Sweet Sorrow 4

16 1 0
                                    

Chapter 4

Bakit nga ba pumapasok sa isang relasyon ang isang tao?
For experience? Because of Idealism? Looking for a suitable partner? To feel secure? Attention? Or just simply Love?

Hindi ko rin alam, dahil maski ako na nakaranas na ng relasyon, hindi rin alam o masabi kung bakit nga ba may mga taong pumapasok sa relasyon na mali sa simula pa lang.

I thought, everything will change. That I've finally found what I've been searching for, that what i was longing for will actually came true. Mali pala ako.

"Hey, babe...  Want to watch a movie later?"
Masayang tanong saakin ni Deon..  Nginitian ko siya at tumango ng bahagya. May group study kasi kami nila Courtney baka kailangan ko munang magpa-alam sa kanila. This past days kasi napapabayaan ko na medyo ang time ko sa kanila dahil kay Deon, but thankfully, they are understanding about it naman. Dahil fresh pa daw ang relasyon namin..

"Can I bring my friends with me? Para diretso na din kami sa study hall later?" lakas-loob ko na tanong kay Deon.

"Yup..  Of course..  So I can treat them too. Kain tayo bago kayo pumunta nang study hall." sagot niya, saka ipinakita sakin ang pagpa-pareserve niya sa isang sikat na restaurant at pagbili ng online ticket. Napangiti ako sa nakita, isang linggo na nang official nang maging kami ni Deon, and so far wala namang problema. Hindi na rin namin masyadong napag-uusapan si Calixta.

Nang ipaalam ko sa mga kaibigan ko na may date kami ni Deon, tumanggi sila ngunit pumayag din kalaunan ng pilitin ko sila.

Nasa harapan ng seat namin sila, at kanina pang nagsimula ang palabas. Noong una, naeenjoy ko pa ito ngunit kalaunan hindi na rin.

"What's your favorite part of this movie?" tanong saakin ni Deon ng pabulong. Actually ang movie na pinapanood namin is replay. Napanood na namin ito nila Courtney dati pero nagustuhan ni Deon kaya pumayag na din ako.

"Uhmm.. The part where the girl will have to chased the guy because of her paperwork na natangay ng guy, how about you?" sagot ko sa kaniya ng nakangiti, saka pumulot ng popcorn na hawak niya, but my action stopped in the middle.

"That's interesting, Calixta like that scene too." komento niya saka nagpatuloy sa panununood.

I was lost for a moment because of that. Pero hindi ko pinansin iyon. Bakit? Dahil para saakin maliit na bagay lamg iyon..  Baka naman nagkataon lang.

After ng movie, dumiretso kami sa isang restaurant kalapit ng movie house. At dahil hindi kami familiar sa restaurant na iyon, hinayaan kong si Deon ang mag-order.

"Sir, iadd ko din po ba yung palagi niyong ino-order pag Tuesday?" tanong ng waiter kay Deon na tinanguan naman niya.
"Okay, two order of Shrimp in fish sauce. Is that all sir?"

I was talking to Courtney kaya hindi ko napansin iyon but Cym did.

"Hailey's allergic to shrimps." flat na pagkakasabi ni Cym. Kaya naman napalingon kami rito maging ang waiter.

"Ahh.. Yes,, I'm sorry..  I forgot..  Nakasanayan ko lang kasi.. Uhmm.  waiter please cancel my last order."

That's when I understood it all. Nang magbukas ang main door ng restaurant at makita kong pumasok mula roon si Calixta na binabati ng mga nagtatrabaho sa restaurant na iyon. Tumungo ako para hindi niya kami mapansin, dumiretso si Calixta sa elevator saka naman nagexcuse si Deon para mag-restroom.

"What the heck was that Hailey?" tanong ni Cym habang may galit sa mga mata.

I sighed heavily. Honestly, I'm not sure too.

"Cym..  Your words please." saway ni Courtney sa kapatid..

"We heard him too at the movie house. Siguro kaya ka niya niyayang panuorin ang movie na yun dahil kay Calixta noh? And if I'm not mistaken, the owner of this resto is Calixta's parents."

"How sure are you Cym?"

"Here." ipinakita niya sa akin ang phone niya at nakita ko ang ni-research niya. At tama nga siya, pag-aari nila Calixta ang resto na iyon.

I shrugged at them, samantalang si Courtney ay hindi na nagkomento pa. And through out our dinner, walang matinong naging convo na nangyari sa amin. Kapansin-pansin ang pagkawala sa mood ng kambal, and the gloomy face of Deon.

Nang gabi ding iyon, inihatid ako ni Deon sa bahay namin gamit ang kotse niya dahil, hindi na kami tumuloy nila Courtney at Cym sa study hall. Nirason pa nila na nabored na daw sila.

"Ingat ka." paalala ko sa kaniya.

"Yeah..  Take your rest too..  May exam ka pa bukas."

He kissed me on the cheek saka na pumasok sa kotse niya. Then I waved my hand to him na sinuklian naman niya ng ngiti.

Actually, I was waiting for an explanation from him or more on an apologize. Pero nabigo lang ako..

Nang pumasok na ako sa kwarto ko, saktong tumawag din ang kambal gamit ang video call. Umupo ako sa kama ko saka humiga at sinagot ang tawag nila.

"Hailey.. I can smell something over what happened earlier."
Unang bungad sa akin ni Cym. Katabi naman niya si Courtney na naghihikab na.

"And I wonder what is that,  don't tell me, it's about the movie or the shrimp. Haha."

"Haileyy?? How can you laugh. My point here is bakit sa lahat naman ng movie na pwede nating panuorin, ehy yun pa pinili niya? And.."

"He asked me first, and I said yes I want to watch it too."

"Then how about the restaurant? Bakit doon pa? Pwede naman sa iba?"

"Dahil malapit yun sa movie house na pinanggalingan natin."paliwanag ko sa kaniya, to put some sense on her.

"And about the shrimp..  Does he know you're allergic to it." and that shut me up for a while, He knows I'm allergic to it dahil minsan ko nang nasabi sa kaniya yun sa past dates namin.

"Oh. Natahimik ka?" tanong ni Cym. "Because he is absolutely absent-minded earlier. Dahik akala pa siguro niya si Calixta pa rin ang ka-date niya."

"Cym..  Tama na yan..  Hailey..  You should rest na..  May exams pa tayo bukas. Don't mind Cym..  She's just bitter dahil wala pang nanliligaw sa kaniya. Pahinga ka na..  See you at school tomorrow. Bye Hailey..  G'night." paalam ni Courtney. Narinig ko pa ilang sandali bago ibaba ang phone na nagagalit si Cym dahil parang kinukunsente daw ako ni Courtney.

Inilapat ko ang likod ko sa matress ng higaan saka tumingin sa kisame ng silid ko.

Was it just a pure coincidence?
O baka, tama nga ang hinala ko. Na unti-unti na akong nagiging Panakip-butas?

BROKEN SERIES 1: Sweet Sorrow  Where stories live. Discover now