31: After Seven Months

9.2K 140 0
                                    

“Kayo na ba?” Kilig na kilig na tanong sa kanya ni Sabel.

Natawa siya. It’s been what? 7 months? Simula ng halikan siya nito at nagkameron na sila ng mutual understanding.

Iba pala talaga ang pakiramdam ng may nagmamahal at ng may minamahal.

Parang everyday life is so perfect, so beautiful

Parang everyday ang sarap sarap mabuhay

Parang lahat na lang ng bagay maganda

Kahit pa nga yung basag na bintana

Kahit pa nga yung basurang nilalangaw

Kahit pa nga minumura na siya ng mga tao parang ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ng mga ito.

Basta, lahat maganda.

Ang daling ngumiti.

Ang sarap mabuhay!

Binatukan siya ni Sabel.

“Aray” asar na hinarap ang kaibigan. “Bakit ba?”

“Sige, mangarap ka lang. Patuloy mong ignorahin ang kagandahan ko.” Asar na asar na wika nito.

Napabuntung-hininga siya. “Hindi ko din naman kasi alam kung anung status namin. I mean we kiss each other every now and then and we’re officially dating each other. Pero no commitments daw sabi ni Ric. Ewan.” She exhaled sharply. “Every action of us clearly states na we’re together as a couple. Pero no words pa. No I love you’s from him no I love you’s from me.”

Napanganga ito. “So, anu yan fling fling lang?”

She pouted her lips. “Hindi naman siguro. I mean, I definitely feel na mahal niya ako. Pero, ewan. Hindi ko alam kung bakit ayaw pa rin nitong sabihan siya ng I love you. I mean, he fears of me leaving him and he cares for me. Ewan! Basta ang gulo niya.”

“Damn the pride!” wika ni Sabel.

Agad naman niya itong sinang-ayunan. “Yeah, damn the pride!”

“So kumusta naman si Erwin?” tanong ni Sabel out of nowhere.

Lihim siyang napangiti. Wala pa rin siyang ka-ide-idea sa status ng dalawa. Ayaw magkwento ni Erwin at ayaw ding magkwento ni Sabel. Which she finds weird. Kapag ung American fling nito ang tinatanong niya parang may handa agad itong sagot. Pero kapag si Erwin lagi na lang ang hirap para ditong sumagot. Sometimes hindi niya maiwasang isipin na mahal nito si Erwin pero Sabel kept on telling her na ung naka-fling daw nito sa Amerika ang mahal nito. Hindi na siya nagpilit pa. Puso naman kasi yun ni Sabel paano mangyayaring mas maalam pa siya sa puso ng may puso.

Tiningnan niya ito. Sandaling nag-isip kung paano tutugon sa tanong nito sa kanya. Sa huli, pinili na lang niya ang mag-maang-maangan.

“Huh?” tiningnan niya ito. Isang tinging mapanuri. “Bakit? Hindi ba kayo nag-uusap?”

She made it sound so casual para hindi siya nito pagdudahan.

Tumayo ito. “Huh. Hindi. Wag mo na lang intindihin yung tanong ko.” Nagkandautal-utal na pahayag nito habang naglakad  na papuntang I don’t know where and perhaps Sabel does not also know where to go dahil nasisiguro niyang  gusto lang nitong lumayo sa kanya as of the moment. Lumayo sa kanya at sa nagbabadyang diskusyon patungkol kay Erwin.

“Damn the pride huh!” tudyo niya dito ng nakailang hakbang na palayo ito sa kanya.

Natapilok tuloy ito.

Nilapitan niya ito.

Inabot niya dito ang kamay. “Ayos lang ba kayo ni Erwin?” tudyo niya ulit dito.

Tiningnan siya nito ng masama. “It’s not funny.” Galit na wika nito.

Nagulat siya. Ito ata ang unang beses na nakita niyang maiyamot si Sabel.

Tumikhim siya. “Sori.” Inabot niya ang kamay dito.

Nag-alangan itong tanggapin noong una pero maya-maya  pa’y tinanggap na rin nito. “I mean, ayos ka lang ba?”

Inirapan lang siya nito at asar na asar na nag-walk out ang bruha.

Asar na asar na talaga siya. Anu bang meron sa dalawa?

Lihim siyang napangiti. Mukhang hindi lang siya ang umaariba ang love life ah! If nagkatuluyan si Sabel at si Erwin she will be truly happy. Dalawa niyang bestfriend ang nagmamahalan! So much happy endings! Love love love!

Hay! I hope this happiness will last forever!

Because ayaw man niya pero because of her experience in the past she stopped believing in the existence of what they so called forever.

But just this once…just this once…susubukan niyang maniwala muli na maaring totoo nga ang salitang forever.

Because she loves Ric.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin