[ 13 ]

12 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Dumakulem, siya ang susunod na lalaban? hah, may pumasok kaagad sa isip ko kung sino ang itatapat ko sayo Dumakulem.

"Andres Bonifacio!"

Ama ng rebolusyonaryo ng pilipinas, pinangunahan nito ang mga pilipino nung kasagsagan ng pananakop ng mga espanyol at pagkatapos nilang ikulong si Rizal.

God na creator ng mga bundok, at isa ring expert hunter, hmmm, tingin ko mas lamang si Andres dito, tignan nalang natin ang magiging resulta ng labang ito bukas.

"All set, Bonifacio laban kay Dumakulem!"

Kinabukasan~~

"LADIES, GENTLEMEN AND GODS, NANDITO NA TAYO NGAYON SA IKA POTONG ARAW AT IKA-PITONG LABAN!"

"All in na kami kay Dumakulem Hesuwo, wala ka nang magagawa dahil ako na din ang susunod na lalaban pagkatapos niya." Wika ni Bathala.

"Sigurado naman akong hindi magpapatalo ang napili kong lalaban kay Dumakulem Bathala." Agadko namang sagot sakaniya.

"ANG LALABAN SA GODS SIDE! ISA SA KINATATAKUTANG MANGANGASO SA MGA KABUNDUKAN! AT SIYA RIN ANG LUMIKHA NG MGA BUNDOK! MAGBIGAY PUGAY SA PANGINOONG DUMAKULEM!"

"WOOOOOOH! DUMAKULEM! Sigurado na ang panalo! kahit sino pang itapat diyan alam na ng lahat na mananalo agad yan!"
"Lagot, kinatatakutan ng ibang mga mangangaso dati yan!"
"Wag kayo mawalan ng tiwala! Tiyak tatalunin ulit niyan ng lalaban diyan!"

"AT ANG LALABAN SA HEROES SIDE! SIYA AY KILALANG "SUPREMO" NG KATIPUNAN SA KASAGSAGAN NG PANANAKOP NG MGA ESPANYOL! ANG INYONG BAYANI!"

"ANDRES BONIFACIO!"

"May match to!"
"Magtiwala tayo!"
"Ipanalo mo Bonifacio!"

"Bonifacio, mag ingat ka, pana at palakol ang sandata niya." Babala ko kay Andres habang naglalakad ito papunta sa gitna ng Arena.

"Huwag kang mag alala masyado Hesuwo, mga hayop ang palagi niyang kalaban dati, ako, mga espanyol at kapwa pilipino ang naging kalaban ko."

"SIMULAN NA ANG LABAN!"

"Andres, isang experto sa madugong laban, lalabanan ang isang di hamak na mangangaso, tiyak na lugi ang mangangaso. Tama ba ako Bonifacio?" Tanong ni Dumakulem habang nilalaro laro nito ang palakol niya.

"Pana at Palakol, laban sa modernong mga sandata, Baril" Sagot naman ni Andres.

"Ayoko nang patagalin pa ang laban na 'to Andres, di ko gustong makitang nagdudusa ka sa gagawin kong mga tira, kaya titiyakin ko na matatalo ka kaagad sa isang tira lang." Pagbababala nito kay Andres.

"Umpisahan na kaagad na..." Bago pa ito matapos sa sinasabi niya, nakita agad ni Andres na papunta na sakaniya ang Palakol ni Dumakulem.

"Malakas din pala ang mga mata ng mga tao, di ko akalaing mas mabilis ka pa sa mga hayop, Andres."

"Ahh, inaamin ko, nakakagu..." Hindi pa ulit ito nakatapos sa sinasabi niya, naramdaman ulit ni Andres na pabalik ang palakol ni Dumakulem sakaniya kaya napatalon ulit ito.

"Mahusay ka gumalaw Bonifacio!" Pagpuri nito at sabay pinapalak pakan.

"Marami na akong karanasan sa pkikipaglaba..." Hindi na naman ulit ito nakatapos sa sinasabi niya, napansin niya na naman ang lumilipad na pana papunta sa direksyon nito kaya napa talon na lang din siya ulit.

"Aba, pati ang pana ko nakita mo kaagad, hmmm, malakas ang pakiramdam mo Andres, hindi kagaya ng pang karaniwang tao." Napansin kaagad ito ni Dumakulem.

