01

1K 74 37
                                    

Chapter 01

Normal sa ating buhay ang dumanas ng trahedya o kahirapan sa buhay at sa oras na malagpasan natin ito ay nagiging mas matatag tayo. Ngunit para sa iba, ang trahedya ay hindi na bago dahil paulit-ulit na lang itong nangyayari.

"Iinom ka na naman ba, Arvin?"

Napasulyap ako sa nakakatanda kong kapatid na si Ate Ela sa tanong ni Mama sa aming ama. Dumilim ang kanyang ekspresyon ngunit nanahimik na lang at hindi na nag salita kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

"Hindi ako iinom, lalabas lang ako. Baka gabi na 'rin ako makauwi," ani Papa, ang boses puno ng iritasyon.

"Arvin naman." bumuntong hininga si Mama sabay na padarag na linagay ang kaniyang tasa sa ibabaw ng lamesa. "Sasabong ka na naman ba? Akala ko ba—"

Nanlaki ang aking mga mata nang ihampas bigla ni Papa ang kaniyang kamay sa lamesa. Napaayos ako ng upo at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Manahimik ka, Cara," singhal ni Papa at padabog na nag lakad palabas.

Kitang kita ko ang galit sa mga mata ni Mama, ngunit tulad ng dati, nanahimik na lang siya. Humarap si Mama sa aking direksyon sabay buntong hininga. Lumambot ang kaniyang ekspresyon at pilit na ngumiti.

"Nasa bag niyo na ang baon niyo. Umuwi kayo ng maaga. Jaja, sabay na tayong uuwi," paalala ni Mama sa'min.

Tumango na lang ako. Guro si Mama sa paaralan na inaaralan ko. Madalas sabay na kaming umuuwi, lalo't nagpra-practice ako ngayon para sa nalalapit na graduation namin.

"Ikaw, Rose? Hindi ba't may project ka na kailangan bayaran?" tanong ni Mama sa kapatid ko.

Kita ko ang nangininig na kamay ni Ate Rose na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Tulad ko, gulantang pa 'rin siya dahil sa pangyayari kanina.

"Ok na po 'yon, Mama," ani Ate Belle sabay ngiti.

Tumango si Mama at bumaling kay Ate Ela, ang panganay sa amin na magkakapatid.

"Ikaw, Ela? Anong oras ka uuwi mamaya?"

Napaayos si Ate Ela ng upo dahil sa tanong ni Mama. Nagkatinginan kami ni Ate Belle at nanatili na lang na tahimik.

"Baka po alas sinco... o alas sais."

"Alas sais?" taas kilay na tanong ni Mama. "Hindi ba't masyadong gabi na 'yon?"

"May practice po kasi kami sa graduation, Ma. Tapos birthday po ni Layla."

Napainom ako sa baso ng tubig at pilit na iniiwas ang tingin kay Ate Ela. Sa huli, pumayag na 'rin naman si Mama at sabay na kaming tumungo sa paaralan habang si Ate Ela naman at Ate Belle ay nagsipunta na 'rin sa high school kung saan sila nag aaral.

Grade six na ako habang si ate Ela ay fourth year high school. Parehas na kaming graduating student habang si Ate Belle naman ay second year high school. Sa oras na nasa high school na 'rin ako ay nasa kolehiyo na si Ate Ela at si Ate Belle na lang ang maabutan ko.

Matagal ko ng gustong maranasan kung ano nga ba ang 'high school'. Madalas kong makita ang mga kapatid ko na kasama ang mga kaibigan nila na gumagawa ng mga group works, nag hahanda sa mga competition at programa. Napapatanong 'rin ako kung ano ang magiging buhay ko kapag grumaduate na ako. Marami ba akong magiging kaibigan? Ano kayang club ang sasalihan ko? Mararanasan ko ba ang magkaroon ng high school love story tulad ng nakikita ko sa TV?

Nang init ang aking mukha sa sariling iniisip. I never liked anyone, unlike my best friend who has been crushing over the same guy since... forever! The thought of being with someone once I'm in high school makes me... excited? Irked?

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now