[ 8 ]

12 3 0
                                    

Hesuwo's POV

"Ang alam kong makakatapat sa lakas ni Bathala ay si....Balagtas!"

Si Francisco Balagtas o mas kilala bilang Balagtas ay isang bihasa sa paggawa ng mga poet.

Malaki ang naging impact niya sa literatura ng mga Filipino kaya mas nakilala pa siya nung kapanahunan niya.

Sana magsunod sunod ang panalo, pero alam kong hindi magpapatalo si Bathala, di ko alam kung anong pumasok sa utak niya na sa ika apat na laban ay siya kaagad.

Kapag natalo pa si Balagtas, malalagay kami sa bingit ng kaba, malalagay sa 3 to 1 ang lead pag natalo pa kami, kailangan naming maka dikit kaagad.

Kaya Balagtas, ikaw ang pipiliin kong lalaban kay Bathala!

Kinabukasan~~~

"Ladies, Gods and Gentlemen, ito na ang fourth day ng Tournament between Gods and Heroes, at ito na din ang 4th battle ng torneyong ito!"

"Unahin natin ang lalaban para sa mga Gods, maniwala kayo sa hindi..."

"Ang...lalaban para sa...mga Gods ay si..."

"BATHALA!" si Bathala na mismo ang tumapos sa sinasabi ng Referee.

Excited na excited itong lumipad papunta sa gitna ng Arena, kahit ang referee hindi makapaniwalang si Bathala ang ika apat na lalaban, ganon din ang mga tao at ang ibang mga Gods na nasa Arena.

"Sa wakas, lalaban na naman ulit ako sa arena na ito!" Salita niya habang nakatingin sa langit at tila finifeel yung hangin.

Si Bathala ay God of Disaster kung sasabihin, nacocontrol nito ang apoy, tubig, kulog, kidlat at lindol.

Sinasabi din na siya ang dahilan ng napakalakas na lindol na nangyari ng magkasunod na taon sa Mindanao at Luzon.

Ngunit sinasabi niya na hindi siya ang gumawa nun kundi ang supreme God na ama niya ang sinasabi niyang gumawa ng lahat ng nangyaring paglindol.

Gusto niyang tapatan ang ama niyang Supreme God nung kabataan niya ngunit nabigo itong talunin qng ama niya at inilagay siya na bantayan ang mga taong naka tira sa Pilipinas.

Ngunit nung kasagsagan ng Spanish Era, ni hindi manlang ito tumulong upang itaboy ang mga dayuhan sa lupain ng mga pilipino.

Kahit ang mga kasamahan nitong mga God ay hindi kumibo upang matulungan manlang ang pilipinas.

Hanggang sa sunod sunod na taon, patuloy na sinasakop ng ibat-ibang mga dayuhan ang Pilipinas, ayaw talaga nilang tumulong.

Dahil daw sa test na dapat mailigtas ng mga tao ang sarili nila upang hindi umasa palagi sa mga Panginoon.

Kahit nung World Wwar one to two, ni hindi manlang naramdaman ng mga sundalo o mga tao ang presensya nito sa pagtulong.

Lumaki si Bathala sa tabi ng kaniyang ama, ngunit ni isang bagay, walang naituro na kaalaman ang kaniyang ama sakaniya sa pakikipag laban.

Nag sariling sikap ito upang mapatunayan sa kaniyang ama na kaya niyang palabasin ang sarili niyang lakas.

At lumipas lamang ang isang dekada na pag eensayo, hinamon agad nito ang ama niya sa isang labanan, hindi naman ito tinggihan ng Supreme God para narin ma test amg lakas ni Bathala.

Pero ni isang beses, hindi nito natamaan ang ama niya.

Inatasan ng Supreme God si Bathala na Gawin ang Universe at pagharian ang isang lugar sa planeta ng Earth dahil dito lang daw nararapat ang lakas ni Bathala.

