13

563 43 0
                                    

Chapter 13

Apat na buwan na mula nang bumalik si Papa sa aming buhay. Mag mula noon, hindi na kami natahimik.

"Itlog na naman? Wala ka na bang ibang alam na lutuin, Jaja?"

Napalamon ako dahil sa sinabi ni Papa. Bumaling ako sa linuto kong agahan sa lamesa. Itlog, sinangag, at bagong timplang kape ang nasa hapag.

"Namamalengke pa po sina Mama," tipid kong sagot.

"Kanina pa silang alas sinco, ah?" Tiningnan ni Papa ang orasan sa pader at napasimangot. "Alas sais na."

"Mamayang hapunan po, Papa. Magluluto kami ni Mama ng paborito niyong adobo," I tried assuring him with a smile.

Napa-'tsk' si Papa. "H'wag na. Aalis na ako."

Akmang sasalita sana ako ngunit tumayo na si Papa at diretsong umalis ng bahay nang walang sabi sabi.

Napabuntong hininga na lang ako at mag isang kumain. Hindi ko na lang inisip pa ang nangyari. Siguro nasanay na lang ako na ganito kami.

Maya maya'y dumating na sina Ate Rose at Mama mula sa palengke. Tinanong pa nila kung nasaan na si Papa. Tanging sagot ko lang ay umalis na lang siya nang bigla bigla.

Tulad ko, hindi na rin sila nagulat. Hindi ko na inisip muli si Papa at ginugol ang sarili sa paglilinis kasama si Ate Rose at Mama. Wala naman akong planong lumabas kung kaya't dito ko na lang itinuon ang aking atensyon.

Hindi uuwi si Anie para sa pasko dahil pupunta sila sa US, ganoon rin ang magkapatid na Hidalgo. Si Julio naman ay pupuntang Maynila para sa pasko at sa Italy naman para sa bagong taon. Huli kong labas ay noong kasama ko si Hera at Weng noong nanood kami ng tugtugan ng nakakatandang kapatid ni Weng at mga kaibigan niya sa bahay nila.

Wala si Ate Ela dahil nasa Maynila pa siya ngayon, nag aaral ng nursing. Hindi siya uuwi para sa pasko ngunit pupunta naman kami sa Maynila para bisitahin siya at si Tita Nina para sa bagong taon. This fact made me more eager to finish my tasks so I could wait for the day to end.

Konti na lang.

Habang inaayos ang pagkakalagay ng mga libro sa estante, may nakita ako na maliit na plastic na nakaipit sa pinakagilid nito. Napakunot ang aking noo at linabas ito. Mas lalong kumunot ang aking noo nang makita na mukhang pulbos.

"Jaja, tumatawag si Anie sa cellphone mo," sabi ni Mama mula sa kusina.

Muli kong tiningnan ang plastic at binalik ito kung saan ko ito kinuha. Bumaba ako mula sa stool na tinatayuan ko at kinuha ang cellphone ko na nasa lamesa.

Anie is calling. Saad nito. Pinindot ko ang green call button sa keypad at linagay ang telepono sa tenga.

"Anie?"

"Jaja! Hi."

Napangiti ako nang marinig ang masayang boses ni Anie.

"I have something to tell you." Anie squealed. "But you should be quiet, ok? And be away from everyone!"

Natawa ako sa kakaibang request ni Anie ngunit sumunod na lang. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa porch. Napangiti ako nang makita na muling namumulaklak ang gumamela na tanim sa harap ng bahay.

"Nasa labas na ako. Ano ba sasabihin mo?"

Anie squealed in glee again. "Ok, so..."

"So?" I said in a sing-song voice.

"Gregory and I have been together for a while, right? Seven months to be exact and..." Anie paused and heaved a deep breath. "We had sex yesterday."

Namilog ang aking mga mata. "You had..." Napatingin ako sa paligid upang masiguro na walang makakarinig. "Se...." I couldn't even say the word.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now