24: Is Ric Jealous? (Day 1)

9.1K 166 0
                                    

 “How are you related with your new finance manager?”

“Huh?”

Lihim siyang napangiti.

Successful na ba agad ang project nilang pagselosin si Ric?

Naks!

Pigil na pigil na talaga niya ang tawa from the moment he brought her a take home food and then when nagyaya itong kumain together sa condo niya.

Effective talaga itong plano nila!

Yehey!

“He was a college friend.” Pasimple niyang sabi.

“College friend lang?” Curious na tanong nito sa kanya.

Tiningnan niya ito. Tumungo siya. Hindi na kasi niya mapigilan ang pag-ngiti.

“Oo.” Maiksi niyang sagot.

Tumango-tango ito. “You seemed pretty close. Hindi ba siya nanligaw sayo?”

Hinitit siya ng ubo sa tanong nito. Hindi na talaga niya ito kinakaya! Sobrang successful ng plano nila! 

Whooo!! Party! Party! Let's Party! Party! Whooo!!

Tiningnan niya ulit ito. Busy lang ulit itong kumakain.

Kunwari ay busy lang din siyang nakain. “Well, actually akala ko nga dati kaya sobrang bait niya saken ay may gusto siya saken yun pala ay sadyang mabait lang talaga ito. Honestly, crush ko pa nga siya non. “

Of course, it was a lie. Hindi ko naging crush si Erwin. Ever! Pero mahal ko si Erwin just not in a way I had loved Patrick but more of a kind of love of a sister for her brother.

Muntikan na nitong maibuga sa kanya ang iniinom na tubig.

“Crush mo siya dati?!” Gulat na gulat na naibulalas nito.

Natawa na siya.

Sorry! Hindi ko na talaga kaya itong nangyayari!

“Oo. Bakit galit na galit ka?” Wika niya pagkatapos tumawa.

Tumikhim ito at nag-iwas ng tingin sa kanya. “Wala lang.” Kumain muli ito. “Weird. Ba’t hindi naging kayo?”

“Pano naman kasi hindi naman niya ko niligawan ever at hindi naman siya nagparamdam ng kahit katiting na feelings para sa akin. So nakontento na lang akong friends kami. Tapos nagkaboyfriend din ako. Wala naman kasing nangyayari sa one-sided feeling ko for him tapos dumating si boyfriend malakas ang appeal, mabilis manligaw and then suddenly inlove na ako kay bagong suitor then naging kame na. Then, Erwin and me are still good friends.”

Goodness! Kailan pa ako naging expert magsinungaling?

Well, siguro dahil what she stated was half true, half lie. Magkakilala na naman talaga sila ni Erwin nang manligaw sa kanya si Patrick pero the thing is wala naman talaga siyang nararamdaman noon para kay Erwin. 

“Even after you had a boyfriend?”

Tumango siya.

“What happened to you and your boyfriend?”

Gulat na tiningnan niya ito. Nag-iwas siya ng tingin dito.

Anu bang meron sa araw na ito? Masyadong maraming nagtatanong ng kanyang past. Ng dahil lang sa pagdating ni Erwin na-relive tuloy ang past niya.

“Why the sudden interest?” Tanong niya rito.

He shrugged his shoulders. “Wala lang.”

“Ayaw kong pag-usapan.” Mahina niyang sambit.

Napapagod na siya Hindi niya alam kung bakit. Akala niya naka-move-on na siya. Pero bakit parang ang sakit pa din?

Mahal pa kaya niya si Patrick

O

Dahil sadyang mapait lang talaga ang kanyang nakaraan?

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now