Wala namang nagawa si Bathala sa sinabi ng kaniyang ama dahil natalo ito sa laban.

Dito, sa mga lupaing ito siya naging God, pero hindi manlang ramdam ng mga tao ang kaniyang presensya dahil ayaw nitong tulungan ang mga tao sa hindi malamang dahilan.

Pero alam ko, na dahil minaliit ng Supreme God ang kaniyang kakayahan kaya hindi niya ito tinutulungan.

May dugong Supreme si Bathala ngunit hindi ito nakitaan ng kaniyang ama.

Pero malakas si Bathala, kailangan talagang mag ingat ni Balagtas sa laban.

"Ako muna ang lalaban Bathala!" Nagulat ang lahat ng may biglang sumigaw na boses babae sa may entrance ng Gods Side."Ako ang dapat na lalaban kahapon kay Rizal ngunit hinarang ako ng Manggagaway na iyon at sumang ayon ka naman!"

Galit na galit itong pinag sasabihan si Bathala.

"Ikaw ang Final God na tatalunin! Kahit manalo ka ngayon at kung maging dikit ang laban, wmagiging fifty-fifty ang laban! Kaya tumabi ka nalang at manood dahil ako ang lalaban!"

"A-Ahhh, D-diwata naka..." Bago pa matapos magsalita ang referee, nagsalita naman si Bathala.

"Sige."

Mukhang mautak sa pagkakataong iyon si Bathala, na realize niya rin siguro at naalala yung rules na, ang bawat kalahok ay isang beses lang lalaban sa Arena na ito.

"S-so...mag...papalit ba ng...l-lalaban sa side ng Gods?"

"Oo." Agad na sagot naman ni Bathala at bumalik sa kaniyang royal seat.

"M-mga manonood! Meron pong pagbabago sa mga lalaban! Nag decide si Bathala na hindi na muna siya ang lalaban sa ngayong pagkakataon!"

"Ngunit papalitan siya ni Diwata! Ang lalaban para sa Gods side!"

"DIWATA!"

Sa pagkaka-alam ko, malakas pa si diwata kesa kay Bakunawa at Manggagaway, isa na namang palaisipan 'to kung mananalo nga ba si Balagtas.

Kainis na naman! Kahit nag-palit ng kalaban hindi parin mawawala ang kaba at pag-aalinlangan sa mga heroes!

Pero sige lang, para naman sa aming lahat ito, sa lahat ng mga tao!

"At ang lalaban sa Heroes Side naman, isang kilalang bihasa sa pagawa ng Poet at sa literatura ng mga pilipino!"

"Walang iba kundi si!"

"FRANCISCO BALAGTAS BALTAZAR O MAS KILALA BILANG SI BALAGTAS!"

"S-Si Balagtas?"
"A-ano naman ang panlaban niya kay diwata?"
"Magtiwala nalang tayo!"
"Maliligtas tayong lahat! Wag lang tayong mawalan ng pag-asa!"

Ibat iba ang naging reaksyon ng mga tao ng dahil nalaman nilang si Balagtas ang lalaban.

Si Balagtas ay binigyan ko ng kapangyarihan na kapag nagsalita siya ng mabibigat na salita, nagiging totoo ito.

Pag sinabi niyang magkakasakit ka, magkakasakit ka talaga.

Sagrado ang kaniyang bibig, kailangan mag ingat sa mga ibibitaw niyang mga salita.

Ngunit kung si Diwata lang naman ang itatarget niya, tiyak okay lang.

Kailangan naming maka dikit, nararamdaman ko na may lamang sa lakas at kakayahan sa pakikipag laban itong si Balagtas!

Kahit sa level ng kapangyarihan, napataas ko ang kaniyang mahika! Naipalevel up ko ito into the very high level!

Paghahanda sana para kay Bathala ito ngunit nag change order ng lalaban, kaya...

"GOOD LUCK SAYO BALAGTAS!" Sigaw ko sakaniya habang nakangiti.

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now