04

675 66 4
                                    

Chapter 04

Hindi ko pa rin malimutlimutan ang inakusa sa'kin ni Papa. Hindi pa rin mawalawala sa isip ko ang paraan ng kaniyang pag titig sa'kin tila ba isa akong maduming babae. Lahat ng 'yon ay nakatatak sa puso't isipan ko kahit nag daan na ang isang buwan matapos niyang sabihin 'yon.

Hindi ko lubos maisip na masasabi 'yon ni Papa sa'kin. Bata pa lang ako, marahil malaki na talaga ang pandidiri ni Papa sa mga babaeng ganoon. Madumi, kaladkarin, at malandi. At maisip lang na ganoon ang tingin ni Papa sa'kin ay tila ba pinipiga ang aking puso dahil sa sakit.

"Narinig mo ba? Buntis daw ang anak ni Gloria," nag aalalang sambit ni Mama. Matalik niyang kaibigan si Tita Gloria—ang kanyang kaibigan mula elementary. Narinig ni Mama ang kwentong 'yon mula sa aming mga kapit bahay na mukhang pinaguusapan ito.

Napasulyap ako kay Ate Ela na nasa tabi ko sa hapag kainan. Alam kong kaibigan niya ang anak ni Tita Gloria na si Ate Laura. Base sa mukha ni Ate Ela na hindi makatingin sa'kin, mukhang totoo ito.

"E, malandi naman talaga ang batang 'yon. Gulat ka pa? Napakaikli ng shorts na suot suot. Halos ipakita na ang kaluluwa sa lahat," ani Papa sabay inom sa kaniyang kape.

"Arvin, 'wag mo naman sabihin 'yan..." Saway ni Mama sabay upo sa tabi ko.

Napailing lang si Papa at nanatiling tahimik na lang ngunit base sa kaniyang mukha, mukhang marami pa siyang gustong sabihin.

Ngumuso na lang ako at uminom ng mainit na milo na tinimpla ni Mama para sa'kin. Napasulyap ako sa aking plato nang makita na linagyan pa ito ni Mama ng kanin. Nginitian ko na lang si Mama at pinagpatuloy ang pag kain.

"Kain ka lang, anak, ha? Hindi ka kumain kagabi," puna ni Mama.

"Nabusog po kasi ako sa kinain ko kahapon." I grinned at Mama.

"Bakit? Kasi pinakain ka ng anak ni Alejandro Farinas?"

Nawala ang ngiti sa aking labi nang banggitin muli ni Papa ang pangalan ng matalik na kaibigan ni Mama. Alam ko na ang kaniyang iniisip.

Mula nang umuwi ako noong araw na 'yon hindi na nawala sa bibig ni Papa ang pangalan ni Julio at Tito Ali. Hindi ko alam kung bakit ngunit may masamang konotasyon lagi sa tuwing sinasabi niya ito. Kada araw na umuuwi ako mula sa mga napuntahan kong lugar kasama si Julio, Toni at Rad, ganito lagi ang kaniyang reaksiyon.

"Oo. Bakit, may masama ba?" Tinaasan ni Mama ng kilay si Papa habang linalagyan ng tubig ang baso ni Ate Belle.

"Oo, may masama doon, Carmina. Bakit mo ba pinapasama lagi ang anak natin sa anak ng lalaking 'yon? Kabatabata pa—"

"Mag kaibigan lang naman kasi sila, Arvin. Ano ba ang mali doon? Ano ba 'yang iniisip mo, ha?" Hindi pinatapos ni Mama si Papa. Naaninag ko ang iritasyon sa boses ni Mama ngunit nanatili siyang kalmado.

"Syempre, may mali doon. Malay ba natin kung anong ginagawa ng dalawang 'yan," ani Papa, ang kaniyang mga mata ay matalim na nakatingin sa'kin.

"Anong 'ginagawa' ba ang iniisip mo? Bata pa ang dalawa. Hayaan mo na. Mabuti nga nakikipagkaibigan na ngayon si Jaja."

"Kahit pa. Gusto mo ba na magaya 'yan sa anak ni Gloria? Nabuntis na dahil sa kakatihan niya," hindi nagpatinag si Papa.

Nararamdaman ko na ang pag-aalab ng panibagong away. Buong akala ko'y mananahimik na lang si Mama ngunit hindi ko inasahan ang sunod niyang gagawin... o sasabihin.

"Alam mo, Arvin, imbes na pagtuonan mo ng pansin ang kaibigan ni Jaja mag trabaho ka kaya? Puro na lang inom, sabong, at sigarilyo ang ginagawa mo. Wala ka ng ginawang tama. Pabigat ka lang dito."

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now