[ 20 ]

22 3 1
                                    

Hesuwo's POV

"Gusto kong sabihin sa inyo, na hanggang dito na lang ang Tournament na ito, magiging tabla ang score to 4, pero ang masasabi ko lang, waging wagi ang mga tao! Dapat nating suportahan ang mga tao! Ito ang Kulang satin nitong mga nakaraang dekada mga kapwa ko diyos ng pilipinas! Dapat tayong magka-isa! Nakita natin ang kakayahan ng mga tao sa pakikipag laban, dapat natin silang tulungan!"

"Pigsain natin ang mga kasamaan at ilayo silang lahat sa kapahamakan! Tulungan sila kapag may malaking problemang dumaan sa Pilipinas! Sana maintindihan niyo ako mga Panginoon, at pag-pasensiyahan niyo na kami mga Tao, dito nalang 'to at dito na rin magwawakas ang Tournament na ito! Salamat sa inyong lahat, Congratulations sa mga tao! Hindi niyo kami Binigo, salamat sa magandang laban na ipinakita niyo!"

Mga salitang binitawan ni Bathala, at naluha ako ng nalaman kong ititigil niya ang pag-wasak sa buong pilipinas.

"Sa wakas! Natigil na rin ang lahat ng 'to!" Sigaw ko habang naluluha.

"Hah, duwag pala si Bathala eh, takot kay Sitan." Salita ni Luna.

"Kahit kelan di ka talaga gumagamit ng utak Luna, puro ka barilan." Sumbat naman ni Rizal.

"Huwag kayong mag-away diyan, naiiyak na ako sa tuwa dito."

"Tahimik Hesuwo!" Salita ni Luna.

"Pero Hesuwo, salamat sa pag gabay sa mga tao at pilipinas ng namatay kaming lahat, malaki ang utang na loob namin sa iyo, hanggang sa muli nating pagkikita, Hesuwo!" Bilin ni Rizal.

"Oo nga Hesuwo, hindi kami nabigyan ng pagkakataon na mabuhay ng matagal sa pilipinas, pero nakapag iwan kami ng isang makasaysayang yapak sa pilipinas na hindi malilimutan ng mga pilipino, hanggang sa kuli, Hesuwo!" Dagdag din ni Luna.

"Salamat sa pakikipag laban, Luna at Rizal, malaki ang ambag niyo sa Tournament na ito! Salamat, Hanggang sa Muli!" Sabay kaway ko habang nagiging bato at nag fefade sa hangin ang mga katawan nila.

Ngayon, mapayapa na ulit ang pilipinas, at puwede na akong bumalik sa totoo kong anyo.

11 years later ~~

Isang dekada na naman ang naka lipas, pero napanatili na ng mga Gods na balanse ang mga nangyayari sa pilipinas, meron parin namang mga krimen sa Pilipinas.

Pero hindi na tulad ng dati, na kahit saan ka pumunta, may mga away at patayan na nagaganap.

Hanggang dito nalang ang kwento, kung paano nailigtas ng mga tao, ang sarili nilang bansa laban sa mga makapangyarihang Mythical Gods ng Pilipinas.

Bout Results :

Lapu-Lapu v.s. Apolaki ~ Winner: Apolaki

Juan Luna v.s. Bakunawa ~ Winner: Bakunawa

Dr. Jose Rizal v.s. Manggagaway ~ Winner: Dr. Jose Rizal

Balagtas v.s. Diwata ~ Draw

General Antonio Luna v.s. Mayari ~ Winner: Antonio Luna

Andres Bonifacio v.s. Dumakulem ~ Winner: Dumakulem

Unborn Hero v.s. Bathala ~ Winner: Unborn Hero (Bathala Conceded)

~The End~

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now