[ 7 ]

13 3 0
                                    

Hesuwo's POV

"Bakit ka umatras sa laban niyo ni Rizal, Diwata?" tanong ko nung narinig ko na may nagsasalitang babae sa may labasan ng trono ni Bathala.

"Hmm, kung hindi ako pinilit ni manggagaway, ako ang lumalaban sa bayani mo!"

"Or natatakot kalang?" Dagdag kong wika.

"Bakit ako matatakot sa bayani mo Hesuwo? Hindi niya kayang pantayan ang kapangyarihan ng isang God!" Naiinis na sagot nito.

"Oh, kalma Diwata...tinatanong kalang."

Mabilis uminit ang ulo ng mga Gods, kailangan talaga minsan mag iingat ka nalang sa pagsasagot sakanila or magsalita.

"DOWWWWWWWN! MANGGAGAWAY IS DOWWWWN!" Sigaw ng Referee at ikinagulat ng lahat ng manonood pati ako at ang mga Gods na nasa Tabi ni Bathala.

"A-Anong nangyari?" gulat na gulat na tanong ni Diwata.

Nakita ko na lang na hinihingal na si Rizal habang hawak hawak nito ang sumbrero niya habang naka luhod.

"Napakabilis ng nangyari!"
"A-ano ba ang nangyari?"
"Bat...marami ng galos si Rizal?"
"Natumba nalang si Manggagaway nung nakita ko!"

Kahit ang mga reaksyon ng mga manonood ay hindi mo maiintindihan.

"R-Rizal...M-minaliit kita, hindi ka pala ganoon kahina gaya ng iba!" Salita nito habang pinipilit na tumayo.

"Hmmm, sinabi ko naman sayo Manggagaway, bago ako umapak sa Arena ni Bathala, alam ko na ang mga tungkol sainyo!"

"Pero hindi mo agad ako matatalo! Blue Flame Cross Wave!" Iwnasiwas na naman nito ang tungkod niya sa direksyon ni Rizal.

"Noli Me Tangere: Reflect Barrier!" Lumikha na naman si Rizal ng isang Barrier at bumalik lamang kay Manggagaway ang kaniyang atake.

"AHHHHHHHH!" Napasigaw ito at natumba ulit.

"May isa ka pang Anyo kung hindi ako nagkakamali! Ilabas mo na agad ito!"

"Hmm, HAHAHAHA kung yan ang gusto mo! Pagbibigyan kita."

Bigla na naman itong umilaw at umapoy, sa pagkakataong ito, hindi na blue or pink ang kulay ng aura niya, berde na ito.

Simbolo ng tunay na lakas ni Manggagaway, at ang mukha ng kanyang tunay na kapangyarihan.

Lagot, kailangang mag ingat pa lalo ni Rizal dito, hindi ko talaga alam kung anong tunay na balak mo Rizal.

Bakit mo pa kailangang sabihan si Manggagaway na gamitin ang pinakahuli nitong alas.

"Ito ang gusto mo? Pwes, ibibigay ko sayo!"

"Mas na excite ako lalo dito Manggagaway!" Sagot niya at tila bang kalmado lamang ito.

"Ang ngiting nakaukit sa mukha mo ngayon, ay mapapalitan ng takot 'yan mamaya!"

"Ipakita mo!" Sabay ngiti ulit.

"HAAAAAAAAAAA!"

At nagkatotoo nga ang sinabi ni Manggagaway na ang ngiti sa mukha ni Rizal ay mapapalitan ng takot.

Dahil sa pag sigaw ni Manggagaway, biglang dumilim ang paligid at may isa isang lumalabas na parang berdeng mga bola na binabalot ng berdeng apoy.

"ENERGY SOUL!" Ang bolang may mga berdeng bola na umaapoy pala ay mga kaluluwa.

Nag kumpulan ang lahat ng kaluluwa sa itaas ng tungkod ni Manggagaway at itinutok ito kay Rizal.

Nawala ang takot sa mukha ni Rizal at bumalik ang ngiti nito.

"Mukhang masiyahin kang tao Rizal!" Sabi ni Manggagaway.

"Dapat lang akong magsaya, Nalalapit na ang aking panalo!" Sabay hawak ulit sa sombrero nito.

Itinaas ni Rizal ang Libro ng Noli Me Tangere at umilaw ito.

