[ 2 ]

37 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Heto na, Match set... Apolaki v.s. ...Lapu-Lapu! Siya ang match kay Apolaki!" Pagsisigaw ko sa silid na aking pinagpa-planuhan.

Apolaki laban kay Lapu-Lapu! Tiyak na magandang laban 'to, in terms of style sa pakikipag laban, magkapareho sila.

Magkaibang history pero may tiwala akong yakang yaka ni Lapu-Lapu si Apolaki.

"Lapu-Lapu! Kaya mo yan!" pag momotivate ko kay Lapu-Lapu, ngumiti naman ito at nag thumbs up.

"Wag kang mag-alala sakin Hesuwo, nga pala, salamat sa pag alaga sa pilipinas pagkatapos naming mamatay!" sabi niya habang naglalakad papuntang gitna ng Arena.

Ang one on one na labang ito ay walang rules! Patayan kung patayan 'to! Show no mercy mga kalahok! SIMULAN NA ANG LABAN!

Sinigaw na ng referee ang sinyales...ngunit ang dalawa ay hindi gumagalaw sa mga pwesto nila.

"Apolaki!" Pagtawag ni Lapu-Lapu kay Apolaki habang ngumingiti."Alam kong makapangyarihan ka, pero nagawa mo nabang magligtas ng bayan?"

Mukhang nagulat si Apolaki sa Sinabi nito pero hindi kumikibo.

"Alam kong malakas ka Apolaki, pero hindi ako papayag na matalo mo ako!"dagdag na salita nito.

"Andami mo namang dada Lapu-Lapu, masyado kang madaldal! Uunahan na kita!" Sa unang galaw na ginawa ni Apolaki ay itinapon nito ang hawak niyang shield.

Nadaplisan ng kaunti ang left side cheek ni Lapu-Lapu at merong kaunting dugong dumaloy, pero nakangiti parin ito.

"Mukhang mas challenging kapang kalaban kesa kay Magellan Apolaki, hetong sayo! LAND SHAKER!"

Inihampas ni Lapu-Lapu ang kanyang Bolo sa Lupa at merong mga batong umaangat papunta sa pwesto ni Apolaki.

Nakita naman agad ito ni Apolaki at nailagan ito, ngunit hindi nakita ni Apolaki na itinapon ni Lapu-Lapu ang Bolo nito at tinamaan ito sa dibdib lusot sa likod.

Nagulat ang lahat sa nakita nila, pati ang mga Gods ay hindi makapaniwala sa ginawa ni Lapu-Lapu, nilalapitan nito si Apolaki habang nakaluhod ito.

"Gods kayo, maaring heroes kami pero nasa isip niyo...tao parin kami, oo tao! Pero kaya naming makasabay sa mga kapangyarihan niyo!" Hinawakan nito ang bolo niyang nakasaksak sa dibdib ni Apolaki at hinatak ito.

Natumba si Apolaki at duguan ito.

"D-DOWWWWWN! I-ibang klase ito! Napatumba ni Lapu-Lapu si Apolaki sa dalawang atake lang!" Sigaw ng Referee.

Nagulat din ako sa nangyari at hindi makagalaw, ni hindi ko nakita kung anong nangyari pagkatapos niyang ibato ang Land Shaker.

Tumalikod naman at naglakad si Lapu-Lapu pabalik sa pwesto niya.

Pero nagulat din ito sa nakita niya.

"Y-Yung Shield...Lumulutang..." Sabi ko ng pabulong.

Tumayo si Apolaki at nagulat ang lahat ng ito'y umaapoy.

"Ibang klase ka Lapu-Lapu!" sabi ni Apolaki, napa hawak ito sa braso niya at iginalaw galaw ito.

Napatingin si Lapu-Lapu ng na nagulat sa nakita niya.

"Minaliit kita, hindi ko akalain na may kakayahan kang ganito pero...pasensya na Lapu-Lapu, magpapahinga ka muna ulit! Sigaw nito at itinaas ang kamay nito sa direksyon ni Lapu-Lapu.

"L-Lapu-Lapu! Sa likod mo!!!" Sigaw ko sakaniya.

