[ 19 ]

9 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Sa kay tagal ng pag-lalaban ng dalawa, mag-iisa oras na silang nag-babakbakan sa gitna, isang beses palang silang dalawa nagkatamaan.

"Hinding hindi ako susuko Bathala!"

"Mas lalo ako, Unborn Hero!"

"Ako ang makakatalo sayo Bathala!"

"Gawin mo, wag mong sabihin!" Sigaw ni Bathala at sabay nag-pakawal ng lefthook na sobrang lakas.

Pero agad namang nasangga ni Unborn Hero ang atakeng ito ni Bathala pero tumalsik ito sa kinatatayuan niya.

"Mahusay ka parin Unborn Hero, nakaka sabay ka sa mga atake ko!" Salita ni Bathala.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan Bathala, kaya kitang tapusin!" Wika ni Unborn Hero sabay umatake kay Bathala.

"HAAAAAAA! Hetong sayo! Lethal Counter!"

Nasangga naman kaagad ito ni Bathala at tumilapon din sa kinatatayuan nito.

"HAHAHA! Nakaka-hanga ang lakas mo Unborn Hero, pero kung sinasabi niyong may limit din ang kapangyarihan namin, pwes, mas mabilis ang limit sa inyo!" Salita nito.

"Tama na ang satsat! Sanggain mo na naman 'to Bathala!" Wika at sabay inatake na naman si Bathala.

Paulit ulit na naman ang nangyayari, sa kay tagal at sa paulit ulit nalang na nangyayari, nagiging boring ang laban, pantay lang ang lakas ng dalawa at walang gustong magpatalo.

"BOOOOO!"
"Kanina exciting niyo pang panoorin!"
"Ngayon napa paka boring na!"

Kahit 'yung mga Gods, naiinip na rin sa paulit ulit nalang na nangyayari.

"Huwag kalang sumuko Unborn Hero!" Sigaw ko.

"Kailan kaya yan matatapos?" Tanong ni Rizal.

"Aba, malay ko, pwede pa tayong magkape sa kay tagal ng laban nila." Wika ni Luna.

"Oh, tsaa, ng mabawasan pagka-mainitin ng ulo mo Luna." Wika ni Rizal habang nilalagyan ng. tsaa ang baso ni Luna.

"Ayan naman pala, merong baon, salamat salamat." Sagot naman ni Luna sabay kinuha ang may tsaang baso.

"Ayos din pala kapag magkasundo kayong dalawa ah, patuloy niyo lang 'yan." Sabi ko ng pabiro.

"Aba, punye...Normal naman na akong mainitin ang ulo diba?" Salitana naman nito na parang nagagalit.

"Oh, ayan kana naman, nagagalit kana naman, chill lang kasi." Salita ni Rizal habang hawak ang tasang may tsaa.

"Hindi parin ba natatapos ang bakbakan?" Tanong ni Luna.

"Hindi parin nagkakatamaan." Sagot ko naman kaagad sa kaniya.

"Kelan magkakatamaan 'yan?" Tanong ni Luna.

"Aba malay namin, di naman namin hawak yung future para malaman kung anong oras sila magkakatamaan." Sagot ni Rizal kay Luna.

"Putang...Pinapainit niyo ulo ko sa totoo lang!" Galit na galit na tono na naman nito.

"Nakakatawa ka Luna, sa tingin mo manghuhula kami?" Agad ko namang tanong sa kaniya.

"Barilan tayo dito oh ano?" Pag-hahamon ni Luna.

"Chill kasi, nakakatuwa ka namang kausap Luna, mag focus ka nalang kaya sa Laban." Salita ni Rizal.

"Baduy mo, napaka pikon mo masyado Luna, dapat malamig na tubig iniinom mo hindi tsaa."

2 hours later ~~

Mahigit dalawang oras na silang nag-susuntukan sa gitna ng Ring, pero wala paring sumusuko, patuloy pa rin silang hindi nag-kaka tamaan.

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now