52: Caloy

7.5K 119 2
                                    

“Reena, meet Caloy. Caloy meet Reena.” Pakilala ng Donya sa bago nitong hire na hardinero.

Inilahad ng binata ang kamay. Iniabot niya iyon. Tinanguan at nginitian siya nito. Gayun din ang ginawa niya. Pinagmasdan niya ito.

Si Caloy ay mukhang matanda na. Actually, hindi niya mahulaan ang edad nito. He looked mature. Hindi ito pangit at hindi rin naman ito gwapo. Napalunok siya ng makita ang pilat nito sa may kanang pisngi. Kapansin-pansin din ang naglalakihan nitong muscles.

Ang totoo Donya Victorina, hardinero ba talaga itong si Caloy o bouncer sa club?

Aba! Sa katawan pa lang ni Caloy ay mag-qua-qualify ito sa UFC! 

Kung hindi nga ito pinakilala ng donya na hardinero ay iisipin niyang wrestler ito. 

Naghuhumiyaw sa laki ang mga muscles nito sa katawan.

Napalunok na naman siya. Ayaw man niya pero natatakot siya rito. Iba ang aura nito. Hindi niya alam pero na-vi-vibes niya dito ung aura nang pagiging isang masamang tao. It must be the scar on his face. People with the scar on their face really give that kind of vibes.

Isa pa, masama rin ang kutob niya sa pag-ha-hire ng donya rito.

Hindi nga ba’t sadyang pinag-rest day ng donya lahat ng mga katulong nito sa mansyon para siya at siya lang ang gagawa ng mga gawaing bahay at kasama na nga doon ang pag-aalaga sa hardin nito. Pero ngayon bakit kailangan nitong i-hire si Caloy?

Hindi naman kaya naaawa na sa kanya ang donya?

Pero, kung ganon bakit hindi niya nararamdaman na naaawa ito sa kanya.

Napabuntung-hininga siya. Magalang siyang nagpaalamsa mga ito at tinalikuran ang mga ito. Hindi agad siya nakapaglakad pagkatalikod niya.

Paano ba naman.  Ric was standing in front of her. Nagsalubong ang mga mata nila. Sabay silang nag-iwas ng tingin sa isa’t-isa.

Goodbye.

She bit her lip nang maalala na naman niya ang sinabi nito sa kanya kagabi.

Umalis na siya.

Wala siyang balak ipahiya ang sarili dito.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now