33

359 18 4
                                    


A/N: Hello everyone, I’m open for criticism.
If you see any grammatical, punctuation, or typographical problems, please feel free to correct me. Your opinions are greatly valued. Enjoy reading!

•••

Masasabi bang tama ang desisyon ng isang tao kung ang desisyong pinili nito ay maghahatid lamang ng kirot at bumuo ng sugat sa kaniyang puso?

Hindi mabatid ni Kharryl kung tama o mali ba ang kaniyang pinili. Tama naman sigurong pinili niya ang paglayo para hindi na ulit siya makagulo, ang mali lang ay ang masaktan siya sa sarili niyang desisyon.

Wala siyang maramdamang pagsisisi sa pinili niya dahil iyon naman ang nakikita niyang tamang gawin para maayos ang sitwasyong ginulo niya.

Masakit man sa loob niyang lumayo nang hindi nakakapagpaalam sa mga panauhing nakasama niya ay wala siyang magawa dahil hindi niya rin naman inaasahan ang mga sinabi ni Laeioun noong nasa hospital pa lamang siya.

Hindi siya hinayaang magtagal roon ni Laeioun, pagkalabas niya ng pagamutan ay pinatuloy siya nito sa isang bahay na pag aari nito. Medyo malayo ito sa siyudad, inabot pa sila ng ilang oras ni Laeioun sa byahe dahil sa masikot at mabatong daan.

Katabi ng isang clinic ang dalawang palapag ng bahay na tinutuluyan niya ngayon, wala masyadong kagamitan dahil hindi rin naman nanatili rito si Laeioun ngunit malinis naman ang loob, kumikintab pa nga ang mga sahig at ilang kagamitan na ani mo’y hindi man lang dinadapuan ng mga alikabok.

May laman na rin ang dalawang refrigerator dahil huminto muna sila ni Laeioun sa isang supermarket bago siya dinala rito. Hindi rin naman nagtagal ang lalaki, umalis ito pagkatapos ayusin ang mga pinamili at siguraduhin ang siguridad niya sa kaniyang pananatili rito.

Kasalukuyan siyang naglalakad-lakad sa labas nang mahagip ng paningin niya ang  isang babaeng may suot na puting laboratory coat. Isang tingin pa lang ay alam niyang doctor ito at sa tingin niya ay mas matanda ito sa kaniya ng ilang taon.

Binigyan niya ito ng isang matamis na ngiti at gano’n rin ang ibinalik nito sa kaniya kasabay ng kaniyang pagbati.

“Magandang umaga!” masiglang bati nito sa kaniya.

“Magandang umaga rin, Doctora.” bati niya pabalik.

Hinalungkat ng babae ang susi nito pagkatapat nito sa pintuan ng clinic. Narinig niya ang pagkalansingan ng mga metal na susi nang mahanap iyon ng Doctora at ilabas sa dalang bag para buksan ang clinic.

“Mukhang bagong salta ka lamang rito sa lugar, ano ang iyong pangalan?” Tanong ng Doctora pagkatapos siyang imbitahang pumasok sa maliit nitong clinic.

“Kharryl Estorninos po, Doctora.” Nakangiti niyang tugon.

“Kharryl,” nakangiting pag ulit nito sa kaniyang pangalan. “Napakagandang pangalan katulad ng kagandahang nakikita ko sa iyong mukha.” papuri nitong nagpainit sa mukha ni Kharryl.

“Naku, Doctora. Baka lumaki po ang ulo ko kapag ipinagpatuloy mo ‘yan.” tugon niya na nagpatawa naman rito.

Napansin niyang malinis ang loob ng maliit na pagamutan, “Bago lang rin po ba natapos ang pagamutang ito?” hindi niya mapigilan ang pagtanong.

Surrogate Mother (ON HIATUS) Where stories live. Discover now