Sweet Sorrow 3

21 1 0
                                    

Chapter 3

Gaano ba kasarap sa pakiramdam ang magka-boyriend?

Napatawa ako sa sarili ko.. Bakit ko nga ba tinatanong yun? Kung maski ako hindi alam ang sagot?

Pagakalipas ng araw na iyon, kaagad kumalat sa buong school na kami na ni Deon. Ang hottie ng business department na mahal na mahal si Calixta ng accounting department.

Maraming komento na lumalabas sa bibig ng mga students, some even pity me. Saying that I'll end up being the Panakip-butas of the year. But, I didn't really mind it at all. Pinabayaan ko na rin.

Maskinang mga kaibigan ko ay hindi pinatulan ang mga chismis sa amin ng lahat. At sa aming tatlong magkakaibigan, si Cym lamang ang nahirapan tanggapin ang relasyon namin ni Deon. But, of course I didn't told them about my plans on helping Deon to move on from his broken first love.

Calixta on the other hand, continues to talk and noticed me from time to time. Hindi niya ako iniwasan o kung ano pa man.

At si Deon naman ay lagi ko nang nakasama, nakakasabay kumain, at maging sa pag-uwi.

Wala kaming label, hindi kami at lalong hindi kami M.U. basta alam lang niya na tutulungan ko siyang maka-move on kay Calixta.

I can still remember it, when we we're eating at the canteen together with my friends and Deon's cousin. They keep on bugging us kung ano ba talagang meron sa amin.. And I kept on shrugging and averting our topic. But, I didn't expect Deon to answer.

"we're in the process of courting."

My friends and I are shocked to the core. Nabitawan ko pa ang kinakain ko maski sila Courtney. Marahil dahil akala nila kami na ni Deon, samantalang ang pinsan naman niya ay tuwang-tuwa at sinasabing bagay daw kami.

Nagsensyas pa ako sa mga kaibigan ko na magpapaliwanag ako sa kanila mamaya na pinayagan naman nila.

Marahil marami ang nagtataka kung paano ko siyang tinutulungan sa loob ng halos dalawang-linggo naming palagi na mag-kasama.

Sinabi ko sa kaniya na kung sakaling maiisip niyang puntahan si Calixta, ay agad niya akong tatawagan at pupunta ako sa kaniya para ma-divert ang plano niya.

"Hailey.. Anong kalokohan to?" I can still remember how hysterical Cym is..  We're in a cafe shop near our school. We decided to wait for our drivers there para makapag-usap na din.

Then, I told them everything. They scolded me.. And I know from myself that I deserve their scoldings. Pero kaagad din silang makabawi ng sinabi ko na matatapos din agad ang pinag-usapan namin ni Deon dahil aalis din ako pagka-graduate ko. At may 2 buwan pa akong natitira.

Bakit ko nga ba ginagawa iyon? Bakit hinayaan ko na gamitin lang ako ni Deon para makalimot kay Calixta?

"Did your friends get mad at you?"
Tanong niya sa telepono.

"Yeah..  Pero nawala din kaagad."

"Did you told them about us?"

Napatahimik ako. Us? Ano nga bang meron kami?? May matatawag ba na kami?

"Uhhh..  Yup.. I hope you don't mind it."

"No...  I understand..  Mas mabuti na din iyon..  Kaibigan mo sila.. So they should know better."

Pagkatapos ng komento niya, wala nang naging kasunod ang usapan namin dahil ibinaba ko na. Saka na din ako bumaba sa dining room dahil pinatawag na ako ng parents ko.

"I heard you got yourself a boyfriend. Humm?  Lil'sis?" natatawa na may pagka-seryosong tanong sa akin ng kuya Hayden ko.

Nagulat naman ang mga magulang ko dahil sa sinabi ni Kuya.

BROKEN SERIES 1: Sweet Sorrow  Where stories live. Discover now