[ 12 ]

9 3 0
                                    

Hesuwo's POV

Bago ang Laban~~

"Luna, kilala kita, hinding hindi ka makikinig sa mga payo sayo ng ibang tao, kapag hindi mensahe hindi mo rin ito paniniwalaan." Sumbat ko kay Luna.

"Hesuwo, wag mo akong sumbatan ng ganyan, alam ko ang ginagawa at gagawin ko." Agad namang sagot nito.

"Pero Luna..." Hindi pa ako nakatapos sa sasabihin ko, nagsalita na ito.

"Wag mong painitin ang ulo ko Hesuwo, mananalo ako, at yun lang ang masasabi ko!"

"LUNA! Hindi mo pa nalalaman ang kakayahan ng ibinigay ko na Revolver sayo! At ang bago mong Chapa!" Galit na galit kong salita sa kaniya.

"Hindi ko kailangan ng kahit anong kapangyarihan, alam ko kung paano paganahin ang mga 'to!"

"Ang tigas ng ulo mo Luna, gusto ko lang namang sabihin sayo na..."

"PUNYETA HESUWO!"

"Na ang bagong revolver mo, ay may tatlong bala na hindi nauubos ubos!" Hindi ako nagpatinag sa galit niya at itinuloy ko parin ang sinasabi ko.

"Sa nasabi ko na, Hindi ko kailangan malaman ang mga 'yan! Kakampi ko lang ang sarili ko Hesuwo, walang mapagkakatiwalaan sa mundong ito kahit 'nung unang panahon paman!" Galit na galit na wika niya at inihampas sa lamesa ang Revolver niya.

Hindi parin ako nadadala sa galit nito, at confident akong ipagpatuloy ang mga sasabihin ko."At ang chapa naman na iyan ay..."

"PUNYETA TALAGA HESUWO! SABING HINDI..." Itinaas nito ang boses niya pero hindi ko lang siya pinansin at itinuloy ang pagsasalita ko.

"Ay makakapag bigay ng proteksyon sayo!" Ako naman ang nag taas ng boses at tinapos ang gusto kong sabihin sa kaniya.

Hindi na siya umimik pa ng ilang segundo ng tinapos ko ang sinasabi ko.

"Maaaring wala kang mapagkatiwalaan dati at ngauon, pero isipin mo ding Guardian ako ng mga tao ng Pilipinas Luna!"

Hindi na siya nakasagot pa ng ako ang sumisigaw sa harap nito.

"Malapit na ang laban, alis na ako." Matamlay na wika nito habang isinusuot ang sumbrero nito at paalis ng silid."Huwag mong kalilimutan ang mga sinabi ko Luna, malaking tulong sayo lahat ng iyan!" Sigaw ko ulit sakaniya ng napatayo sa inuupuan ko.

"Hindi madaling matalo si Mayari Luna, makinig..."

"BLAAAM!"

Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko, isinara ng malakas ni Luna ang pintuan ng silid at lumikha ito ng malakas na tunog.

"Nakakainis ka Luna, kailangan ka ng mga tao, tsaka antigas ng ulo mo!" Inis na inis kong salita at itinapon sa pader ang hawak hawak kong notebook.

Sa Laban~~

"Y-yun ang...pinakamalakas na tira, na pwedeng makawasak ng isang lugar... pero nasangga lang ng isang tao?" Gulat na gulat na wika ni Mayari at hindi ito makapaniwala.

"Maganda pala ang dulot ng chapang 'to, salamat dito Hesuwo ah!" Sabay kaway nito at lingon sa direksyon ko.

"Mag focus ka Luna!" Agad ko namang sagot sa kaniya.

"A-Ano? S-si Mayari...Tignan niyo!"
"Anong nangyayari?"
"Eto na ang hinihintay ng lahat!"
"MAYARI! Durugin mo na yan!"

"Mukhang di tatalab ang normal na mga atake sayo, Luna, pwes, mag level up tayo."

"Ilabas mo na kaagat ang punyetang isang daang porsyentong lakas mo mayari, nakakatamad mag hintay kapag paisa isang nagbabago ang anyo mo." Pang iinis na salita ni Luna kay Mayari.

Ilalabas na rin ba ni Mayari ang...

"Eclipse Form!"

Sabi ko na, tama ang hinala ko, ito na yun!

"Mag ingat ka lalo Luna! Hindi na biro ang anyong ganyan ni mayari!" Pag aalinlangan kong sigaw kay Luna.

"Huwag kang mag-alala masyado Hesuwo, alam ko ang ginagawa ko!"

"Moonblessing: Blood Moon!" Nauna na namang umatake si Mayari.

Biglang naging pula ang ulap at biglang lumabas ang mapulang buwan.

