[ 4 ]

14 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Juan Luna, kapatid ni General Antonio Luna, mag-kaibang kakayahan at field bilang isang bayani pero tumulong upang makamit ang minimithing freedom ng pilipinas mula sa mga dayuhan!

Next Level power na ang nasayo Juan Luna! Kaya nating manalo!

Sa ngayon, pabor na sa laban si Juan Luna, hinihingal na si Bakunawa kaka atake kay Juan Luna na hindi naman tumatama.

"Hiningal ka kaagad? Hindi kapa nakakatama Bakunawa!" Dahil sa sinabi ni Juan Luna, mas lalong nagalit si Bakunawa.

"Hindi mo pa yata alam ang tunay kong kakayahan Luna! Moonlight Cross Chop: Enhanced!"

"Power of Art: Reflect Shield!"

Sa Counter attack na ginawa ni Luna, ang Moonlight Cross Chop ni Bakunawa ay bumalik lamang sakaniya.

"AAAAH!" Napasigaw ito at bumagsak sa tubig.

"Hindi lang basta bastang painting ang ginagawa ko, lahat ng yun ay may kahulugan!" sabi ni Luna habang hinawakan ang kaniyang sumbrero."Power of Art: Spoliarium!"

Inatake pa nito si Bakunawa upang lumubog ang katawan nito.

Hindi alam ni Juan Luna na Buhay pa si Bakunawa, nailang kakakaway si Luna sa mga manonood at biglang may sumulpot sa kinalalagyan ng barko niya sa gitna ng arena.

Nahati qng barko nito sa dalawa pero mabuti naman at napansin niya agad na sumuaugod pataas itong si Bakunawa kaya nakatalon pa ito.

"Power of Art: Galleon!"

Nagulat si Luna sa nakita niya, pati ako at ang mga manonood ay gulat na gulat sa nakita nila, ang mga Gods lang ang tuwang tuwa sa nangyari.

"A-Anlaki...n-ni Bakunawa!" Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang laki at haba ng lumulutang na Bakunawa.

"Si Bakunawa paba yan?"
"Napakalaki naman niyan."
"Kaya pa kaya ni Juan Luna?"

Mga katanungan ng manonood na wala pang kasagutan.

Bakit ganon? Yung kaninang maliit na version ba niya, is yung...second form niya palang?

"A-Anlaki mo Bakunawa ah!"

"Humanda ka Luna, hindi mo pa talaga alam ang totoo kong kakayanan! Tapos kana sakin ngayon! HAAAAAAA! Super Moonlight Cross Chop!"

Biglang sinugod nito pababa si Juan Luna ng rumaragasang Cross Chop move niya.

"Power of Art: Clone! Power of Art: Teleport!"

Masama 'to, mabilis mauubos ang pintura sa card board niya, tatlong aggressive move na ang nagagawa niya, pero hindi niya pa natatamaan si Bakunawa.

"Power of Art: Spoliarium!"

Direktang inatake nito si Bakunawa habang pasugod sakaniya pero nailagan ito ni Bakunawa.

"Hindi kana tatagal pa Juan Luna! HAHAHAHA! DRAGON PULSE!"

Inatake ulit nito si Juan Luna pero hindi ito umalis sa kinatatayuan niya.

"Hmmm." ngumiti lang ito at bago paman tumama sakaniya ang atake ni Bakunawa, tumalon ito.

"Power of Art: Blood Compact!"

Biglang nahinto sa paglipad si Bakunawa at bumagsak ulit ito sa Tubig.

Pero sa pagkakataong ito, unti unti nang nauubos ang pintura sa card board ni Luna, masama 'to kung makakabangon parin si Bakunawa.

"Pag tinamaan ka ng Blood Compact, mabubulag ka at titigil ang daloy ng mga dugo mo sa buong katawan, ewan ko nalang kung makakaba..." Bago pa natapos sa sinasabi nito, nakabangon nang muli si Bakunawa.

Ang mas masama dito, lumaki pa lalo ai Bakunawa.

Ito naba? Ang Ultimate form Bakunawa? Ang kayang lunukin ang pitong makapangyarihang buwan?

"Matagal tagal ko ring hindi nagamit ang anyong 'to, tignan ko nga ang kakayahan nito kung kinakalawang na!" Biglang naging sobrang lalim ng boses nito na parang dalawa o tatlong tao ang nagsasalita.

Tama nga ako, Ultimate Form Bakunawa na ito! Sobrang laki, at ramdam na ramdam ko ang Danger kay Juan Luna.

