Chapter 3 (slight spg)

17.4K 341 7
                                    

Continue...

Agad ko namang kinalkal ang laman nang paper bag na bigay ng lalaking iyon. Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang pangalan. Pero hindi ko naman gustong alamin ang pangalan niya. Paki ko naman sa lalaking iyon. Basta magawa ko na ang pinapagawa niya at maipagamot si papa. Hindi ko na siya kailangan.

Bumulagta sa akin ang damit na kumikinang. At syet, napaka sexy. Halos lumawa na ang dibdib ko. Hindi ko alam kung strapless dress ang tawag dito. Agad akong pumasok sa loob ng CR. Yes may sarili akong CR dito sa bahay. Sa kwarto nina mama at papa wala. Pati ang kapatid kong si Pat. Wala siyang CR sa kwarto. Nang matapos akong palitan ang damit ko.

Agad akong lumabas at pumunta sa harap ng salamin ko dito sa ng kwarto ko. Shet. Ang sexy ng suot ko. Kahit seventeen pa lang ako, medyo may kalakihan na itong dibdib ko. Ewan ko ba.

Agad akong naglagay ng konting make up sa mukha ko. Hindi ko nga alam kung okay lang ang pagkalagay ng make up e. Medyo wala akong alam sa pagme-make up.

Pinakapal ko ang paglagay ng foundation sa mukha para hindi agad ako makilala. Tapos pinakapal ko ng lipstick ang labi ko. Kaya sobrang pula na ngayon ang labi ko. Linagyan ko din ng eyeliner ang gilid ng mata ko. Medyo hindi naman kakapalan. Medyo pinakapal ko din ang blush on ko sa mukha. Grabe para na akong clown dito. Pero okay lang, bagay ko naman.

Nang matapos kong make up'an ang mukha ko, isinunod ko naman ang buhok ko. Inulugay ko ang buhok kong mahaba at sobrang itim na itim. Straight na straight ito hanggang baywang ang haba niya.

Matapos ko ang lahat. Napatitig ako sa harap ng salamin. Tinitignan ko ang katawan kong bihis na bihis. Habang nakatitig ako sa salamin, bigla na lang pumasok sa isip ko ang mga negatibong mangyayari mamaya.

Ano kaya mangyayari sa gagawin ko mamaya? Paano kung malaman ng lalaking iyon na may masama akong balak sa kanya upang hindi matuloy ang kasal niya?

Paano kung malaman niya na gusto kong sirain ang kasal at bigla na lang niya akong ipapatay. Hindi ko kilala ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin pagnalaman niya ang plano ko.

Bigla na lang makaramdam nang takot. Kinabahan din ako bigla.

Parang may mangyayari mamaya na masama. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang pumasok sa isipan ko iyon? O baka naman dahil lang sa kaba at takot kaya ko naisip iyon?

Pero wala na talagang atrasan ito. Pagkatapos itong gabing ito. Hindi din naman kami magkikita ng lalaking iyon diba? Pagkatapos kong mangsira ng tao, aalis din naman ako. Kami ng pamilya ko.n

Pero paano kung ipapahanap ako ng lalaking iyon dahil sa pagsira ng kasal?

Pero hindi ko naman alam kung magtatagumpay ako sa gagawin ko. Pero sana naman magtagumpay ako, alang alang sa kalagayan ng pamilya ko. Gusto kong iahon sila sa kahirapan.

Gusto kong mamuhay ng simple. Pero paano ko gagawin yung kung may malaking kasalanan akong kinakaharap? Hindi ko iyon matatakasan. Alam kong dala dala ko iyon kung saan man ako pupunta. Kahit kailan man, hindi iyon mawawala.

Natatakot ako sa makakahinatnan nitong gagawin ko. Paano kung ipakulong niya ako dahil sa pagsira sa kaniya?

Para akong nasisiraan ng ulo pagnaaalala ko ang bagay na iyon. Napabuntong hininga at at tumitig ulit ako sa salamin sa harapan ko.

"Kaya mo 'yan self. Malalamapasan mo din iyan. Dapat tatagan mo lang ang loob mo, alang alang sa mahal mo sa buhay. Ayaw mo naman siguro na may masamang mangyayari sa mahal mo diba? Kung ano man ang kinahihinatnan ng gagawin mo, malalagpasan mo iyan. Huwag kang mawalan ng pag-asa. Para sa pamilya mo." nakangiting pagpapagaan ko sa pakiramdam ko habang nakatingin sa harapan ng salamin.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now