Chapter 30

14 2 0
                                    

FU'S POV

"Fu alam mo na kung ano ang gagawin" Tinignan ko si Tiyo Miu saka siya tinanguan.

"Dalhin ko ang Mahal na Prinsipe sa centro ng pagdadausan saka siya ang iatatnghal bilang hari" Pag-uulit ko sa aming plano.

Ang plano kasi namin ay iligpit ang lahat ng mga tao dito saka namin susugurin ang lugar kung saan dinadaos ang seremonyas. Ako ang naatasang kunin ang Mahal na Prinsipe habang sina Tiyo Merlan naman sa Mahal na Hari at ang iba naman ay ang bahalang pigilan o ligpitan ang mga kalaban.

"Sige puntahan mo na siya" Utos sa akin ni Tiyo May na tinanguan ko saka inakyat ang pader, mabuti nalang talaga at hindi ito gaanong nararating ng mga tao dahil na sa likurang bahagu ito ng Palasyo ng Mahal na Prinsipe.

Tahimik akong naglakad hanggang sa marating ko ang Palasyo ni Peri at nakakalungkot lang ng walang katao-tao rito. Naglakad nalang ako papasok pero wala paring tao. Tinungo ko nalang ang silid-tulugan niya at doon ko siya nakitang nakaupo habang hinahaplos-haplos yung damit na naiwan ko noon dito, yung itinakas ko siya.

"Sana narito ka sa aking tabi ngayon Fu. Mahal na mahal kita" Malungkot na sabi niya, hindi ko maiwasang malungkot rin at maiyak habang pinagmamasdan ang likuran niya. Ilang buwan lang kami hindi nagkita pero parang taon na ang itinagal. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at saka siya niyakap sa leeg.

"Mahal na mahal din kita" Bulong ko sa kaniyang tenga at ramdam kong natigilan siya.

PRINCE PERI'S POV

Nababaliw na yata ako dahil naririnig ko na siya ngayon at parang nararamdaman kong nasa paligid ko lang siya.

"Mahal na mahal kita Fu pero sana wag ka namang magparamdam sa akin. Pinapanalangin kong nawa'y mananahimik nawa ang iyong kaluluwa" Sabi ko pa at napayuko saka umiyak ulit.

"Wag ka na nga diyang iyak na iyak may koronasyon pa tayong pipigilan" Biglang sabi ng isang pamilyar na boses sa likuran ko kaya agad akong napatingin dito , bumungad sa harapan ko ang nakangiti kahit na lumuluhang mukha ni Fu.

"Fu?" Napatayo ako saka siya hinawakan sa pisngi, balikat, bewang at balik ulit sa pisngi. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko kaya napayakap na lamang ako sa kanya ng mahigpit.

"Mahal h-hindi ako maka-hinga" Agad akong napalayo ng kaunti kay Fu at nakangiting pinagmasdan ang mukha niya at walang sabi-sabi kong hinalikan siya sa mga labi niya. Ramdam kong natigilan siya pero sandali lang iyon at saka ako hinalikan pabalik. Patuloy lang kami sa paghahalikan hanggang sa hindi ko namalayang naihiga ko na siya sa kama at pinagpatuloy ang ginagawa namin.

"Pe-peri" Sandali akong napatigil at tinignan siya.

"Kailangan pa nating pumunta sa selebrasyon" Sabi niya saka ako bahagyang itinulak.

"Pero Fu walang pag-asa kong pupunta pa tayo doon wala na kay Ama ang punyal at ang ginintuang selyo" Malungkot na sabi ko saka napaupo sa tabi niya. Magsasalita pa sana ako ng bigla siyang tumayo saka inilabas ang kaniyang espadang dala niya. Magtatanong pa sana ako ng may bigla siyang inatake. Kalaban.

FU'S POV

Ako na mismo ang humila kay Peri palabas. Nasa daan kami papunta sa seremonya ng may nakaabang na mga gwardiya at ibang kalalakihan sa daan. Wala akong ibang mapipilian kundi gawin ang nararapat na gawin. Kinuha ko sa loob ng aking damit ang maliit na supot saka ko ibinigay ito kay Peri at tinignan siya sa mata.

"Mauna ka na papunta roon, makikita mo ang Mahal na Hari doon. Saka nalang tayo magkita ulit" Nginitian ko siya kahit na bakas ang gulat sa mata niya.

"Umalis ka na Peri" Pagtataboy ko sa kanya papunta sa kabilang daan na agad niyang sinunod, sandali ko pa siyang tinanaw saka sinalubong ang mga naka-itim na kalalakihan at mga gwardiya na susunod sana kay Peri pero mabilis ko silang inatake pabalik.

Mag-iingat ka Peri.

Cawing Crow Kingdom (TAGALOG)Where stories live. Discover now