34: Meeting My Ex

8.1K 144 1
                                    

Natulala siya.

Anung ginagawa nito dito?

Bakit lumabas ito ng kuwarto ni Ric?

Magkakilala ba ang mga ito?

Napalunok siya.

She was on her way to Ric’s office after she received his order for lunch. Lihim na napangiti ng maalala niya ang text ni Ric sa kanya‘You’. Parang baliw na nagsasayaw siya sa condo unit niya habang nag-iisip ng magandang maisuot. She wanted to look appeticing in his eyes. She wanted to surprise him. Pero mukhang siya ang nasorpresa.

Anung ginagawa ng exboyfriend niya sa kumpanya nina Ric?

“Reena?” gulat ding wika nito.

Napalunok siya. After the confrontation, hindi na sila muli pang nagkita. Pero nagkausap sila. For some reason, they both agreed it is for the best na maghiwalay na lang sila. After that phone call, hindi na muli pa silang nagkausap.

After 2 years, he still looked the sameas dashing as a knight and as hot as the scorching sun.

Napailing siya. She was back in her college days when she was so stupid to always think that Patrick is beyond compare. Kaya naman exagge kung exagge talaga ang mga comparisons niya para dito. But the thing is hindi na sila asa college. At hindi na rin ito ang tinitibok ng puso niya.

Ngumiti siya.

Because she knew she has Ric, madali na sa kanyang kalimutan ang mga nangyari. Of course, may maliit na parte pa rin ng damdamin niya ang apektado ng kanyang nakaraan pero sa ngayon… sa ngayon masaya siya. Ayaw na muna niyang alalahanin ang nakaraan. Her past is unforgettable, alam niya yun. It will be forever imbued within her. Pero siguro naman may karapatan siyang ignorahin at pansamantalang kalimutan ang kanyang nakaraan. 

Right now, isa lang ang mahalaga at yun ay ang masaya siya sa piling ni Ric.

Tapos.

Period.

End of conversation.

“Kamusta ka na?” tanong niya dito.

Nagulat ito. Mukhang hindi nito expected ang magandang bati niya rito. Pero agad naman itong ngumiti.

“Fine. I lived at the States with my parents. And I’m fine.” Wika nito.

Pinakiramdaman niya ang sarili. She does not hate this man. Actually, she never hated him. It was the girl (ang babaeng nabuntis ni Patrick) she hated the most and she have done the unforgivable to her.

She bit her lip. Ayaw na niyang alalahanin pa ang babae. Ni ayaw na rin niyang alalahanin ang nagawa niya dito.

Napalunok siya.

Biglang nagtindigan ang mga balahibo niya.

“Ikaw?” tanong nito sa kanya nagbalik sa kanya sa kasalukuyan.

Pinilit niyang ngumiti.

“Fine. Actually I’m going to meet with my boyfriend now.”

Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang ipaalam dito na may boyfriend na siya. Wala naman siyang balak pag-selosin ito. But Ric was really her boyfriend. Okay. Not yet. No commitments. Pero in her eyes he was his boyfriend.

Nagulat ito. Matagal din itong natigilan. Nag-iisip at naguguluhan.

“Ric, was your boyfriend?” mahinang usal nito.

Hindi niya alam kung bakit pero mukhang nalungkot ito.

“You know him?” gulat na tanong niya dito.

Nag-iwas ito ng tingin.

“Yeah.” Mahinang sambit nito.

“Ho—“ how?

He cut her off. “I gotta go. It’s nice to see you.”

Tiningnan niya ito as he made way to the elevator. May nililihim ito sa kanya. Kilala niya ito.

Naputol ang kanyang pag-iisip when her phone vibrated.

RICaMyLove (pangalan ni Ric sa phonebook ni Reena) : I need you.

Dali-daling pumasok siya sa office nito.

Just what the heck happen?!

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now