwak. Kinatatakutan man pero sa totoo ito ay mga magagandang ibon. Mga magagandang ibon na ikinulong sa hawla at yun ay ang Reyna, Lady Sue kasama na ang mga tauhan nila, pero tandaan mo anak hindi magiging hawla ito kung walang kandado" Patuloy ni Ina. Bahagya pa akong nalito dahil sa sinasabi niyang kandado raw. Ano ang ibig mong sabihin Ina?

"Dahil sa nakahawla ang Mahal na Hari at ang Prinsipe kailangan nila ng tulong. At kayong dalawa ng Mahal na Prinsipe ang makakapagpabago sa lahat. Kayo ang tinatawag nilang 'cawing crow' sa kahariang ito. Ibig sabihin kayo ang magbabago tungo sa magandang kinabukasan ng lahat. Kaya gawin mo ang lahat Fu, nasa mga kamay niyo ng Mahal na Prinsipe nakasalalay ang aming mga buhay"

Sandali pa kaming nag-usap ni Ina bago siya umalis. Ako naman ay humiga saka iniisip ang mga tinuran ni Ina. Tayong dalawa mahal ko ang makapagbabago ng lahat kaya sikapin nating manalo sa labang ito kahit na hindi ako tiyak kong makakasama mo pa nga ako hanggang dulo.

PRINCE PERI'S POV

Walang katao-tao sa buong palasyo ko dahil halos lahat sila ay abala para sa gagawing pagkorona sa taong hindi ko inaasahang tatraydurin ako.

"Kumain ka na muna Peri" Sabi ni Lu sabay lapag sa akin ng mangkok ng lomi. Hindi ko maiwasang mapapikit dahil sa alala ko na kasama si Fu.

"Kumain ka na" Sabi niya ulit pero hindi ko na siya binigyan pa ng pansin. Paano ako mapapatuloy sa paglaban kong ang tanging taong pinagkukunan ko ng lakas ay wala na dito?

"Paano mo nagawa toh?" Walang buhay na tanong ko sa kanya at tinignan siya diretso sa mata.

"Para sa kapatid ko" Sagot niya saka tumalikod at nagsimulang maglakad palabas per agad akong nagsalita.

"Sino bang kapatid mo ito?" Sandali siyang tumigil sa paglalakad saka ako nilingon ng tingin.

"Si Fu" Sagot niya na ikinagulat ko. Ilang segundo din kaming natahimik saka ako nagpakawala ng parang nababaliw na tawa.

"Si Fu? Ang taong mahal ko na pinatay nila!" Biglang galit na sigaw ko at kita ko kung paano bumakas sa mukha niya ang gulat.

"Anong sinabi mo?" Parang hindi naniniwalang tanong niya.

"Patay na si Fu. Pinatay sila ng mga taong akala mo kakampi mo. Isa siya nasaw nung sinunog ang kulungan" Sabi ko sa kanya at hindi ko na maiwasang maluha dahil sa alaalang wala na siya rito para samahan akong ipagpatuloy ang labang ito.

"Fu!" Bigla nalang isinigaw ni Lu ang pangalan ng kapatid niya saka siya napaluhod at napahagulhol sa iyak.

"Ngayon alam mo na kung ano ang pakiramdam ng sinasaksak sa likod at harapang tinatraydor" Malamig na sabi ko saka tinungo ang aking silid-tulugan, doon ko ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Mahal ko paano na ako? Paano pa ako makakatakas sa madilim na hawlang ito kung kung wala ka kasabay ng tanging liwanag na aking nakikita.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon