Chapter 7

13.7K 312 8
                                    

Pagkalabas namin ng airport agad akong pumara ng taxi.

Habang nasa daan kami. Nakatingin lang sina Nico at Nicky sa labas nang bintana. Kulang na lang ang ilabas ang ulo nila sa bintana. Parang ngayon lang sila nakakita nang ganitong lugar. Sabagay ngayon lang naman sila nakapunta dito.

Hindi ko alam sa dalawa kong anak kung bakit makatingin sila sa labas nang bintana. Puro usok lang naman ang makikita mo. Mga nagtataasang gusali, mas malaki naman ang gusali sa US. Mga sasakyan na nadadaanan namin.

"Ang gaganda at ang gagwapo naman nang mga anak niyo, ma'am. Manang mana sa inyo. Maganda." biglang sabi ni kuyang driver.

Tumingin naman ako sa kanya at bigla siyang nginitian.

"Hindi naman po, kuya, mana lang po sila sa kanilang ama. Hehe. Ang lakas ng genes ang ama nila e." pabiro kong sagot sabay tawa.

Tama naman ako e, mana sa ama. Ang perpekto kaya ng mukha ni Nicholas. Kaya nga sa unang pagkakita ko sa kanya bigla akong tinamaan. Ang mukha niyang parang greek god. Hindi ako makapaniwala na may anak ako sa kanya. Hindi ko iyon pinagsisihan.

"Kaya naman po pala ang gaganda ng lahi." sabi na naman ni kuyang driver.

'May pagka-bolero pala si kuyang driver.'

Kaya napangiti na lang ako sa kanya at wala sa sariling napatingin kina Nico at Nicky na nakatingin parin sa labas. Buti na lang at hindi nila narinig ang usapan namin ni kuyang driver.

Hindi talaga maiitago na anak sila ni Nichols Clarkson.

"Ang swerte niyo naman ma'am, may ganyan kayong anak na gwapo at maganda. Siguro gwapo ang asawa niyo, no?" bigla na namang sabi ni kuyang driver.

Napatingin naman ako sa kanya. Nakita ko na tumingin siya sa akin saglit at binalik ang tingin sa harap ang tingin.

Pansin ko a, may pagkamadaldal itong si  kuyang driver. Pero mas maganda na 'yung madaldal kaysa sa bastos na driver.

Ang saya ngang kausap ni kuya e, lagi kang pinupuri.

"Ako po ang maswerte dahil dumating sila sa buhay ko. Kung hindi dahil sa kanila baka matagal na akong nabaliw sa dami ng dumating na problema sa akin." wala sa sariling sabi ko habang nakatingin parin sa mga anak ko.

Kahit hindi ako nakatingin kay kuyang driver alam kong nakangiti siya.

Hindi ko sinagot ang huli niyang tanong sa akin. Natatakot ako na baka madinig ng mga anak ko ang pinag-uusapan namin ni kuya driver.

Nang hindi na nagsalita si kuyang driver, tumahimik na din ako. Nakatitig lang ako sa mga anak kong manghang mangha sa paligid.

"Why, mom?" tanong sa akin ni Nico nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanila ni Nicky.

Nginitian ko naman siya at umiling iling.

"Anong tinitignan niyo sa labas, baby? Mukhang manghang mangha kayo a?" mahinahon kong tanong sa kaniya at hinawakan ang kaniyang malambot na buhok.

"Nothing, mom. Bakit ang traffic dito? But in US, there's no traffic there?" simple niyang tanong. Sabay tingin na naman sa labas.

Napailing na lang ako at palihim na natawa. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang nagsalita bigla si Nicky.

"Mom, why is so init here? In US, not like this." konyo niyang tanong sa akin at maarteng pinaypayan ang mukha niya gamit ang kaniyang kamay.

Hindi ko maiwasan ang hindi matawa sa sinabi nila. Takang taka ang mukha nila nang tanungin nila iyon.

Hiding His Twins (COMPLETED)Where stories live. Discover now