03

761 71 5
                                    

Chapter 03

"I am lonely, sometimes, but I dare say it's good for me." A quote said by Josephine March, a character from one of the books I recently read entitled 'Little Women'.

I couldn't help but also say the same. Kokonti lang ang aking kaibigan. Higit sa lahat, hindi ako marunong makipagkaibigan. Nasanay na ako na sinusundan lang si Anie kung saan saan kasama ang iba ko pang kaibigan na si Hera at Alice.

Madalas sila ang kumakausap sa mga nakakasalamuha namin at sa tuwing naririyan ako sinasama nila ako sa usapan. Ngunit sa araw na wala sila, tila ba isa akong kaluluwa na palakad lakad sa mundong hindi ko kinabibilangan.

"Saan ba kayo pupunta ni Arsi?"

Napangiwi ako dahil sa kaniyang pag banggit sa palayaw ni Julio ngunit agad na binalik ang normal na ekspresyon bago napasulyap sa kinabibilangan ni Ate Rose na nakasandal sa likod ng lumang washing machine, ang baba ng kaniyang damit ay basa dahil sa paglalaba. Napaarko ang kilay ni Ate Ela nang mapansin ang pag tagal ng aking titig.

Napabuntong hininga ako. "Sa Vista Valle."

"Sosyal." Ate Belle smirked. "Kayo lang?"

"Ata..." I answered reluctantly. Hindi pa ako nakapagtanong kay Julio.

Matapos ang birthday ng matalik kong kaibigan, sinabihan ako ni Julio na magkikita daw kami upang ipahiram sa'kin ang kaniyang libro ngunit ilang araw na ang lumipas at wala pa 'rin siya. Inisip ko na baka ayaw niya lang ako pahiramin ngunit nag mag padala ang kaniyang ama ng mensahe kay Mama na pupunta daw kami ni Julio sa Vista Valle sa araw na ito naisip ko na baka naging busy lang siya.

Pinagiisipan ko pa kung sasama ba talaga ako. Hindi ko naman gaanong kilala ang lalaki at nag aalala ako na baka ma-weirdohan lang siya sa'kin o kaya naman baka wala naman akong masabi.

"Kayo, ah..." Puno ng malisya na sabi ni Ate Belle.

Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng kaniyang pagkakasabi tila ba may ibig sabihin ang pag aaya ni Julio sa'kin.

Akmang may sasabihin ako nang bumukas ang pinto ng likod ng bahay. Iniluwal nito si Ate Ela na dala dala ang iba pang damit na lalabhan. Ang itim niyang buhok ay nakatali sa isang bun, ang ilang hibla ng kaniyang buhok ay tumatakip sa kayumanggi niyang mga mata. Base sa kaniyang nakabusangot na mukha, masasabi ko na pwedeng bad trip na naman ang kapatid ko.

Napansin ni Ate Ela ang aking titig kung kaya't tumaas ang kaniyang kilay sa'kin. Binigyan ko na lang siya ng maliit na ngiti. Hindi niya na lang ako inalintala at napatingin sa direksyon ni Ate Rosena malaki ang ngisi sa labi.

"Kung ano ano na naman ang sinasabi mo, Rosetta," seryosong sambit ni Ate Ela.

Maikling tumawa si Ate Rose. "Ito naman, Ate, joke lang."

"Labhan mo na 'to," pagbabalewala ni Ate Ela sa sinabi ni Ate Rose.

Agad naman na sinunod ni Ate Belle ang sinabi ni Ate Ela. Hindi na nag tagal si Ate Ela at umalis na 'rin. Sumulyap ako kay Rose Belle ngunit napailing nang bigyan niya lang ako ng mahulugan na ngiti. Imbes na mag tagal pa doon, umalis na lang ako.

Tatlo kaming magkakapatid. Si Adela Isabelle, Rosetta Grace, at ako; Jasmine Marie. Magkakamukha naman kami ngunit ang ugali namin ay ibang iba. Sa aming tatlo, halata na kung sino ang seryoso at tahimik na nagmamasid. Ang kabaliktaran naman ay si Ate Rose na kung hindi nakikipagchismisan, nakikinig naman si chismisan. At ang nasa gitna; ako.

Tahimik ako ngunit sa tuwing kasama ko ang aking mga kaibigan, malakas ang aking tawa at hindi mapirmi ang bibig sa daming ng kwento. Sa tuwing wala ang aking mga kaibigan, tila ba nasa loob ako ng simbahan na may dala dalang rosaryong na pilit inaalala kung ano ang sunod na mysteryo. Dahil dito, hindi ako ang unang taong nilalapitan sa tuwing mayroong aktibidad na kinakailangan ng partner, at hindi ko naramdaman na kinakailangan kong mag abala... hanggang sa umalis na si Anie.

Dulce SecretumWhere stories live. Discover now