"Tikman mo, kung gaano kasakit ang pinagdaanan ng napakaakit na buwang ito! HAAAAAAAAA!" Agad nitong inatake si Luna sa kinatatayuan nito.

"Lagot! AHHHHH!" Natamaan na naman si Luna, sa pagkakataong ito, mukhang hindi tumalab ang kapangyarihan ng chapa.

"N-napatam mo!" Wika ni Luna habang naka ngiti parin."Pero hindi uubra yan sa lakas kong taglay ngayon!"

Ikinasa nito ang Revolver sabay tutok sa direksyon ni Mayari.

"Hindi lang ikaw ang mayroong dugong atake! Elemental Revolver: Bloody Feiry!"

Isinunod sunod nang atake ni Luna ang Blood Feiry niya, habang pailag ilag lang ang ginagawa ni Mayari.

"Sumuko kana Luna! Moonblessing Eclipse: Thorned Rose!" Atake nito habang iniilagan ang atake ni Luna.

May biglang lumabas na mapulang tinik na sobrang laki sa kinatatayuan ni Luna at tinamaan na naman ito habang patalon sana.

"AHHHHH!" Pagsisisigaw nito habang tumilapon.

"HAHAHAHA, tanggapin niyo nang mga tao, na mas malakas at walang makakapantay sa lakas ng isang Panginoon!"

Duguan si Luna at hindi makagalaw, nalaman kaya ni Mayari kung paano kontrahin ang kapangyarihan ng chapa? Mukhang malabo, pero matalino din ang God na to.

"HAH,HAHAHAHAHA! AHAHAHAHAHAHHHHH! Napakahinang panginoon mo naman mayari." Nakuha pang tumawa ni Luna habang tumatayo.

"Alam kong lahat ng atake mo, ay konektado sa katawan mo, lalo na... ang Blood moon mong atake...kaya..." Confident na wika nito habang inaayos na naman ang sumbrero niya.

Ano ang balak mo Luna, may alas ka pa bang tinatago?

"Anong kahangalan ang sinasabi mo Luna! Wag kanang humirit pa, malapit na kitang...AHAHH-AHHH-AHHHHHHAAAAHHH!" Biglang nanlaki ang mata at napaluhod ng dahan dahan ai Mayari na tila ba may nararamdaman sa katawan.

"Hmmm, sabi ko na ngaba, tamang desisyon na... lagyan ng makapangyarihang granada ang mga inatake mo. Tama din ang nalaman ko na komektado lahat ng inaatake mo, sa sarili mo Mayari." Napangiti ito habang ikinakasa ang revolver niya.

"I-isa kang hangal! AHAHHHHAAH!" Wika nito habang niluluwa ang napakaraming dugo na lumalabas sa bibig niya.

Luna, ang talino mo sa part na yun. Saan mo natutunan na konektado siya sa lahat ng inaatake niya? Matanong kita pag nanalo ka.

"Tama ang Ekspektasyon ko sayo Mayari, na hindi mo mapipigilang gamitin kaagad ang huli mong anyo, kaya...KATAPUSAN MO NA!" Agad nitong ikinasa ang Revolver niya at itinutok muli kay Mayari.

"FINAL BULLET: BULLET OF FREEDOM!" Agad nitong hinatak ang trigger at sumabog sa direksyon na kinatatayuan ni Mayari.

"HINDEEEEEEEEEEEE!" Pagsisisigaw ni Mayari habang natutunaw sa atakeng ginawa ni Luna.

"BOOOOOOM!" Sumabog na naman ang gitna ng Arena sa ginawang huling atake ni Luna.

"SA...P-PAGKAKATAONG ITO! AT SA IKALAWANG SUNOD NA PANALO, SI HENERAL LUNA ANG NAG WAGI SA LABANG ITO, MAY HIMALA NA NAMANG NANGYARI!"

"LUNAAAAA! NAGAWA MO!"
"Hindi mokami binigo Luna!"
"Bayaning bayani ka nga talaga Luna."
"Bathala, ikaw na sumunod lumaban, kailngan kana!"

Magaling Luna, hindi mo ako binigo, kami ng mga tao, kahanga hanga ka.

"Good Job Luna, magpahinga kana sa Silid, nandun si Rizal naghihintay."

"Hmmm, salamat Hesuwo."

Sa pagkakataong ito, 3-3 na, hula ko hindi na sila mag-papatalo sa susunod na laban, tiyak ise-secure talaga nila ang panalo dito.

Bukas, malalaman na kung sino ang lalaban sa mga panginoong ito, titiyakin ko ding may palag ang lalaban sa susunod na lalaban sa mga God!

Battle Between Gods and HeroesWhere stories live. Discover now