35

365 17 5
                                    

A|N: Hello everyone, I'm open for criticism.
If you see any grammatical, punctuation, or typographical errors, feel free to correct me. Your corrections are greatly valued. Enjoy reading!

•••

Linggo ngayon at sarado ang clinic kaya nanatili lang sa loob ng bahay si Kharryl. Naglinis siya ng kaunti at nagtanim ng mga halamang ibinigay ni Doctora Kouwen.

Nang maramdaman ang pawis ay napagpasyahan ni Kharryl na bumalik na lang muna sa loob ng bahay para uminom ng tubig at makapagpahinga pagkatapos ng kaniyang ginawa.

Sa kaniyang pagliko papasok sana sa loob ng bahay ay napansin ni Kharryl ang isang sasakyan na nakahinto sa tapat ng gate. Tinted ang bintana ng kotse kaya hindi niya makita ang nasa loob.

Hinayaan na lamang niya ito at pumasok na sa loob. Ikinagulat niya ang presensya ni Laeioun na ilang linggo niya ring hindi nakita. Komportable itong nakaupo sa sofa ngunit napatayo rin nang maramdaman ang presensya niya.

Mabilis namang naglumikot ang mata niya at bumilis ang pagtibok ng puso habang hinaharap si Kouvoh. Isinama ba ito ni Laeioun?

"Don't worry, he's not around. If that's what you wanted to hear." Laeioun said. Noticing her alarmed reaction.

Nakahinga naman ng maluwag si Kharryl, hindi pa siya handang makita ito at alam niya ring Malabo ng masilayan niya pa muli ang lalaking iniibig.

Tipid na ngumiti sa kaniya si Laeioun at ikinumpas ang kamay sa direksyon ng isa pang couch na kaharap nito. Pinunasan muna niya ang pawis habang naglalakad at marahang na upo sa couch na kaharap ni Laeioun. Muli rin itong naupo at nanahimik muna habang hinihintay siyang matapos sa ginagawang pagpunas ng pawis sa likod at mukha.

"How's your stay?" Laeioun asked.

Bahagyan siyang napangiti, "maayos naman po, salamat sa 'yo." she replied.

"Aren't you having a hard time living here alone?" He asked again.

Umiling siya, "mapayapa at napakaganda ng lugar na ito. Isa pa, kasama ko rin ang anak niyo rito kaya hindi ako nag iisa." Kharryl blabbered.

Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Laeioun habang tumatango.

"Ano po pala ang sinadya mo rito?" Kharryl asked. Alam niyang hindi naman pupunta ang lalaki rito para lang kamustahin ang kalagayan niya at tanongin kung nasiyahan ba siya sa kaniyang pananatili rito.

Ikinumpas nito ang kamay sa isang tabi at itinuro ang isa pang couch, nakapatong doon ang dalawang medyo may kalakihang travel handbag at isang notebook na nakapatong sa ibabaw ng mga ito.

"In those bags are some of your stuff, including your dresses and undergarments. Tomorrow, I will send two of my men to guarantee your safety while I assigned Nurse Nova to be your personal nurse until you gave birth."

"Hindi ko naman kailangan ng mga 'yun, kaya ko namang mag isa." Depensa ni Kharryl.

"You are living under my roof, you and the baby are my responsibility." Laeioun stated.

Napatango na lang siya dahil mukhang hindi na niya mapipigilan ang kaharap.
"Para saan naman ang kwadernong nakapatong sa ibabaw ng mga bag?"

Surrogate Mother (ON HIATUS) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora