25: Is Ric Jealous? (Day 2)

10.2K 184 7
                                    

"Erwin, anjan na si Ric." excited na binulungan niya si Erwin habang nasa canteen sila.

Pangalawang araw na ng kanilang nasimulang proyekto ni Erwin. Pinangalanan niya Project RT. Siguro gets niyo na naman kung bakit ganun ang pinangalan niya sa kanilang proyekto. RT stands for Ricardo Thaddeus. 

Alam ko, simple lang siya. E, anong magagawa ko? Wala akong maisip. At saka the project name does not matter ang mahalaga ay ang mag-succeed kame sa proyektong iyon na may isa lang namang goal at yun ay mapaamin si RT na nagseselos nga ito.

Tiningnan niya si Erwin. Dahan-dahan itong sumulyap para makita si Ric.

Asar na hinampas niya ito. Tumingin ito sa kanya.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “ Wag kang tumingin mahahalata tayo!"

He rolled his eyes at her. “Halatang-halata na tayo, ngisi mo pa lang.”

Tiningnan niya ito ng masama. Nang masigurado na niyang napansin sila ni Ric ay nagsimula na rin ang kagagahan niya.

Maya-maya pa’y pakunwaring tumawa ng malakas at hinampas sa balikat ang walang kamuwang-muwang na si Erwin na ang tanging sinabi lang naman sa kanya ay ‘kain na tayo’.

Goodness! She felt so cheap! Parang nakikinita niya ang sarili bilang isa sa mga babaeng trying hard na nagpapansin sa crush nila.

Naiiyak na hinawakan niya ang tiyan dahil sa labis na pagtawa. “Grabe, Win that’s so funny!” hinampas niya ulit si Erwin.

Goodness! Nagpapasalamat na lang talaga siya na ang likod ni Erwin ang nakikita ni Ric dahil kung nakikita nito ang mukha ngayon ni Erwin ay sabog na. Game over na agad para sa kanila.

Kunot na kunot ang noo ng kaibigan. “Sino si Win?” mahinang sambit nito.

Tumawa na naman siyang malakas. “Syempre, ikaw. Kahit kailan talaga joker ka!” At malakas na hinampas ito.

Hinampas niya ito ng pagkakalakas-lakas para matauhan ito. Anong nangyayari sa proyekto nila? Bakit naging one man project ito gayung parehas naman silang nagkasundo na tutulungan siya nito?

Aba! Kanina pa siyang nagsasariling sikap ah! Nakakaasar na ito!

“Aray” Angal nito.

Kunwaring alalang-alala na hinaplos ang nahampas na braso nito. “Masakit ba?”

Pinanlakihan siya nito ng mata. Nang makitang hindi nakatingin si Ric ay pinanlakihan din niya ito ng mata.

“Anu ka ba?” Mahinang sambit niya dito. “Panu natin mapagseselosin si Ric niyan?”

Tinitigan siya nito. Tinitigan niya lang din ito. Bumuntung-hininga ito. Hinawakan ni Erwin ang balikat niya. He looked serious.

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now