Kahit siya hindi makapaniwala sa nakikita niya, pinagpawisan ito habang tinitignan ang napakalaking Bakunawa.

"Hmmm, tiyak na patay ako sayo pag mali ang galaw na magawa ko." Kalmadong wika ni Luna.

Nasisiraan naba talaga 'to? Hindi na biro ang anyo ni Bakunawa, hindi 'to oras ng ganyang biro.

"MAG INGAT KA LUNA, YAN NA ANG PINAKA HULING FORM NI BAKUNAWA!" Sigaw ko sakaniya habang nag-aalala.

"Tapos na'to!" Biglang salita ni Bathala."HAHAHAHA Tapusin mo na Bakunawa!"

Mabilis na nakakapag Regenerate ang katawan ni Bakunawa dahil sa evolution ng kanyang katawan, ibang klaseng kakayahan, kaya one of the best Gods siya ng pilipinas.

"Kaya mo yan Luna!"
"May tiwala kami sayo Luna!"
"Para saming mga tao!"
"Lalaya tayong muli!"

Mga naririnig kong sigaw sa mga tao, todo supporta na sila kahit alam nilang walang panama ang Power of Art laban sa isang Ultimate form Bakunawa.

"Mukhang dito magsisimula ang tunay na laban! Humanda ka Bakunawa!" Sabi ni Luna habang naka hawak sa sumbrero nito.

"Dito na kita tatapusin Luna!"

"Power of Art: Infinite Spoliarium!"

"Ultimate Moonlight Surge!"

Nagpalitan na naman ang mga atake ng dalawa, ni isa sa amin hindi nakikita kung anong mga galaw ang ginagawa ng dalawa.

Kahit lumalaban sakay ang barko nitong si Luna ay nagagawa parin nitong protektahan at makatayo sa kinalalagyan niya.

Habang si Bakunawa naman ay wala na masyadong problema para matamaan ni Luna.

"Ultimate Pulsefire of the Moonlight Dragoooooon!" Sigaw ni Bakunawa habang merong Nabubuong kulay asul na bola sa bibig nito, palaki ng palaki ang bola na nasa bibig niya.

"Power of Art! All for the better na! PARA SA KALIGTASAN NG MGA TAO! MEGA SPOLIARIUM BEAM!"

Sa pagkaka alam ko, pag ginamit ni Luna ang move na ito, mauubos ang magical paint sa card board niya, masama ito!

Napatayo ako bigla sa inuupuan ko at napasigaw."LUNAAAAA!"

"Katapusan mp na! LUNA! HIYAAAAAAAAAAAAH!"

"HAAAAAAAAAAAAAAA!"

Nag banggaan ang ginawang atake ng dalawa at sumabog ito.

BLAAAAAAAM!

Lumikha ng napaka itim na usok ang atake nilang dalawa, pero kaninong atake nga ba ang umubra?

Nung unti unti ng nawawala ang itim na usok, natatanaw na namin si Bakunawa at Luna.

"Magandang laban Luna! Pero hanggang dito nalang ang laban!" Wika ni Bakunawa.

"Hmmm, sa uulitin!" Napakaway ito kay Bakunawa habang natutumba.

"L-LUNAAAAAAAAA!" Sigaw ko at napatulo na naman qng luha ko.

Habang natutumba ito ay nag thumbs up ulit ito sa pinakahuling beses sa akin.

"LUNAAAAAAAAA!"
"Hindi maari ito!"
"Bakit natalo pa!"

Napakaganda ng laban, pero ganun talaga, kapalaran nila ang mamatay para sa kaligtasan ng mamamayan nila.

"Sabi ko sayo Hesuwo, sinasayang mo lang ang kapangyarihan mo sa mga bayaning iyan! BWAHAHAHA sumuko nalang kayo!" Tuwang tuwa na wika ulit ni Bathala.

Pero hindi ko pinansin ito at nagdabog ako papuntang silid ko upang pagplanuhan ulit ang susunod na makakalaban.

"AND THE WINNER FOR THE SECOND FIGHT! BAKUNAWA!"

"BAKUNAWA! BAKUNAWA! BAKUNAWA!"

"Salamat parin Juan Luna!"
"Sa performance mo, nakikita namin na ang susunod na Hero ay may pag-asa ng makapa tumba ng God!"
"LUNAAA! KAHIT ANONG MANGYARI! BAYANI KA PARIN!"

At tuluyan nang naging bato ang katawan ni Juan Luna.

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now