5: Who Is the New Country Manager?

14.2K 223 44
                                    

 It's Monday and I hate this day!

Latang-lata siyang pumasok sa office. Actually, kagabi pa masama ang pakiramdam niya pinilit lang talaga niyang pumasok. They have a new country manager and the company held a welcome party for him today.

Hay! I hate to be a woman!

Imbyernang imbyerna na naman siya. Red tide siya ngayun. Imbes na makisama sa mga kasamahan sa welcoming party ng bagong country manager, napagpasyahan na lamang niyang ibsan ang nanakit niyang puson.

“Reena, grabe ang hot ng bago nating country manager!” Sabik na sabik na chika ni Sabel sa kanya.

Natawa siya dito. Bagong employee lang ng Traviel Inc. si Sabel. Gaya niya ay finance associate din ang pwesto nito sa kumpanya. Kahit bago pa lang ito ay sadya namang nag-click na agad ang personality nila dahil sa kalokahang taglay nito. Actually, maganda si Sabel. Mala-Marian Rivera ang ganda. Medyo kinulang lang ito sa height at napakataklesa kaya naman sa tingin niya ay nahihirapan itong makahanap ng 'papa'. Isa pa mukhang hindi naman ito seryoso sa mga lalaki. Pano ba naman, lahat na lang ng lalaking may hitsura ay guwapo na para rito. Ang weird pa dito kapag may lumalapit ng lalaki dito na pinagnanasaan nito ay ito na mismo ang lumalayo. Ang weird lang talaga nito.

Tiningnan niya ang nagwawalang kaibigan na ngayon ay eksahederang inilalapat ang likod sa dingding habang unti-unting bumababa na parang nahihimatay.

“Grabe Reena, super my type talaga! The eyes, the nose, the cheekbones, the chin, the dimples and most of all the hot baadeey!! Definitely my type!!” kwento sa kanya ni Sabel with matching kagat labi pa.

Natatawang naiiling siya habang itinayo ito. “You are insane.”

Aba ang loka! Ayaw paawat. Itinatayo na niya kusang bumababa pa rin.

“Girl, I am insane! Nakow dapat nakita mo talaga siya girl. Alam mo ba, tinitigan niya ako?! Ngumiti ako. Ngumiti din siya. Type niya ko girl!”

Grabe, ang sarap sampalin ng kaibigan para magising na ito sa katotohanan at bumalik na ito sa realidad.

Napailing siya. “Baliw na nga.” Nahihirapan na siyang itayo ito. “Friend, medyo mabigat ka.”

Pero ang gaga wa kiber continue sa kanyang istorya.

She finally got tired of trying to push her up. Binitawan niya na ito.

“Aray!” habang nakalumpasay sa sahig hinampas nito ang binti niya. “Ang sakit non ha!”

Inirapan niya ito. “Arte mo eh. Pwede namang magkwento ng patayo kailangan may da-us-os effect pa? Bigat mo kaya ‘te.”

Tumayo na si Sabel sa kanyang pagkalumpasay sa sahig. “Sorry na girl. Bawi ako sayo. Bubuhayin natin yang nagyeyelo mong dugo. Let’s go!”  Hinatak na siya nito.

“At saan naman yan Sabel?”

“Samahan mo kong pagpantasyahan siya. Malapit lang ang office niya dito.”

When the Beast Meets the Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now