Sweet Sorrow 6

14 1 0
                                    

Chapter 6

Kaya mo bang pigilang saluhin ang taong sira na? Kaya mo bang makita ang taong mahal mo na nasasaktan?
Ako kasi hindi..  Kaya kahit na masakit na masakit na..  Pinipili ko na lang na mas masaktan para kahit papaano mabawasan ang sakit na mararamdaman ng taong mahal ko.

Tahimik lang akong nakaupo sa bench ng gym. Habang nakatingin sa mga kumpol-kumpol ng students na ga-graduate na...  Busy ang iba sa pag-iisip kung saang company sila mag-iintern ang iba naman kung saang lugar sila magba-bakasyon.

Habang ako, iniisip kung paano kong matutupad ang nasa bucket list ni Deon. Napailing ako..  Bakit ito ung pinagpa-planuhan ko?

"Ang lalim naman ng iniisip mo, Hailey."puna sakin ni Courtney saka ako inabutan ng isang mineral water.

"Courtney is right..  Kanina ka pang lutang when we we're practicing earlier..  Do you have a problem Hailey?" dagdag na tanong ni Cym..

Nginitian ko sila, nagulat sila nang bigla ko silang hilain para yakapin na dalawa.

"Errrr..  Hailey girl...  What's wrong..  You're being weird again.. Don't tell me, this is part of your Healing, meditation or whatever it is??" tanong saakin ni Cym..  Na tinawanan ko lang.. 

Nang bitawan ko sila, umalis si Cym para pumunta sa mga kaklase namin na may itatanong sa kaniya kaya kami ni Courtney ang naiwan.

"Do you have something to tell us, Hailey? I've been keeping quiet this past week, but I'm thinking of how to asked you a hundred times before."

"Thank you, Courtney..."

"You're welcome.. But, please.. Andito lang kami okaay? Hindi porket sinuportahan ka namin sa kagagahan mo, ehh, hindi mo na kami pagsasabihan." may tampo ngunit sincere sa boses ni Courtney.

"Awwww.. You're the sweetest." pang-aasar ko sa kaniya saka humilig sa balikat niya at tinanaw ang buong gym.

"Overnight tayo mamaya sa house?"
Courtney asked me. Na pinayagan ko naman.

Are you thinking on what happened after that incident with Deon?

Makalipas ang isang linggo, Bumalik kami sa normal, pinaalam niya sa akin ang balita na naging maayos naman daw ang kalagayan ni Calixta dahil naagapan daw ng doctor.

Nang gabi na din na yun, humingi ng tawad sa akin si Deon sa pagiiwan saakin. Sinabi kong naiintindihan ko naman ang lahat, saka siya nangakong babawi din sa susunod.

"So, you comin' with us right? Cym's expecting you." usal ulit ni Courtney.

Ibinangon ko ang ulo ko mula sa pagkakahilig sa balikat niya saka pinagmasdan ang buong gym.

"Hmmm..  I'll be there..  Kukuha lang ako ng mga gamit sa bahay."

"That's good. Tomorrow's weekend so we'll have a lots and lots of talking to do."

Nginitian ko ang kaibigan ko dahil sa tinuran niya.

Na-distract ako sa mga studyanteng nasa harapan namin dahil sa bulong-bulongan nila.

"Look at her, confidently walking like she's an innocent angel." sabay kaming napatingin sakanila ni Courtney, it was Maddison, she's known for being a mean here at campus. Even though bullying is strictly prohibited, nagagawan pa rin niya ng paraan para mang-bully.

"Yeah..  Don't you think she's being like a slutty?" pagsangayon naman sa kaniya ng kaibigan niya. Nacurious kami ni Courtney kung sino ang pinag-uusapan nila kaya sinundan namin ng tingin ang tiningnan nila..  To found out that it was Calixta, she's walking towards our direction siguro para maupo sa bench na nasa harapan din nila Maddison dahil breaktime ng rehearsal namin.

BROKEN SERIES 1: Sweet Sorrow  Where stories live. Discover now