▮▯Prologue▯▮

44.1K 530 66
                                    

A/N:

 ☛ Sorry for the bad words in this novel. Kailangan ko po siyang ilagay para ma-express and madefine ang nararamdaman ng aking characters. 

 ☛ Sorry, I don't give soft copies. Sorry po talaga.

 ☛ Please feel free to vote and comment. I would love to dedicate a chapter of my story to people who GENUINELY APPRECIATE my work! (P.S. GENUINELY APPRECIATE = vote all chapters and comment kahit hindi lahat just make sure may comment kayo sa ending.)

HAPPY READING EVERYONE!

♠♠♠

Prologue

Don Jose Traviel's POV

Hinawakan niya ang sentido niya.

Sumasakit na ang ulo niya. 

Tiningnan niya ang envelope na isang linggo din niyang hinintay mula sa kilalang detective agency na binayaran.

Binasa niya sa kanyang utak ang nakasulat sa harapan ng envelope.

Classified Information.

Requested by: Don Jose Traviel

Binuksan niya iyon.

"Reena Mae Mendrez." mahina niyang sambit.

Patuloy niyang binasa ang mga impormasyon patungkol sa dalaga.

Makalipas ang ilang oras nang pagbabasa ay pumikit siya.

It's been two years, panahon na siguro para kumilos ako.

Tiningnan niya ang maamong mukha ng babae.

Pasensiya ka na. I have to do this...for my family.

Bumuntung hininga siya.

Hindi pa man niya naisasagawa ang plano ay naaawa na siya rito.

Dahil sa pinaplano niya ay maaring may mga pangyayaring hindi kanais-nais na maari nitong maranasan.

Bumuntong hininga siya.

Ibinalik na niya ang papel sa envelope at itinago iyon.

Pinatay niya ang lamp shade.

His plan begins now!

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now