Hindi nito alam na tinatawag pala pabalik ni Apolaki ang Shield nito pabalik sa kamay niya.

Bago pa nakatingin si Lapu-Lapu pabalik sa Likod nito, ay tumusok na ang Shield sa likod nito.

"AHHKKKAHHHH!" sigaw nito habang dahan dahan itong napaluhod.

"H-hindi ko...n-napansin to ah!" Tumutulo ang dugo sa bibig at katawan nito habang nagsasalita.

Laking gulat ng mga tao at sigaw naman ng sigaw ang mga Gods.

"APOLAKI! APOLAKI! APOLAKI! APOLAKI!"

"LAPU-LAPUUU!" Sigaw ko habang tumutulo ang luha.

"W-wag kang mag alala H-Hesuwo!" Sambit nito habang dahan dahang tumatayo, pero bago paman ito nakatayo, hinatak muli ni Apolaki ang Shield nito at lumusot pa lalo ang Shield sa katawan ni Lapu-Lapu.

Natumbang muli si Lapu-Lapu habang nakangiti.

"H-hindi ko akalaing...g-ganito kalakas...ang isang...God!" Salita nito habang nakadapa.

"Hanggang dito ka nalang Lapu-Lapu...Masaya parin ako at nakilala kita, bago ako nawala sa lupa hindi na kita naabutan pa." sabi ni Apolaki habang nakatalikod at naglakad paalis ng Arena.

Nagulat naman ito ng tumusok ulit sa katawan nito ang Bolo ni Lapu-Lapu, Nanlaki ang mga mata nito ng nakitang nakatayo pa si Lapu-Lapu.

"Hindi pa tayo tapos Apolaki, Tumatayo pa ako." Salita ni Lapu-Lapu habang hinihingal at tumutulo ang maraming dugo sa katawan nito.

Pero napangiti lamang si Apolaki sa sinabi nito.

"Matagal-tagal rin nang hindi ako naka experience ng ganitong laban, ni isang beses sa pakikipag laban ko, walang nakapatama ng dalawang beses na sandata sa katawan ko, ikaw lang Lapu-Lapu, pero pasensya kana, hanggang dito nalang talaga 'to!"

Biglang awala si Apolaki sa pwesto niya, pero si Lapu-Lapu ay nag thumbs up muli sa akin at ngumiti.

Sa mga sandaling 'yon pala, alam niyang mamatay na muli siya, pinutol ni Apolaki ang dalawang kamay nito at isinaksak sa katawan nito ang sariling Bolo.

"Paalam Lapu-Lapu! Sa muli nating pagkikita!"

Naging Bato ang katawan ni lapu lapu na duguan at dito nawalan ng pag-asa ang mga tao na may laban ang Heroes sa Gods.

Maraming napa hagulgol sa unang nangyari sa arena.

"AND YOUR WINNER FOR THE FIRST FIGHT BETWEEN GODS AND HEROES! APOLAKI!"

"Kainis!" Sigaw ko habang napasandal at napa cross ang mga kamay sa pader.

Pero unang laban palang naman, may pag asa pa kami, five wins ang kailangan para matanghal na panalo, mag iisip muna ako kung sino ang susunod kong pipiliin na lumaban.

"Ano Hesuwo? Alam kong nanonood ka, ngayon mo sabihin na match ang kakayahan ng Gods sa Heroes mo! BWAHAHAHA!" tuwang tuwa na salita ni Bathala.

"Unang laban palang Bathala, apat pang panalo ang kailangan niyo para manalo!" sagot ko sakaniya.

"Hah, napakadali lang sa amin e achieve iyan! O siya, Bukas ang Second fight, mag isip kang mabuti Hesuwo, si Bakunawa ang susunod na lalaban BWAHAHAHAHA!"

Mas lalo akong nainis sa narinig ko, si Bakunawa ang isusunod niyang ipalalaban! Nag dali dali akong pumunta sa silid upang mag isip ng mabuti.

Sinong Hero ang pipiliin kong susunod? Sino ang makaka tapat sa kakayahan ni Bakunawa?

TING!

ALAM KO NA KUNG SINO!

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now