45: Patrick's Revelation

8.2K 139 1
                                    

May dala itong wine ng bumalik si Patrick sa condo unit niya.

She bit her lip.

Mukhang nalaman na nito ang katotohanan na Ric left her because of Jennifer and not because of him. Nagsikip ang dibdib niya. Again for the nth time iniwan na naman siya ng lalaking pinakamamahal ng dahil may isang babaeng pumasok na naman sa istorya.

Kinuha niya ang wine dito at ininom ang bote mismo.

Pinagmasdan lang siya nito. “I’m sorry.” Mahinang wika nito.

He was always like thatApologizing kahit hindi naman nito kasalanan. Taking responsibility for something he isn’t responsible of. He hated him and loved him for that.

Hinawakan niya ang pisngi nito.

Mukhang tinatablan na siya ng wine na dala ni Patrick.

“Do you still love me?” wala sa sariling naitanong niya dito.

Nag-iwas ito ng tingin.

Napahagikgik siya. “Then, I’d take that as a yes.”

Hinawakan niya ang kamay nito. “Be my man, Patrick!” wala sa sariling naibulalas niya.

Tumulo ang luha niya.

Ayaw ko ng masaktan pa. kung ayaw na sa kanya ni Ric! Fine! Hindi ako magpapakagagang sisirain ang buhay sa pagdurusa na hindi na siya nito mahal. Magsama sila ng Jennifer nito!

Tiningnan siya nito. Sa iilang pagkakataon nakita niyang nagdilim ang mukha nito. “Mahal mo siya di ba?”

Hindi siya sumagot.

Napalunok siya.

Why? Patrick is a great man? Why?

Tumawa ito ng mapakla. “Mahal mo siya pero umaasa kang makakalimutan mo siya sa pamamagitan ko?”

Natahimik ito. Inagaw nito ang nangangalahati ng wine sa kanya at ininom iyon halos maubos iyon sa isang tunggaan lang nito. “You’re mean.”

Tumawa siya ng mapakla. “I’m mean?” she stared at him with disbelief. “Ako pa?” parang tangang tinuro ang sarili. “Sino sa ating dalawa ang nakabuntis ng babae at napagdesisyunang iwan ako? Sino? Sino sa ating dalawa ang mean? Tapos babalik balik ka ngayon para ano to have me back when I am finally happy with Ric? But when you came Ric got mad and then Jennifer came and everyone…everything  just came and ruined our relationship so damn you for being too mean to come back to my life at pestehin ang buhay ko!” sinuntok niya ito.

At the back of her mind, she knows na wala itong kasalanan. Pero she’s just too desperate as of the moment. Too desperate na may mapagbuntuhan ng sisi, ng galit, ng lahat lahat.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now