11

601 53 0
                                    

Chapter 11

Malakas ang kabog ng puso ko habang pinapakinggan ang mga magulang na nag aaway sa labas ng kwarto. Wala ngayon si Ate Rose dahil tumungo siya sa Gabaldon kasama ang mga kaibigan kung kaya't naiwan ako dito sa loob, mag isa.

"Hindi pa ba sapat sa'yo na umalis na si Ela, ha?! Kung ano anong kagaguhan ang ginagawa mo, Arvin! Akala mo ba hindi ko malalaman ang pangbababae mo?!" patuloy na pag sigaw ni Mama.

Sumiksik ako sa gilid ng higaan sa baba ng double-deck bed kung saan natutulog noon si Ate Ela. Malalim ang aking pag hinga at hindi mapirmi ang mga kamay kong nanginginig dahil sa mga naririnig.

Muli na naman na bumalik si Papa, at sa tuwing nangyayari ito laging gulo ang dulot nito. Gustuhin ko man na maging masaya sa tuwing naririyan si Papa ngunit ang tanging bagay na alam niyang gawin ay ang magdulot ng walang katapusang sakit na humahantong sa akin sa sarili kong pagdurusa—sa pagdurusa namin ni Mama, Ate Rose... at Ate Ela.

Gusto kong sumigaw. Gusto kong lumabas ng kwarto at sabihan si Papa na tumigil na. Na tigilan niya na ang pananakit kay Mama, ang pananakit sa'min... Gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ako nasasaktan dahil sa ginagawa niya. Ngunit sa huli, hindi ko kaya.

I always hoped for my father to suddenly change because he realized he was wrong, and his love for us would prevail. But as each day pass, he proves me wrong every single time he comes back from wherever he is from.

Minsan, napapatanong rin ako kung saan ba pumupunta si Papa. But I know better than asking. Other than it will just start another argument, I know my mother never wants to know the answer.

All of a sudden, she knows and I don't think either of us liked the answer to it.

My mom has always been patient with my father's troubles. Noon, hindi niya naman pinapatulan si Papa kahit anong pananakit na ginagawa niya ngunit nang saktan niya si Ate Rose, doon na nag simula ang pagbabalik ni Mama sa ginagawa sa amin ni Papa, ngunit kahit na ganoon sa huli, si Mama pa rin ang naghihirap.

"A-Arvin, tama na... Tama na!"

I bit my lower lip to stop myself from creating any noise. I folded my knees and hugged myself as I buried my head down, trying—hoping to not hear any more of my mother's begging, and my father's ruthless infliction on my mother.

"Ano, mag sasalita ka pa? Ha?!" my father thundered from outside my room.

"H-Hindi n-na," my mother's voice fainted, but it was enough for me to hear.

I heard a loud thump sound followed by a groan, and I already knew who it was from.

Napaigtad ako nang kumalabog ang pinto at marahan na sumara. Binalot ng namimighating katahimikan ang aming bahay ngunit sa oras na 'yon, alam kong panandalian ng nagkaroon ng kapayaapan ang aming buhay.

Sa huli, kahit anong pakita ni Mama ng lakas, tumitiklop pa rin siya sa oras na mag salita ang aking ama.

Mula sa loob ng kwarto naririnig ko ang paghihikbi ni Mama. At sa kada segundo na lumilipas tila ba sinasaksak ang puso ko nang paulit ulit. Walang ibang mas masakit sa makita ang mahal mo sa buhay na nasasaktan.

Halos isang buwan na mula nang sabihin ko kay Julio na mag papahinga muna ako mula sa lahat ng nangyayari. Ginugol ko ang sarili sa pagbabasa dahil 'yon lang naman bukod sa simpleng pagpipinta at pagbuburda ang alam ko. For the first time in a while, I felt in peace with that.

Until today.

I still struggled with my own mere existence, and how to live each day, but with the solace my mother and sister made me feel, I felt better... until one day, my mother became unusually silent—a word I never associated with my mother.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now