Bago ang Laban~~

"Andres, ito ang tandaan mo, ang sumbrero mo, ay nagtataglay ng kapangyarihan na nagpapalakas ng pakiramdam, hindi pang karaniwang mangangaso si Dumakulem, mabilis ang reflexes niyan. Kaya kang patumbahin sa isang tira lang niyan na para bang baboy ramo ka lang sa paningin niya."

"Naiintindihan ko Hesuwo, ibig sabihin, kahit anong mangyari, hinding hindi ko aalisin ang sumbrerong ito?"

"Ganon na nga Andres, ang sandata mo naman ay ang baril na yan, makapangyarihan din yan, Ricochet, yan ang pangalan niyan." Wika ko habang itinuro ang baril na nasa likod nito.

"Hmmm, maraming salamat Hesuwo, titiyakin kong mananalo ako sa laban na 'to!"

Sa laban~~

"Hmm, gamit na gamit ang mga sandata na ibinigay mo Hesuwo!" Sabi ni Andres.

"Mag Focus ka Bonifacio!" Sigaw ko naman sa kaniya.

"Ako naman Dumakulem, Ricochet: Rapid Bullets!" Itinutok ito kay Dumakulem at ipinaputok ng sunod sunod.

Sa unang tingin, parang normal na mga bala lamang ito, pero kapag natamaan ka ng balang ito, normal na tao o panginoon kaman, ay tatalab at tatalab ito.

Patuloy ring iniilagan ni Dumakulem ang mga sunod sunod na balang itinitira ni Andres.

"Hmmm, mahusay, pero hindi ganoon ka husay mag asinta." Wika ni Dumakulem habang bumubunot ng pana at itinira sa direksyon ni Andres.

Agad namang naka ilag si Bonifacio pero hindi nito akalain na dalawang magkasunod na tira pala ang ginawa ni Dumakulem.

"Dalawa!" Mabuti at naka ilag naman agad si Andres.

Pero ang hindi nito inaasan, itinapon din pala ni Dumakulem ang palakol nito.

"AHHHH!" Tinamaan sa kaliwang balikat si Andres at agad itong dumugo.

"Score! one zero!" Sigaw ni Dumakulem at itinaas ang kamay nito upang ipabalik ang kaniyang palakol.

"Ahh...h-hindi ko naramdaman..'y-yun ah!" Gulat na gulat na salita nito habang naka luhod ang isang tuhod sa lupa.

"ANDRES!" Sigaw ng mga tao.

"Kaya mo yan Andres, mag focus kalang sa mga bala ng pana at palakol niya!" Sigaw ko sakaniya habang nag-aalinlangan.

"Naka focus din naman ako H-Hesuwo!" Salita nito habang pinipilit niyang makatayo.

"Aba aba, may lakas ka parin na tumayo Andres, titiyakin ko, ang susunod na tatama ay mapapa balik kana ulit sa pinanggalingan mo!" Sigaw nito habang binubunit na naman ang bala ng pana sa likod nito.

"Hindi ako ganiyan kadaling kalaban Dumakulam!" Agad naman nitong tinutok ang Baril sa direksyon ni Dumakulem."Ricochet: Sentenial Bullet Storm!"

Pinaulanan ng bala ni Andres si Dumakulem pero mabilis lamang itong nakaka ilag, ibang klaseng kakayahan ang meron si Dimakulem, di mapagkakailang God of Hunting 'to, pero hindi ito panahon para humanga sa kakayahan niya! Kailangan 'kong imotivate si Andres!

"Mag ingat ka Andres, aatake na naman...HAAAAA?" Bago paman matapos ang mga sasabihin ko, nakita ko kaagad na nasa likod na ni Andres si Dumakulem at nakalipad na ito habang itinututok ang pana nito sa likod ni Andres"ANDRES! SA LIKO..."

Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko, naka tusok na ang pana sa likod ni Andres."ANDREEEEEEES!" Sigaw habang gulat na gulat.

Lusot na lusot ang pana sa likod nito, sa sobrang lakas, hindi na tumusok ang pana, lumusot talaga.

"HAAAHHH-AHHHH!" Sigaw ni Andres habang dahan dahan itong natutumba at unti-unting tumutulo ang dugo sa bibig at sa tama ng pana.

Sobrang bilis ni Dumakulem, katapusan na ba ito? Sana hindi pa Andres.

"ANDREEES!"
"Talo na naman 'to!"
"KAYA PA YAN ANDRES!"

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now