Chapter 18

10.6K 217 6
                                    

Happy 10k reads 🎉 Maraming maraming salamat po sa inyong suporta. Kung hindi po dahil sa inyo. Hindi po ito aabot sa 10k reads. Kaya maraming salamat po ulit sa inyo.

Dedicated to:EspermYamatello and yumizkkie28

************

"Daddy, dito na po kayo matutulog ha. Gusto ko pong tabi tabi tayong matulog nila mommy." biglang sabi ng anak ko sa ama niya.

Agad naman nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.

"Anak, baka m-marami ang gagawin ng daddy mo."agap kong sabi sa kanya.

Nakakahiya kasi kay Nicholas.

Medyo kinabahan din ako dahil baka magalit si Nicholas sa sinabi ni Nicky. Baka ayaw niya ang inuutusan.

"Sure, baby. Dito ako matutulog. If your mommy agree. Wala naman akong importante na pupuntahan."sabi niya sabay tingin sa akin.

Napalunok naman ako bigla. Napapatigil talaga ako pag-nagtatama ang mata naming dalawa.

"Just say yes, mommy."

Inalis ko sa kaniya ang tingin ko at binalingan ng tingin si Nico sa tabi ni Nicholas. Ngayon lang na naman nagsalita si Nico. Hindi masyadong nagsasalita ang batang ito. Tahimik lang siya sa isang tabi.

Tumingin naman ako kay Nicholas.

"Sigurado ka ba? Hindi ba kami nakakaabala sa'yo?"alinlangan kong tanong.

Biglang nagsalubong ang kilay niya at napakunot siya.

"What kind of question is that? Of course not, kahit kailan hindi kayo naging abala sa akin."diretso niyang sagot sa mata ko.

Biglang umurong naman ang dila ko dahil sa sinabi niya. Nagulat ako dahil hindi ko inaakala na lalabas sa bibig niya ang katagang 'yun.

"Please mommy, birthday pa naman po namin ngayon e. Pagbigyan mo na po kami."pagmamaka-awa ni Nicky habang nagpapa-cute.

How cute. Hmm.

Napatingin ako sa kanilang tatlo. Hays.. Bakit ang gaan sa pakiramdam na nakikita mo silang tabi tabi habang nakatingin sila sa'yo? Parang may kung ano sa dibdib ko habang nakatingin sa kanila. Saya. Sobrang saya ang nararamdaman ko ngayon. Nag-uumapaw na kaligayahan.

"Fine."

Pagkasabi ko 'yun bigla silang napahiyaw. Ang hyper hyper ni Nicky. May pakembot kembot pa siya. Haha.

Tumingin naman ako kay Nicholas. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil nakita ko na parang nagliwanag ang mukha. Parang tuwang tuwa dahil sa pagpayag ko na dito muna siya matutulog.

'Ako din e, masaya ako dahil makakasama namin siya pagtulog.' wala sa sariling napangiti na lang sa isip ko.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa mag-aama ko. Ang saya nilang tignan.

Nandito na kami ngayon sa second floor ng bahay, sa valendra. Nakaupo kami ngayon. Nasa harap ko lang sila. Silang tatlo ang magkakatabi habang ako, ako lang ang mag-isa sa pang pang-isahan na sofa.

Ang ganda nilang pityuran.

"Mommy, doon po tayo sa kwarto mo tayo matutulog. Malaki po naman e."sabi bigla ni Nicky.

Nanlaki naman ang mata ko dahil sa sinabi. "No." Mabilis kong sagot.

'Bakit sa kwarto ko pa sila matulog? Medyo magulo ang kwarto kaya ayaw ko doon sila matulog. Baka anong sabihin ni Nicholas sa akin dahil sa pagkaburara ko. Nakakahiya kaya.' untag ko sa isipan ko.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now