"Sasabayan ko ang huling atake mo! Combination of the secret power between El Fili and Noli: Light Blast!"

Ngayon ko lang narinig ang atakeng ito, posibleng huling atake narin itong gagawin ni Rizal.

"Hmmmm, umabot kana sa limitasyon mo, tama ba ako Rizal? HULING NGITI MO NA ITO! HAAAAAAAAAAA!"

"Maliligtas ko ulit ang mga tao Manggagaway, ito na ang umpisa ng aming panalo! HAAAAAAAAAAAAA!" Sinabayan nito ang Energy Soul na atake ni Manggagaway."Hindi pa yan tapos! Bulk Up: Vital Blast!"

Nag banggaan ang atake nilang dalawa
at dahil sa sobrang lakas at napakasilaw ng mga atake nila, pati mga manonood ay hindi na alam kung anong mangyayari.

Maya maya pa ay biglang sumabog ang ginawang atake nilang dalawa.

Sa sobrang usok ng paligid, kahit anino nila ay hindi na makita, nag antay pa kami ng ilan pang segundo na mawala ang usok na sanhi ng pagsabog upang malaman kung sino nga ba ang nanalo.

Sana ikaw na ang nanalo Rizal! Huling atake niyo nang dalawa 'yun.

Nung medyo nawawala na ang usok, natatanaw na naming lahat ang anino nilang dalawa, pero...

Pero...ang nakikita ng lahat na nakatayo lamang ay si...Rizal!

Nakatumba ang katawan ni Manggagaway! Hindi na umaapoy ng Berde at nasira ang tungkod nito.

Nakahawak lang si Rizal sa kaniyang sumbrero at nakangiti.

"DOWWWWWWWWWWN! MUKHANG HINDI NA GUMAGALAW SI MANGGAGAWAY, SA UNANG PAGKAKATAON! NANALO ANG MGA BAYANI! SI RIZAL ANG IKATLONG WINNER NG COMPETITION!"

"YEEEEEEEEEEEEES!"
"SABI KO NA KAYA MO RIZAL!
"Wooohooooooo naka isa na tayo!"
"Salamat Rizal!"

"RIZAL! RIZAL! RIZAL! RIZAL!"

Pati ako ay nagulat sa nakita ko, matinding laban, palitan ng atake, pero sa huli, ang lakas ni Rizal ay ang nag wagi.

"MAHUSAY RIZAL! GOOD JOB!" sigaw ko sa sobrang tuwa.

Agad naman itong kumaway at naglakad papuntang heroes side entrance.

"Paghandaan mong mabuti ang susunod na ilalaban mo Bathala, ito na ang simula!" Wika ko bago umalis.

Pinuntahan ko kaagad si Rizal upang tignan ang kalagayan nito.

"Salamat sa tiwala, Hesuwo." Wika nito sabay umupo.

"Magandang laban ang ipinakita mo Rizal, well done, kauna-unahang bayaning makatalo sa isang God."

"Simula palang alam ko na ang kahinaan niya, kaya ko napiling guluhin ang utak nito."

"Anong ibig mong sabihin?" pagtatakang tanong ko sa sinabi niya.

"Naisahan ko siya, akala niya ay totoong kapatid niya si Night Witch, illusion lang yun, isinummon ko lang siya para gawing panangga kay Manggagaway, masyado siyang kampante, kaya ginawa kong advantage yun."

"Hindi ako nagkamali sa pag pili sayo Rizal." Napa thumbs up sabay ngiti ako sa kaniya simbolo ng pagpapasalamat ko dahil hindi pa nawawalan ng pag-asa ang mga tao.

"Magpahinga ka muna dito, paplanuhan ko pa bukas ang susunod na lalaban."

Agad akong umalis sa Heroes side Room at dumiretso na agad sa silid.

Ang susunod daw na lalaban ay si..."B-Bathala???"

Anong pumasok sa utak ng God na iyon? Siya yung pinakamalakas sa lahat ng Gods, pero bakit...siya agad sa pang apat?

Lagot, wala akong alam na panapat para laumaban sakaniya!

"Isip isip Hesuwo!" Salito ko habang nakapikit.

"Ahhhrghhh" mahirap pag isipan kung sinong bayani ang itatapat ko sakaniya.

After mga ilang minuto na pag iisip, ay may alam akong bayani na baka makapantay sa lakas niya.

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now