00

1.4K 84 20
                                    

Prologue

Sa bawat desisyon na ginagawa natin, palaging may isang rason na nagtutulak sa atin na gawin iyon. Hindi naman pwede na basta basta na lang natin gagawin ang isang bagay dahil ang kalalabasan nito ay ang pagsisisi. Ngunit minsan, kahit pinag isipan natin nang mabuti ang isang desisyon, sa huli, pinagsisihan pa 'rin natin.

I find myself being in that position. Regretting—hoping, maybe I could go back in time to the happier moments of my life. Ngunit wala naman na magagawa ang patuloy na pag sisi. Kahit anong gawin ko, hindi na 'yon maibabalik. Tanging isang memorya na lang ito na aalalahin.

Sa bawat sandali na naririto ako sa lugar na ito, ang lugar kung saan nagpasya ako na manatili, hindi ko mapigilan ang mag sisi. Ngunit sa lagay kong ito, mukhang ito na nga ang aking bagong buhay. Baka ito na nga ang buhay na para sa'kin.

Baka dito na lang ako.

Hangang dito na lang talaga ako.

Sa syudad kung saan maraming masasama.

Sa lugar kung saan mag isa lang ako.

Higit sa lahat, mamuhay ng malayo sa kaniya

"Jaja, pahiram naman ng curler, oh. Nakalimutan ko 'yong akin."

Napatingin ako sa direksyon ng aking kabigan na si Bella. Tulad ko, nag aayos 'rin siya para mamaya. Kinuha ko ang eyelash curler mula sa drawer at binigay ito sa babae bago muling bumaling sa salamin.

Puno ng kolorete ang mukha ko, ang natural na wavy kong buhok ay nakalugay ngayon at kulot na kulot. Pula ang labi at ang mga mata'y malayo sa mga matang nakikita niya noon.

Hangang ngayon naninibago pa 'rin ako sa mukha ko tuwing nakikita ko ang sarili sa salamin. Mula sa batang mahinhin at inosente, sa babaeng halos mag iba na ang mukha dahil sa make up.

"Narinig ko kay Gina madamidami raw ang customer mamaya. Big time pa," kwento ni Bella habang nagm-make up kami.

Marahan akong napalamon ako sa narinig.

Big time.

Sa tuwing naririnig ko 'yan tanging ang kagustuhan na malapitan at maranasan ang buhay na ganoon ang nararamdaman ko. Buhay na walang kahirap hirap. Buhay na hindi kailangan mag sakripisyo upang maabot ang pangarap. Isang buhay na hindi na kailangan na kumapit sa patalim upang makakain.

Napalingalinga ako sa paligid. Gaya ko, nag aayos na 'rin ang mga kasamahan ko sa loob ng maliit na kwarto sa club. Tulad ko, gusto 'rin nila makaalis sa buhay na meron kami ngayon. Kung kailangan gawin ang isang bagay para magkapera, gagawin namin.

"Marami ang nag palista ngayon sa'kin kaya baka 'di ako makakasabay sa'yo pag uwi, Ja," patuloy nito.

"Ok lang. Kaya ko naman umuwi mag isa. Sasabay na lang ako kina Ate Carly." I smiled to assure her. Ngunit nawala ang ngiti ko nang may matanto.

"Ikaw? Pano ka uuwi?"

"Wag ka ng mag alala, Jaja," maikli siyang tumawa. "Kaya ko na, maglalakad na lang ako."

"Bella," nag aalala kong sabi. "Baka may umabang na naman sa'yo na—" hindi natapos ang aking sasabihin dahil sa malakas na pag bukas ng pinto ng kwarto.

"Girls! Show time na!"

I turned to Bella worriedly. Hindi niya na ako muling tiningnan pa. Isinuot nito ang kanyang hoop earings at nauna na sa'kin mag lakad.

Napalamon ako at hinayaan na lang siya sa kaniyang kagustuhan kahit na sa loob loob ko ay gusto siyang pigilan.

Pinanood ko ang aking mga kasamahan na lumalakad palabas ng kwarto, ang mga takong ng sapatos ay gumagawa ng ingay sa bawat tapak nila sa sahig. Napatingin ako sa sarili sa salamin at marahan na napabuntong hininga sa nakita.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now