[ 21 ] Underworld Arc

16 1 0
                                    

Hesuwo's POV

Mahigit labing-isang taon na rin ang nakalipas nung naganap ang one on one na labanan sa Sky Arena, ang pilipinas ay bumalik sa daring mapayapang lugar.

Naging kaunti muli ang krimen at nakawan na nagaganap, pati na ang mga aksidenteng nagaganap, nabawasan din.

At dahil sa mga binuhay ko na mga bayani, sa nanalo man o natalo, laking pasasalamat ko dahil worth it ang pagigay buhay ko sa kanilang muli.

Ang mga natalo ay muling bumalik sa kabilang buhay, ang mga nanalo naman ay nanatili sa paraiso ng Sky Arena, o tinatawag ni Bathala na Supreme God's Garden.

Si Rizal, Heneral Luna at Unborn Hero ay masaya sa kalagayan nila ngayon, natutuwa din ako dahil nabigyan ng panahon na maipamalas ni Unborn Hero ang kaniyang lakas at makilala na isang bayani ng mga tao.

Patuloy ang pag-aasaran ni Luna at Rizal sa Supreme God's Garden. Dahil sa panalo nila, nadagdagan ang kontribusyon nilang dalawa sa kasaysayan ng pilipinas.

Dati, lumaban lang sila sa mga dayuhan, ngayon, kinilala sila bilang mas mataas pa kaysa sa mga Gods ng pilipinas.

Ako naman ay bumalik sa dati 'kong gawain, bantayan ang mga tao, kalikasan at nagaganap sa mga karagatan, dahil wala naman masyadong magagawa sa pag lilibot sa buong pilipinas dahil mapayapa na ngayon, gusto 'kong bisitahin ang tatlong bayani na nasa Supreme God's Garden, dahil pwede naman akong bumisita na doon.

Kinabukasan~~~

"Ahhh, Jose...Panibagong araw, panibagong asaran na naman ang magaganap ngayon. HAHAHAHA" wika ni Luna.

"Ano na naman ba ang naiisip mo Luna?" sagot naman ni Rizal.

"Ano pa ba Jose? Ang asarin ka! Di ka pa ba nasanay? mahigit labing isang taon na tayo dito na inaasar kita."

"Anong kwento na naman ba ang uulitin mo para maasar mo ako Luna?" tanong namn ni Rizal lay Luna habang napaupo ito ng seryoso sa bench.

"HAHAHA" Tawa lang nito habang humigop ng kaniyan tsaa. "Naisip ko lang, hamunin kaya kita? Hindi sa laban, alam ko namang ink at papel ang sandata mo, at mahina rin ako doon."

"Anong hamon ba 'yan Luna?" Tanong naman ni Rizal at hinigop ang kaniyang tsaa.

"Dahil lamang naman ako sayo sa utak, hahamunin kita sa isang mind game!" Pagyayabang nito kay Rizal.

"Ang yabang mo talaga Luna." Napa tawa nalang si Rizal sa sinabi ni Luna at sabay uminom ulit ng tsaa. "Pero naisip ko lang Luna...ay wag nalang pala, wala ka namang utak."

"ANONG SINABI MO?!" Galit na galit ito at hinampas nito ang lamesa habang tumatayo. "Ang hilig mo mamikon Rizal, wala ka namang alam!" sabay itinuro nito si Rizal.

Pero si Rizal ay walang ka pake pake sa mga sinasabi nito, kahit andami na nitong sinasabi, si Rizal ay tinitignan lang siya at tinatawanan sa mga pinagsasabi nito habang hinihigop ng parang hindi naaapektuhan sa mga sinasabi ni Luna.

"Napaka pikon mo." Salita lang ni Rizal na lalong kinagalit ni Luna.

"Hindi ko na talaga matiis pang aasar mo Rizal, hetong sayo!" Hinawakan ni Luna ang kwelyo ni Rizal at hinila ito na tila bang susuntukin niya na si Rizal.

"Magsitigil nga kayo! Wala kayo sa Sky Arena, nasa Supreme God's Garden kayong dalawa!" Sigaw ko at napa tingin naman si Luna at Rizal ng makita nila kami ni Bathala na nakatayo malapit sa kanila.

"Pinipikon ako nito eh!" Sabay tinulak nito pabalik sa upuan si Rizal.

"Napadalaw ka, Hesuwo?" Tanong ni Rizal habang inaayos ang damit nito.

"Ano pa ba? Edi bibisitahin ka kung okay pa ba 'yang utak mo!" Galit parin nitong salita.

"Tumahimik ka Luna, para parin kayong mga bata!" Wika ko na galit ang tono. "Binigyan kayo ng karangalan upang dito tumira at mabujay ng walang hanggan dahil sa ipinamalas niyong lakas laban sa mga Panginoon, tapos asal aso kayo dito?"

"Wag mo akong idamay madam, natutulog lang ako dito sa puno." Wika ni Unborn Hero habang naka higa at relax na relax sa sanga ng puno.

"Si Luna lang naman ang mainitin ang ulo dito, napaka taas ng tingin sa sarili."

"Tama na yan, kung gusto niyo talagang mag away, pwede niyo namang ituloy yan sa Sky Arena ko, bukas yan para sa inyo, sabihan niyo lang ako para ma imbitahan ko ang mga kasamahan kong mga panginoon para manood sa laban niyo." Kalmadong salita ni Bathala.

"Narinig niyo si Bathala? Tumahimik nalang kayo at magkasundo diyan sa kinauupuan niyo!"

Inikot ako ni Bathala sa Supreme God's Garden at nagulat ako dito.

"Di ko inaasahan na sobrang lawak ng lugar na 'to." Wika ko.

"Mas magugulat ka kung sasabihin ko sayo na ang kapangyarihan lang ng Supreme God ang nagagamit dito." Wika naman ni Bathala.

"Totoo nga ang narinig ko, na ikaw lang ang pwedeng gumamit ng mahika sa lugar na 'to."

"Ginawa ito dati ng ama, para sa akin lamang. Dito ako lumaki at nag emsayo upang ma bihasa at maipakita ang tunay na lakas ng isang Supreme God, dito kami lumaki ni Sitan."

"Napakaliwanag ng paligid ng dahil sa mga puti at dilaw na bulaklak, idagdag mo pa ang mga napakalaking puno." Namangha ako habang nililibot namin ni Bathala ang Supreme God's Garden.

"Sumama ka Hesuwo, may ipapakita ako sayo."

"Sige po, mahal na Bathala." At agad naman akong sumunod sa sinabi niya.

Sa Hindi kalayuan ay nakita ko ang isang medyo may kalakihan na balon. Habang papalapit kami, ay nakakaramdam ako ng hindi magandang enerhiya na nakapaloob sa ilalim nito.

"A-Ano ang meron sa ilalim ng balon na 'yan, mahal na Bathala?" Curious 'kong tanong kay Bathala.

At nung lumapit kami, at tinignan ko ang ilalim, nagulat ako sa nakita ko.

"I-iyan ba ang impyerno?" Gulat na gulat kong sabi.

"Tama ka, Hesuwo. Dito ko itinatapon ang mga masasamang nilalang na walang magandang ginawa kundi ang maghasik ng kasamaan, mapa tao man 'yan o hayop."

"Ibig sabihin, bago mapunta sa impyerno? Dadaan sa Supreme God's Garden?"

"Tama ka Hesuwo, pero tulay ang nakikita ng mga masasama kapag nag lalakad papalapit sa balon na ito." Wika niya habang may itinuturo sa direksyon ng pinanggalingan namin.

"Ipapakita ko sayo."

Ipinakita ni Bathala ang sinasabi niyang tulay na nakikita ng mga masasamang elemento, at nagulat ako.

"I-ito na ba...'yon Bathala?" Nagulat ako sa nakita ko.

Madilim at mga bituin ang nakikita, Ang tanging maliwanag lamang ay ang balon na ito, malayo palang ay maaakit ka talagang puntahan ito.

"Kapag malapit na ang iaang masamang kaluluwa sa balon, agad itong hihigupin at dadalhin sa impyerno, na kung saan si Sitan na ang bahalang magparusa sa isang tulad nila."

"Ganon pala nagagawa ng balon na ito."

"'Yun lang ang mayroon sa Supreme God's Garden, naipakita ko narin kanila Luna, Rizal at Unborn Hero ang lugar na ito."

"Maraming salamat sa pag pasiyal mo sa akin dito sa Supreme God's Garden Bathala, isang karangalan na malibot ang iyong kinalakihang lugar dito sa kalangitan." Wika ko at yumuko sa harapan ni Bathala.

"Isa ring karangalan na maipasiyan kita sa aking kaharian, Hesuwo."

Napakaganda ng lugar, kung isa kang Guardian, nanaisin mo talagang ganito kalinis, kaganda at kaakit akit ang isang Lugar na iyong pagmamay-ari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now