Sweet Sorrow 5

13 1 0
                                    

Chapter 5

Ano nga ba ang first love para sa mga lalaki?
Mahirap ba talagang bitawan ito?

Pagkatapos ng exams namin, hinintay ko sa mini-forest ng school si Deon.. Dahil hindi ako pinatulog ng nangyari kahapon. Parang gusto ko munang linawin sa kaniya ang lahat, ayaw kong mag-demand ng kahit na ano dahil, una sa lahat klaro na kung paanong naging kami.

Masisi niyo ba ako? Kung pinili kong manatili sa piling niya kahit ni hindi ko man lang mabigyan ng label kung anong role ko sa kaniya? Hindi.

Sumandal ako sa malagong puno na medyo nakatago. Hindi makikita sa labas dahil sa wall ng school kung hindi ka iikot hindi mo malalaman na may nakaupo rito, ipinikit ko ang mga mata para namnamin ang simoy ng hangin, it's past 3 kaya malamig ang simoy ng hangin dahil sa luntiang mga dahon ng puno sa mini-forest ng school..

Ilang sandali pa, nakaramdam ako ng kaluskos sa likuran ko, balak ko sanang tumayo at umalis ngunit nakilala ko ang boses ng nag-uusap kaya hindi ako gumalaw.

"Deon..  Ano ba?? Hanggang kelan mo to gagawin? Please stop forcing it." may inis at halong pagmamakaawa sa boses ni Calixta.

"Please Calixta.. Another chance..  I just need another chance.. I'll prove myself to you." boses ni Deon.

Napatanga ako sa narinig, this is the first time na maririnig kong nagmamakaawa siya.

"Deon naman!!! Tama na please..  Hindi na maganda toh..  Hindi na tama... Isipin mo naman si Hailey...  Ano na lang ang mukhang maihaharap ko sa kaniya kung ganito ka sakin?? Kala ko ba okay ka na?"

"Yun din ang akala ko..  Pero hindi ko kaya, Love..  I tried averting my attention to her..  But I keep on coming back to you. Kasi ikaw ang mahal ko."

Ikaw ang mahal ko. Napatakip akko sa bibig dahil sa narinig.

"Deon...  Wala na sa lugar tong ginagawa mo. Don't tell me na pinapaasa mo lang si Hailey?"

"Alam niya..  Na ikaw ang mahal ko Love..  This is not about Hailey.. This is about us."

"Deon..  Wala nang tayo.."

"Pwede ko namang panagutan ang bata Love...  I promised you."

Nanlaki ang mata ko sa narinig. Bata? Buntis siya?

"Naririnig mo ba ang sarili mo Deon??? Bakit mo sisirain ang buhay mo? Para lang panagutan ang batang hindi sayo?? Engaged na ako kay Kyle. Deon siya ang mahal ko. Kung patuloy mo tong gagawin baka kahit kaibigan hindi ko na mai-offer sayo. Wag mong tuldukan ang buhay mo sa akin. Please lang Deon...  Isipin mo si Hailey.."

"Pero mahal kita..  Alam mo yun."

"Alam ko yun Deon.. Pero paano naman ako? Magiging maayos na ang lahat sa amin ni Kyle. Diba sinabi ko na sayo nung una? Deon naman please." frustrated na pakiusap ni Calixta dahil sa katigasan ng ulo ni Deon.

"Bakit ba kasi ganiyan ka Deon...  Ayaw mong buksan ang sarili mo sa ibang tao? Naiintindihan ko naman na may feelings ka sa akin.. Pero ganun ba kalalim yun para akuiin mo ang responsibilidad na ito? Hindi na tama to. Please tumigil ka na. "

"Because I love you Calixta.." mahinang sagot ni Deon.. 

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan sa mga naririnig ko.. 

I'm begging myself to please not to cry..  Pero,,  ang sakit..  Ang sakit sakit na marinig ko lahat ng ito.

"Deon...  This is the last time na pagbibigyan kitang makausap ako..  Please let me go Deon..  That is the best for us..  Mag move-on ka na..  Wag mong sayangin si Hailey."

BROKEN SERIES 1: Sweet Sorrow  Where stories live. Discover now