08

611 60 12
                                    

Chapter 08

People can bring joy to your life, even the people who paint black in your pastel painting, and no matter how painful their brushstrokes feel as they paint you venom, you still end up letting them color you with their bitter wrath.

"Putangina ka! Nasaan ang pera ko?!"

Napahagulhol ako habang patuloy na sinasabunutan ni Papa ang aking buhok. Hindi ko alam kung anong pera ba ang hinahanap niya o kung nasaan ito ngunit sa'kin niya pa 'rin ibinibintang ang pagkawala nito.

"Sumagot ka!" hinigpitan ni Papa ang kaniwang hawak sa aking buhok.

Mariin akong napapikit dahil sa sakit na dala ng kaniyang hawak. Binukas ko ang aking mga mata, umaasang sana'y makita ang ina o ang aking mga kapatid. Ngunit sa masakit na kapalaran, wala sila at naririto ako—mag isa.

Nagsisisi akong hindi ako sumama kina Mama sa mall para bumili ng regalo para kay Julio. Sana sumama na lang ako sa kanila. Sana hindi na lang pumasok sa aking isipan na mag luto ng meryenda para kay Papa. Sana wala na lang ako dito para tanggapin ang galit ni Papa.

Hindi ko inakala na darating si Papa sa bahay na may isang maliit na ngiti sa labi. Masaya na sana ako dahil at least, hindi galit si Papa sa araw na ito. At least, may araw mula ng bumalik na naman si Papa na hindi siya nananakit. Ngunit nang lumabas si Papa sa kwarto nila ni Mama matapos mag bihis ng pang bahay, doon nag bago ang timpla ng kaniyang emosyon.

"Hindi ka sasagot? Ha?! Jasmine?!"

Marahan akong binitawan ni Papa. Napaupo ako sa sahig at napahagulhol. Itinupi ko ang aking katawan at yinakap ang mga tuhod, umaasang sana si Mama ang yumayakap sa'kin.

"Mga hayop kayo! Kinuha niyo pera ko!" sigaw ni Papa.

Napaigtad ako nang buhatin ni Papa ang upuan sa hapag kainan at tinapon ito patungo sa dingding. Malakas na tumunog ang sumunod dito kasabay ng pag bukas ng pinto.

Namilog ang mukha ni Ate Rose nang makita niya ako sa sahig at umiiyak. May hawak hawak si Ate Rose na bayong at mga plastic na naglalaman ng pinamili niya.

"Rose, ilagay mo na ang—" tumigil si Ate Ela sa kaniyang pag sasalita. Binaba niya ang dala dala niyang paper bag sa sahig at nilapitan ako, ang kaniyang mukha'y nag aalala ngunit may bahid na galit sa kaniyang mga mata.

"P-Papa, anong ginawa mo?" nanginginig na tugon ni Ate Rose.

"Nag linis ang hayop na 'yan sa kwarto, 'di ba?!" sigaw ni Papa.

"O-Opo," agad na sagot ni Ate Rose.

"Kinuha niya pera ko! Linagay ko 'yon sa loob ng drawer ko!" Lumapit si Papa sa aking direksyon at muling sinabunutan ang aking buhok.

"P-Papa!" iyak ko.

"Papa! Tumigil ka!" pagpipigil ni Ate Ela kay Papa ngunit hindi nagpatinag si Papa.

Hinigpitan pa ni Papa ang aking buhok at padarag akong binuhat. Tumilapon ako sa sofa. Tumama ang aking mukha sa malambot na throw pillow ngunit hindi umalma ang sakit na nararamdaman ng aking katawan mula sa pangsasakit na ginawa ni Papa.

"M-Mama! Mama, si Papa!" rinig kong sigaw ni Ate Rose.

"Hayop ka, Arvin! Anong ginawa mo kay, Jaja!?"

Hindi ko na inalintana kung ano ang nangyayari sa likod ko. Gusto ko na lang matulog at kalimutan ang nangyari ngayon. Sana tumigil na lang ang oras o kung hindi man titigil ang oras, sana mapunta na lang ako sa masasayang parte ng aking buhay.

Sana... Sana dumating na ang araw kung saan wala na akong mararamdaman na kahit anong sakit.

"Ok ka lang?"

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now